"Kanina ka pa nakatitig diyan, Maria," mababa at madiinl niyang bulong. "May gusto ka bang hawakan?"
Pakiramdam ko ay umurong lahat ng dugo ko mula sa talampakan paakyat sa mukha ko. Namumula siguro ako nang sobra ngayon na parang kamatis. Gusto kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas na boses. Ang titig niya ay parang nang-aasar pero seryoso.
"P-Po? W-Wala po, Señor!" nauutal kong sagot, halos mabulol na ako sa sarili kong laway. "H-Heto na po 'yung tuwalya niyo."
Dahil sa sobrang taranta at kaba na baka mapagalitan ako, humakbang ako papalapit para iabot sa kanya ang makapal na puting tuwalya. Pero hindi ko napansin ang basang tiles sa gilid ng pool.
Pag-apak ko, biglang dulas ng suot kong tsinelas.
"Ay!!" napasigaw ako at napapikit, naghihintay na bumagsak ang mukha ko sa matigas at malamig na semento.
Pero walang sementong sumalubong sa akin. Imbes na bumagsak, naramdaman ko ang isang pares ng napakalalaki at matitigas na braso na pumulupot sa bewang ko.
Swoosh. Sa isang iglap, nasalo niya ako.
BInuksan ko ang aking mga mata. Halos magdikit na ang mga mukha namin ni Señor Gheo.
Ang dalawang kamay ko ay nakapatong mismo sa kanyang malapad at basang dibdib. Ramdam na ramdam ng mga palad ko ang init ng balat niya at ang tigas ng kanyang mga muscles na basa pa ng tubig mula sa pool.
Yung mga braso niyang nakahawak sa akin, grabe, ang tigas ng biceps! Parang bakal!
Bumagal ang ikot ng mundo ko. Amoy na amoy ko ang hininga niya, ang barakong pabango niya.
Tumingin ako sa mga mata niya, at sa isang saglit, nakita ko ang pagdilim ng mga ito habang nakatingin sa labi ko.
Agad akong natauhan. Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap niya at umatras.
"S-Sorry po! Naku, pasensya na po, Señor! Hindi ko po sinasadya, nadulas po ako!" sunod-sunod kong paghingi ng tawad habang nakayuko, halos maiyak na sa kaba. Jusko, unang araw ko pa lang, baka masesante na agad ako!
Pero nang tignan ko si señor, blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Parang walang nangyari.
Parang hindi man lang siya naapektuhan sa pagkakadikit ng mga katawan namin. Kinuha niya ang tuwalya mula sa nanginginig kong kamay at ipinunas iyon sa kanyang buhok at leeg.
"Mag-ingat ka sa dinadaanan mo," malamig niyang utos. "Huwag kang lampa. Unang araw mo pa lang dito, baka gusto mong tanggalin na kita agad."
Napalunok ako at mabilis na tumango. "O-Opo, Señor. Pasensya na po talaga."
Hindi na siya sumagot. Tumalikod na siya at naglakad papasok sa mansyon para magbihis, iniiwan akong nakatayo mag-isa sa gilid ng pool.
Nang makalayo na siya, doon ko lang nagawang huminga nang malalim.
Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe ang kabog ng puso ko, parang gustong kumawala sa tadyang ko. Pero ang mas nakakagulat... may kakaibang init akong naramdaman sa ibabang bahagi ng katawan ko, sa mismong perlas ko. Isang init na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
Libog?
Nanlaki ang mga mata ko sa sarili kong naisip. "SHUTA!, Maria! Nababaliw ka na ba?" pabulong kong kinurot ang sarili ko sabay sampal nang mahina sa sarili kong pisngi.
Pilit kong inalis ang kalaswaan sa isip ko. Matanda na 'yon! Animnapung taon na 'yon! Amo ko 'yon at nandito ako para magtrabaho.
Isa pa, may boyfriend ako. Si Miguel! Kahit madalang mag-chat 'yon, may nobyo pa rin ako. Baka nabigla lang talaga ako sa mga abs at bakat niya kanina kaya nag-react nang ganito ang katawan ko. Oo, tama. Nabigla lang.
Para makalimot, ibinuhos ko ang buong lakas at atensyon ko sa paglilinis. Bumalik ako sa loob at kinuha ang mga cleaning materials.
Nagwalis ako sa malalawak na pasilyo, nagpunas ng mga alikabok sa mga naglalakihang antique vases, at nag-vacuum sa napakakapal na carpet sa sala at library.
Walang katapusan yata ang mansyon na ito! Pakiramdam ko, bawat sulok ay may kailangang linisin.
Sumasakit na ang mga braso at binti ko, pero hindi ako tumigil hanggang natapos ako ng hapon. Kailangan kong patunayan kina Manang Rusing at lalo na kay Señor Gheo na hindi ako lampa at deserve ko ang sweldo rito.
Pasado alas-singko na ng hapon nang makarinig ako ng malakas na pag-andar ng makina mula sa garahe. Sumilip ako nang kaunti mula sa bintana sa sala. Nakita ko ang isang makintab at itim na SUV na lumalabas ng gate.
Aalis si Señor. Tama nga ang chika ni Manang Rusing at Lean. Ganito ang routine niya. Pagpatak ng hapon hanggang gabi, umaalis siya at naglalaho na parang bula para gawin ang kanyang mga exercise kuno.
Binalewala ko na lamang iyon. Wala naman akong pakialam sa personal niyang buhay. Ang mahalaga, tapos na ako sa trabaho at wala na akong amo na kailangang pagsilbihan para sa araw na ito.
Bumaba ako sa maid's quarters, kung saan naroon ang maliit na kwarto namin ni Lean. Dahil abala pa si Lean sa kusina, ako lang mag-isa sa kwarto. Kumuha agad ako ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Kating-kati na ang buong katawan ko sa pawis at alikabok.
Binuksan ko ang shower. Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na tubig na dumadaloy sa mukha ko, pababa sa leeg, sa dibdib, at sa buong katawan ko.
Pero habang ipinapahid ko ang sabon sa aking balat, biglang nag-flashback sa isip ko ang nangyari kanina sa pool. Ang mga matitigas na braso ni Señor Gheo. Ang mainit niyang hininga. Ang matalim niyang pagtitig sa mga labi ko. At yung... yung umbok sa itim niyang shorts.
Nataranta ako nang maramdaman kong muling bumangon ang init sa pagitan ng mga hita ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bakit ba naiisip ko ang matandang 'yon sa ganitong sitwasyon?!
Naalimpungatan ako sa sarili kong pantasya. "Tumigil ka, Maria. Umayos ka," bulong ko sa sarili ko habang nagmamadaling magbanlaw.
Paglabas ko ng banyo, nagbihis lang ako ng simpleng maluwag na t-shirt at pajama. Hindi ko na hinintay si Lean. Dahil sa matinding pagod sa maghapong paglilinis, pabagsak akong humiga sa kama. Wala pang limang minuto, tuluyan na akong nilamon ng antok.
Nakatulog ako nang mahimbing. Sobrang himbing na akala ko ay didiretso na iyon hanggang umaga.
Pero nagising ako.
Napadilat ako sa dilim. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng unan para tingnan ang oras. 2:45 AM. Hatinggabi. Madaling araw.
Bakit ako nagising?
At saka ko iyon narinig.
"Ahhh... Señor... d-diyan... mmmm..."
Isang mahaba, malakas, at madiin na ungol ng isang babae.
Nanlaki ang mga mata ko at nabalingkwas ako ng bangon. Hindi ko panaginip 'yon. Rinig na rinig ko. Ang ungol ay nanggagaling sa itaas, posibleng sa mismong master's bedroom, pero dahil sa sobrang tahimik ng buong mansyon, nag-eecho hanggang dito sa ibaba.
"Uhhh... f-fuck..." Isang malalim at nanggigigil na ungol naman ng lalaki ang sumunod. Pamilyar na pamilyar ang boses na 'yon. Si Señor Gheo!
Bumilis ang t***k ng puso ko. Mabilis, mainit, at puno ng pagnanasa ang mga tunog na naririnig ko. Halatang may milagrong ginagawa ang matanda sa itaas!
Naalala ko agad ang mahigpit na bilin ni Manang Rusing at ni Lean: Kapag may narinig kang ungol sa gabi, dedmahin mo lang. Trabaho lang tayo dito.
Pilit kong ipinikit ang mga mata ko at tinakpan ng unan ang magkabilang tenga ko. Matulog ka na, Maria. Wag kang makialam, utos ko sa sarili ko.
Pero mas lalo atang lumalakas ang mga ingay. Naririnig ko na rin ang paghampas na para bang bumabagyo.
Pakk. Pakk. At ang sunod-sunod na pagtili ng babae sa sobrang sarap.
Hindi ko na kaya. Nilalamon na ako ng kuryusidad ko. At aaminin ko, yung libog na pilit kong pinatay kanina sa banyo... biglang nag-alab ulit. Gusto kong makita.
Gusto kong malaman kung paano gumalaw sa kama ang isang animnapung taong gulang na tulad niya para magpaungol ng ganito kalakas sa isang babae.
Dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko sa malamig na sahig. Nakayapak lang ako. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng kwarto namin at binuksan ito nang walang kahit anong tunog.
Madilim sa labas ng pasilyo. Tanging ang mga blind lights lang sa dingding ang nagsisilbing liwanag.
Nilunok ko ang kaba ko. Humakbang ako nang palihim, unti-unting lumalapit papunta sa malaking hagdan... kung saan mas lumilinaw, mas umiinit, at mas tumitindi ang mga tunog ng makamundong pagnanasa.