bc

ANG LIHIM NI SEÑOR: Ang Dalagang Kasambahay (SSPG)

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
age gap
heir/heiress
drama
bxg
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

​“Kanina ka pa nakatitig diyan, Maria. May gusto ka bang hawakan?”​

Para kay Maria Gonzales, isang bente-dos anyos na probinsyana mula sa Bicol, ang pagluwas sa Maynila bilang kasambahay ang tanging paraan para maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Handang-handa na siyang magtiis at magpakapagod, lalo pa’t alam niyang may naghihintay namang nobyo sa kanya kahit pa unti-unti nang lumalamig ang pakikitungo nito dahil sa layo nila sa isa't isa.​

Nang matanggap siya sa naglalakihang Mansyon Molabez, inasahan niyang ang pagsisilbihan niyang amo ay isang uugod-ugod at hukot na matanda.

Ngunit laking gulat niya nang makaharap niya si Señor Gheo Molabez.​Sa edad na animnapu, si Señor Gheo ay malayo sa inaakala niya. Matangkad, matipuno, may nakakahalina at malinis na balbas, at may nakakapasong presensya na nagpapabilis sa t***k ng inosenteng puso ni Maria. Higit sa lahat, ang matandang ito ay may "asim" na hindi niya mapigilang mapansin.​

Habang nagiging pamilyar si Maria sa mga gawaing bahay, unti-unti rin niyang natutuklasan ang madilim at mainit na lihim ng kanyang amo: ang mga gabing may inuuwi itong iba't ibang babae upang punan ang init ng katawan.​Pilit na iniiwasan ni Maria ang tukso, lalo na't alam niyang trabaho lang ang ipinunta niya roon.

Ngunit paano kung ang mga mapanuksong mata ng Señor ay hindi na sa mga babaeng inuuwi nito nakatitig, kundi sa kanya na? Hanggang saan aabot ang paninindigan ng isang dalagang kasambahay kung ang mismong amo niya ang unti-unting nag-aalok ng pagnanasang hindi niya matakasan?

chap-preview
Free preview
Ang Mansyon ng Molabez at ang Matandang May Asim
​Jusko! Napalunok ako habang nakatingala sa dambuhalang gate ng Mansyon Molabez. Gawa sa makapal na bakal na may mga gold details pa. Sa sobrang laki, pakiramdam ko ay lalamunin ako nang buhay ng bahay na 'to. ​Inayos ko ang pagkakasabit ng luma kong bag at pinagpagan ang suot kong maong. Dalawampu't dalawang taong gulang pa lang ako, fresh from Bicol, at bitbit ang pangarap na makaahon kami sa hirap. Sayang naman ang kaputian at haba ng buhok ko kung sa probinsya lang ako mabubulok, 'di ba? Charot! Kidding aside, kailangan ko talagang magbanat ng buto kaya heto ako, nakikipagsapalaran bilang kasambahay sa Maynila. ​Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa. Chineck ko ang Messenger. Wala. Huling seen pa ni Miguel ay kahapon ng umaga. ​Bumuntong-hininga ako. Busy lang 'yun sa construction. Mahirap talaga kapag LDR, nakakapraning minsan. Nag-type na lang ako ng, 'Nandito na 'ko sa papasukan ko, babe. Ingat ka,' bago ko ibalik ang phone sa bulsa ko. Tiwala lang. Nagpapakahirap din 'yun para sa future namin. Aahon din kami. ​Nag-doorbell ako. Hindi nagtagal, bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng gate at lumabas ang isang lalaking naka-uniporme ng gwardiya. Medyo may edad na rin. ​"Ano 'yon, neng?" tanong niya. ​"Ako po si Maria. 'Yung bagong kasambahay po na galing Bicol." ​Lumiwanag ang mukha niya. "Ah! Ikaw pala 'yan. Ako si Manong Manuel, ang gwardiya rito. Halika, pasok ka, kanina ka pa hinihintay sa loob." ​Pagkapasok ko, halos malaglag ang panga ko. Grabe! Literal na palasyo! Ang daming halaman, may malaking fountain sa gitna, at ang kikinis ng mga kotseng nakaparada. Habang naglalakad kami ni Manong Manuel, sinalubong kami ng isang babaeng mukhang matanda nadin. Nakapamewang ito at tila sinusuri ang buo kong pagkatao. ​"Rusing, heto na 'yung bagong salta," nakangiting sabi ni Manong Manuel sa babae. Napansin ko ang bahagyang paglambot ng mata ng gwardiya nang tingnan niya ito, sabay pilit na inayos ang kwelyo ng kanyang uniporme. Umiwas naman agad ng tingin si Manang Rusing, pero napansin ko ang maliit na ngiti sa labi nito bago bumalik sa pagiging seryoso. ​"Sige na, Manuel, bumalik ka na sa pwesto mo at baka may dumating," medyo mataray na utos ni Manang Rusing bago bumaling sa akin. "Ikaw ba si Maria? Ako ang mayordoma rito. Sumunod ka sa akin sa loob para ma-briefing kita." ​Tumango ako nang mabilis at sumunod sa kanya. Makintab ang mga sahig at nakakalula ang mga chandelier pagkapasok namin sa main double doors. ​"Makinig kang mabuti, Maria," panimula ni Manang Rusing habang naglalakad kami sa malawak na pasilyo. "Strict ang amo natin dito na si Señor Gheo, kaya umayos ka. May sinusunod 'yang routine araw-araw. Kape nang eksaktong alas-sais ng umaga, breakfast ng alas-syete, at lunch ng alas-dose. Pagkatapos niyan, aalis na 'yan at madalas ay gabi na ang uwi. Kaya pag wala siya, tapusin mo na lahat ng Gawain mo." ​"Opo, Manang," mahinhin kong sagot, pilit kinakabisa ang mga oras. ​Nang papasok na kami sa sala, biglang may narinig akong mabibigat na yabag pababa ng malaking hagdan. ​"Señor, magandang umaga po," bati ni Manang Rusing kaya napatingin rin ako agad. ​Kumabog ang dibdib ko. Ito na ang amo ko. In-expect ko na makakakita ako ng uugod-ugod na matandang hukot at kailangan ng saklay. Animnapung taong gulang na raw kasi ito. ​Pero pag-angat ko ng tingin... shucks! Nagkamali ako nang malala. ​Nasa harapan ko ang isang matangkad at malapad na lalaki. Matipuno ang katawan at halatang alagang-gym. Ang buhok niya ay magkahalong grey at white na, pati ang malinis niyang balbas, pero imbes na magmukhang lolo, lalo pa siyang naging hot tingnan. Nakasuot siya ng simpleng puting polo, pero dahil hindi nakabutones ang itaas, sumilip ang mga balbon niya sa matipunong nyang dibdib. ​Literal na napalunok ako. Ibang klase. Ang lakas ng dating, at higit sa lahat... amoy pa lang sa pabango niyang panlalaki, alam mong may asim pa ang matandang 'to. ​Nagtagpo ang mga mata namin. Madilim, seryoso, at parang nangangain. Parang may kung anong koryente na gumapang sa batok ko pababa sa gulugod ko. ​"Siya ba 'yung bago, Rusing?" malalim at buo boses niya. Parang dumagundong sa loob ng dibdib ko ang bawat salita niya. ​"Opo, Señor Gheo. Si Maria po." ​Yumuko ako ulit para itago ang pamumula ng pisngi ko. "M-Magandang umaga po, Señor..." ​Tumango lamang siya. Isang matipid at seryosong tango bago siya tuluyang naglakad papunta sa dining area. Naiwan akong nakahawak nang mahigpit sa strap ng backpack ko. ​"Huy, humihinga ka pa ba?" wika sa akin ni Manang Rusing. "Halika na sa kusina at ipapakilala kita kay Lean. Siya ang magtuturo sa'yo ng mga pasikot-sikot dito." ​Sa kusina, naabutan namin ang isang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lang din. Naghihiwa siya ng mga prutas. Nang makita ako ay agad siyang ngumiti. ​"Hi! Ako si Lean," bati niya sabay punas ng kamay sa apron at nakipagkamay sa akin. "Isang taon na 'ko rito. Buti naman may kasing-edad na 'ko, puro mga amoy lupa na kasama ko rito eh—” PAK!! ​Nakatikim agad si Lean ng mahinang batok kay Manang Rusing. "Ayusin mo ang tabas ng dila mo, Lean. Sige na, turuan mo 'yan at may aayusin pa ako sa taas." ​Nang makaalis si Manang, agad akong hinila ni Lean sa gilid. "Girl, ang ganda mo ha! Kinis! Pero teka, nakita mo na ba si Señor?" bulong niya habang nanlalaki ang mga mata. ​Tumango ako. "Oo. Kalalabas lang." ​"Oh 'di ba? Ulam! Pero naku, hanggang tingin lang tayo d'yan," natatawang chika ni Lean habang tinutulungan akong mag-ayos ng gamit sa maliit na kwarto namin sa likod ng kusina. "Araw-araw, same routine 'yan si Señor. Pero pagdating ng gabi? Lalo na kapag madaling araw? Naku, asahan mo na may inuuwi 'yang iba't ibang babae rito para mag-enjoy. Iba't ibang b*****g araw-araw, te! Kaya wag kang magugulat kung may marinig kang mga ungol sa taas o kaya may makasalubong kang naka-lingerie sa kusina ng alas-tres ng madaling araw." ​Nanlaki ang mga mata ko. "Grabe? Animnapung taon na 'yun 'di ba? Kaya pa niya 'yun araw-araw?" ​Tumawa si Lean. "Sus, kapag nakita mo ang katawan nun, ikaw pa ang magtatanong kung kaya mo ba siya! Malakas pa sa kabayo 'yun!" ​Lumipas ang ilang oras at mabilis akong nakapag-adjust sa tulong ni Lean. Itinuro niya sa akin kung saan kukunin ang mga cleaning materials at kung paano timplahin ang paboritong kape ng amo namin. ​Pasado alas-kwatro ng hapon. Abala si Lean sa paghahanda ng hapunan nang utusan niya ako. "Maria, kunin mo nga 'yung mga malilinis na tuwalya d'yan sa cabinet. Dalhin mo sa pool area sa likod. Nag-swimming yata si Señor, kailangan niya 'yun bago siya umalis mamayang gabi." ​Kahit medyo kinakabahan, kumuha ako ng dalawang puti at makapal na tuwalya. Dahan-dahan akong naglakad palabas papunta sa likod ng mansyon. Pagliko ko sa hardin, bumulaga sa akin ang isang napakalaking swimming pool na parang sa mga luxury resort. ​Napatigil ako sa paglalakad. ​Nasa kabilang dulo ng pool si Señor Gheo. Umahon siya mula sa tubig. Parang bumagal ang ikot ng mundo habang pinagmamasdan ko siya. Umaagos ang tubig mula sa kanyang maayos at magkahalong kulay-abong buhok, pababa sa kanyang panga at sa mabalbon niyang dibdib. ​Kahit may edad na siya, bakat na bakat ang matitigas na muscle sa kanyang tiyan. Pero hindi roon napako ang paningin ko. ​Nakasuot lamang siya ng hapit na hapit na itim na swimming shorts. Dahil basang-basa ito at nakadikit sa kanyang balat, walang-awang bumakat ang napakalaking umbok sa kanyang harapan. Ang bakat na nagpapatunay sa mga sinabi ni Lean kanina. Malaki at parang dambuhala. Partida tulog pa. ​Napakagat labi ako. Parang umurong lahat ng laway ko at uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. ​Hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa kinatatayuan ko. Pinunasan niya ang tubig sa mukha niya at unti-unti nyang pinunasan ang labi nya. Sa halip na magtakip, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Bawat hakbang niya, mas lalong naging malinaw ang bakat nang kanyang armas. ​Huminto siya ilang dangkal lang ang layo sa akin. Amoy na amoy ko ang pinaghalong chlorine at ang matapang niyang natural na amoy-lalaki. Tumaas ang isang kilay niya, ang madilim niyang mga mata ay nakatitig nang diretso sa mga mata ko, bago bumaba sa nanginginig kong mga kamay na may hawak ng tuwalya. ​"Kanina ka pa nakatitig diyan, Maria," mababa at madiin niyang bulong na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan. "May gusto ka bang hawakan?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
192.0K
bc

Daddy Granpa

read
291.0K
bc

His Six Months Rule

read
31.3K
bc

Sin With You

read
6.5K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
61.2K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
46.0K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
257.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook