bc

Some Type of Love

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.9K
READ
possessive
brave
confident
inspirational
drama
comedy
cheating
selfish
like
intro-logo
Blurb

Slice of Life

Love Series 1:

Everyone wants to be loved. Ang pagmamahal ay walang pinipiling edad, at kasarian. Libre lang magmahal at libre ding masaktan. Walang perpektong love story, ang lahat ay may loopholes at conflicts. Daniel wants to have his own happily ever after, like the love story of his favorite Disney princess.

Daniel Batumbakal sa umaga at Daniela naman sa pagpatak ng gabi. He’s a gay! He wants to shout it to the whole wide world, pero hindi pwede dahil hindi alam ng pamilya niya. He's being judged by the ugly society. His kind was not fully accepted by other people.

Ang hanap niya sa buhay ay lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo ngunit paano kung imbis na lalaki ang mahalin niya ay sa tomboy pa siya babagsak?

Nahulog-log-log ang puso niya sa isang tomboy na walang lawit. It’s unexpected, and crazy!

Jonna got his heart. He loves her unexpectedly and the lesbian loves him too, but he still broke her heart after he got her pregnant.

“Jonna, After so many years, I still love you.” He said to her while wearing a pink stilletos and his lips were color pink.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Sampong taong gulang pa lang ako ay alam ko na sa sarili ko kung ano ako. Natanggap ko na nakakaiba ako sa ibang mga bata. Nag-iiba na ang nais ko at gusto ko. Ang dating robot na iniiyakan ko na makuha at hingiin sa magulang ko ay isinasantabi ko na. Ang barbie na laruan ng kababata kong babae ang mas nagugustuhan kong laruin at ayusan. Noong una kong malaman ang pagbabago sa akin ay gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa akin. Hindi ko gusto ang mga gawain at larong panlalaki. Mas napapalapit ako sa mga bagay na may kaugnayan sa pambabae. Naliwanagan lang ako noong tumuntong ako sa edad na alam ko na ang tama sa mali. Sampong taong gulang, bata man sa iba ngunit para sa akin ay ito na ang edad na bumukas ang isip ko sa mga bagay bagay. Bakla ako. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo ngunit hindi ko magawa sa kadahilanang ayokong mahusgahan. Mahirap maging isang bakla dahil maraming manghuhusga sa'yo. Ang mga magulang na sanay gagabay at mamahal sa'yo ay magiging ilag sa'yo. Ikahihiya ka at hindi tatanggapin. Iyon ang bagay na ikinatatakot ko. Mas pinili kong itago ang tunay kong pagkatao. Itinago ko sa pamilya ko ang tunay kong kasarian. Sobrang hirap dahil kahit pigilan ay kusa pa ring nalabas. "Ay, Ipis! Shoo!" sigaw ko nang may dumapong ipis sa aking braso. Naluluha ang mga mata na ipinagpag ko ang aking braso. Nagtatalon pa ako sa sobrang takot at gulat. Ayoko sa ipis dahil madumi ito. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila pero madumi talaga sila. Kung saan saang bagay na madudumi sila dumadapo. "Ewww! It's so nakakadiri!" maarte kong sabi. Marami silang germs, like bacterias with a capital S. Plural kasi dahil maraming bakterya! "Daniel! Anong nangyayari sa'yo?" sulpot ng isang baritono na boses. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Napatigil ako sa malambot na pagpagpag sa braso ko. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa may pintuan ng kusina. Pinatikas ko ang tayo ng aking katawan, pinatigas ko ang braso kong malamya at bigla akong dumapa. Nag-push up agad ako sa sahig. "Wala po, Pa! Nag-e-ehersisyo lang po ako." patay malisya na sabi ko. Tatlong beses akong nag-push up at nang maramdaman ko ang pananakit ng braso ko ay agad akong tumayo nang matikas. Nakita ko ang nakakunot na noo ni Papa. Salubong din ang kilay niya na tila tinatantya ang isang bagay. Naramdaman ko ang pagtulo nang pawis sa aking noo. Ramdam ko ang pagkabog ng heart ko. It's sounds like dug dug dug dug. Ito na ba ang kamatayan ko? Baka mabuking ako. Yari ako kay Pudra! "May narinig akong pumalakat?" seryosong sabi niya kaya napalunok ako. "Po? Wala naman po akong narinig, Pa. Baka po sa kapitbahay." palusot ko. Ang boses ko pa ay pinatigas ko para mas lalong magtunog lalaki. Oh, no! Nakita niya ba akong nagtatatalon habang pumipilantik ang kamay? Kumunot lalo ang noo niya kaya mas lalong nadagdagan ang mga butil ng pawis na tumutulo sa aking noo. Am I deadlalu? Oh, my gosh! I hope my kabaong will be kulay pink. Naghahanda na akong masuntok pero nakahinga ako nang sobrang luwag noong tumango si Papa. "Sa kapitbahay nga siguro." sambit niya. Naglaho ang nagtataka niyang ekspresyon. "Opo." mabilis kong pagsang-ayon. "Sige, bweno, aalis muna si Papa at pupunta sa police station. Magtatrabaho na ulit ako." paalam niya sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Lumapit siya sa akin at ginulo niya ang buhok ko. "Ang laki mo na. Ang bilis nga naman ng panahon. Sampong taon ka na." sabi niya sa akin. Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. "Ang paborito kong anak na lalaki." masaya niyang sabi kaya napangiwi ako. Pader, I'm a barbie girl in a Barbie world. Life in plastic, it's fantastic. You can brush my hair, undress me everywhere. Imagination, life is your creation. Come on, Barbie, let's go party! Ah ah ah! Napatigil ako sa pag-iisip ng mga kaartehan nang maramdaman ko ang may kalakasang pagtapik sa akin ni Papa sa likod. "Aray!" mahina ngunit may arte na sabi ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Napaubo agad ako at pagkatapos ay ngumiwi. "Papa, ako lang naman po ang anak niyong lalaki." matigas ang boses na sabi ko. Pilit kong pinapalaki ang boses ko para hindi siya magtaka sa akin. "Oo nga, ano?" Tumawa siya kaya tumawa ako. Hindi niya napansin ang pagdaing ko. Palihim akong napapunas ng pawis. "Dahil nag-iisa kang lalaki ay dapat lang na sumunod ka sa yapak ko. Magpupulis ka, ha?" sabi ni Papa kaya nakaramdam ako ng panlulumo. I wanna be a barbie. Napalunok ako. Mabilis akong tumango sa kaniya. "P-po? O-opo!" natataranta kong pagpayag. Malawak na ngiti ang ibinigay niya bago niya guluhin ang buhok ko. "Magaling. Aasahan ko yan! Anong gusto mong pasalubong na laruan?" tanong niya kaya bigla akong nabuhayan. Barbie po with a pink dress and lipstick! "Baril barilan ba? O kotse kotsehan?" magiliw na tanong niya kaya napatigil ako at nawala ang kasiyahan sa mukha. Bakit ko nga ba nakalimutan na ayaw ni Papa sa mga bakla. Baka bugbog ala berna ako pag nagpabili ako sa kaniya ng manika. "Ba-baril na lang po." mahina ang boses na sabi ko. Kung pwede lang barbie ang hilingin kaso baka mabaril agad ako. Oh, Ken, I'm dead. "Sige. Aalis na ako. Hintayin mo ang Mama mo. May binibili lang siya sa palengke." pamamaalam niya sa akin. Itinaas ko ang aking kamay at pagkatapos ay sumaludo agad ako sa kaniya. "Opo. Ingat po, Pa." sabi ko habang ibinababa ang kamay. Kinuha ko ang palad niya at nagmano ako sa kaniya. "Jonna! Beshie!" may kaartehan sa boses na tawag ko sa bestfriend ko na kakapasok lang sa bahay namin. Lumakad ako palapit sa kaniya habang kumekembot. Itinaas ko pa ang aking kamay upang ipilantik iyon. Wala akong kasama sa bahay kaya nakakapagladlad ako. Si Mama ay nasa trabaho at si Papa ay nasa police station. "Daniel, pare!" Bati niya sa akin at pagkatapos ay itinaas niya ang kamao niya. Pansin ko ang suot niyang may kalakihan na t-shirt at bull cap na pang-jejemon. Alam kong humihingi siya ng peace bumb pero inapiran ko lang ito gamit ang kamay. "Kumusta ka, beshie? Halika, mayroon akong surpresa sa'yo." excited na sabi ko. Alam kong mahuhulog ang mata niya sa makikita. Duh, I have a new toy, pero ayoko noon with a big NO. "Ano naman 'yun?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya. Masigla ko siyang hinigit papunta sa kwarto ko. Maarte kong pinagpagan ang aking kama at pinaupo ko siya. Umupo ang bruha kaya nagusot ang bedsheet ng aking kama dahil sa marahas niyang pag-upo. Upo lang dapat with gentleness eh! "Yung want-itey mo?" tanong ko sa kaniya habang nakangisi. Nakita ko na idinekwarto niya ang kaniyang hita. "Ha?" Nagpapadyak ako sa unahan niya at pagkatapos ay inirapan ko siya. "Yung want mo! Yung gusto mo, gaga!" mura ko sa kaniya. Ten na me! I'm grow up na. "Baril barilan?" tanong niya at nakita ko pagkasabik at tuwa sa kaniyang mukha. "May tama ka, Beshie!" Masayang sabi ko at pagkatapos ay pumalakpak ako sa kaniya. "Pahiram!" biglang sabi niya. Napatawa ako at maarte akong pumunta sa may kabinet ko. Kinuha ko doon ang baril barilan na ipapahiram ko sa kaniya. Binilihan ako ni Pudra ng laruan tulad ng sinabi niya sa akin kahapon. "Wait lang! Kalma ka, besh. Nasaan ang want-itey ko? Dala mo ba ang ipinakukuha ko?" tanong ko sa kaniya. "Yung pangit na babae?" walang modo na sabi niya kaya napairap ako ng sobrang bongga with a capital B. "Ang barbie ko?" may excitement sa boses na sabi ko habang inilalahad ko ang kamay ko. "Akin na!" sabi niya sa akin habang itinuturo ang baril barilan. Ibinigay ko agad sa kaniya ang baril barilan. Kinuha niya naman sa bag pack niya ang Barbie. "Palit tayo, pare. Iyo ang barbie tapos akin ang baril barilan." sambit niya habang inilalabas ang barbie niya. Kahit alam na ng magulang niya na tibo siya ay ibinibili pa rin siya ng mga pambabae na laruan dahil umaasa pa rin ang mga magulang niya na magiging babae pa siya. "Kahit iyo na lang ito." Tipid niyang sabi. "Gora na!" sambit ko. Ibinigay niya sa akin ang barbie niya. Nakanguso na hinaplos ko ang buhok ng barbie. She's so pretty, just like me. "Buti ka pa, Beshie. Tanggap nila na tibo ka. Ako kaya? Kailan kaya magiging bukas ang isip nila sa tulad ko?" nakanguso kong himutok habang naglalaro ng barbie. "Hayaan mo na, pare. Dadating din ang panahon na matatanggap ka nila. Malay mo pag dalaga ka na baka magbago ang paniniwala nila sa bakla?" pagpapagaan niya sa loob ko. "Bata pa tayo kaya chill ka lang d'yan, Bro." wika niya habang tinatapik ako sa aking balikat. Napataas ang kilay ko dahil may lupa pa ang kaniyang kamay. I'm sure na nagdakot na naman siya ng lupa bago pumunta dito! Eww! "Wish ko lang." maarte kong sabi habang inaalis ang kaniyang kamay sa balikat ko. Naglaro kami ni Jonna. Sa akin ang pambabaeng laruan habang sa kaniya naman ang panlalaki. Hindi nangyari ang kaniyang sinabi. Dumating ang ilang taon hanggang sa magbinata este magdalaga ako ay walang pagbabago. Lumaki ako pero ganoon pa rin ang paniniwala nila sa mga tulad ko. They hate gays, kaya nanatili akong paminta at nagtatago sa kanila. CussMeNot

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

His Property

read
955.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook