Kabanata 1
"Girl, dito ka!" maarteng tawag sa akin ni Bebe Gandang Pangit. Her true name is Jeno.
We always call her like that because she's the most ugly among us. Malakas ang self-confidence niya at lagi niyang sinasabi na beautiful siya kaya iyon ang tawag namin sa kaniya. She's also a bakla with a big teeth.
"Beshieee! Umagang umaga pero Haggardo Versoza ka, ah?" puna sa akin ni Cony. Caloy talaga ang name niya pero mas preferred niyang tawagin siyang Cony kasi bakla din siya.
"Ano ka ba, atey! Sadyang mainit lang sa Pilipinas. Umaga pa pero tirik na tirik na ang araw." may inis na sabi ko habang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa malapad kong noo.
Many insecure girls called me airport because of my malapad na noo. Tinatawanan ko lang sila because I'm rich with a capital R. Like duh, may airport ako.
"Lipat na tayo sa Amerika para malamig." sabi ni Bebe Gandang Pangit aka Jeno.
"At maraming papa!" malanding sabat ni Cony.
Sabay kaming nagtatalon ni Cony at naghawakan pa kami ng kamay.
"Aaahhh! Daks ang mga bebe doon!" masaya kong sabi habang kinikilig.
Kung pwede lang magpabuntis. Oh my, anakan mo ako ang peg. Bet!
"Ang mga bakla nagpaparty na naman." malakas na sabi ng isang lalaki.
Napataas ang kilay ko at sabay sabay kaming napalingon sa pwesto ni Edgar. Ang mga tropa niya lang naman ang bitter sa aming mga bakla. Naalala kong nasa classroom nga pala kami.
"Ang aga aga ang lalandi agad." natatawang puna sa amin ni Jiko.
Maarte na tinaasan ko sila ng kilay. Tinawanan lang ako ng apat na kasama ni Edgar.
"Tse! Kayong mga lalaki kayo, ang eepal niyo!" may inis na sabi ko.
"Kayong mga bakla kayo, ang lalandi niyo. Ang ingay ingay!" malakas na sabi ni Edgar kaya napangiwi ako.
Inilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at pagkatapos ay inirapan ko sila. Hinawakan ako ni Cony para hindi ako makasugod.
"Bakit pag kayo ang nag-iingay, sinisita ba namin kayo? Bakit pag kaming mga bakla ang nag-uusap para kayong mga guro na sita ng sita?" may inis na sabi ko.
Bawal kaming magsalita o magsaya, ganoon ba ang want nila?
"Ang titinis kasi ng mga boses niyo. Palibhasa malalaki ang bunganga niyo kakasubo." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga kabarkada ko.
Nagtawanan ang mga lalaki habang itinuturo kami.
Itinaas ko ang kamay ko para duruin siya. Kinuha ko ang bag ko. Itatapon ko sana iyon sa kaniya pero pinigilan ako ni Bebe Gandang Pangit.
"Gago ka ah! Bawal na ba kaming magsalita? Tao din kami kaya huwag mo kaming alisan ng karapatan na magsalita." sabi ni Cony. Galit na galit na din siya.
Gusto ko silang sabunutan pero baka ma-detention kami.
"And by the way, huwag mo nga kaming bastusin! Deserve din naming irespeto." sabi ni Bebe Gandang Pangit.
"Bakla lang kayo. Kampon kayo ni Satanas!" sabi ng isang kabarkada ni Edgar kaya nanggigigil na nilapitan ko sila.
Naglayuan naman sila sa takot.
"Gago! Hindi kami tulad ng iniisip niyo!" mariin kong sabi.
Lalapit pa sana ako sa kanila para sampalin pero pinigilan ako nina Cony at Jeno.
"Wala si Prof. May meeting daw." sigaw ng isang lalaking kapapasok lang sa classroom kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat.
Inirapan ko muna ang mga tropa ni Edgar bago ko inayos ang bag ko sa pagkakasabit sa balikat ko.
"Tara na nga girls, maraming epal dito. Mga jutay naman!" sabi ko habang taas baba na tinitingnan ang mga mapanghusgang lalaki na jutay naman.
"Anong sabi mo?" Kunot noo na tanong ng isang lalaki.
"Jutay means small etits!" pagsasagot sa kaniya ni Cony. Nagtawanan kaming magkakabarkada.
"Aba't ang baklang ito! Gusto mo bang ihampas ko ito sa inyo?" Pikon na sabi ng isa sa kanila kaya nagkibit balikat na lang kami.
"Tse!" Sabay sabay naming sabing tatlo at hindi na pinansin ang galit na mga lalaki.
Sabay sabay kaming tumalikod sa kanila at naglakad kami palabas sa classroom.
"Girl, ang bad nila. Hindi naman tayo kampon ni Satanas diba?" naiinis na sabi ni Cony. Nakita kong tumango si Bebe Gandang Pangit aka Jeno.
"Beshie, huwag kang maniwala sa kanila. Masyado lang silang mapanghusga, okay? Kakaiba tayo sa kanila kaya nila tayo hinuhusgahan at pinandidirihan." sabi ko sa kaniya. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Beshie.
"Ang mean naman nila. Hindi naman natin sila inaano pero binubully pa rin nila tayo." sabi ni Jeno kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hayaan niyo na. Baka insecure lang din sa atin." sagot ko habang lumilingon sa likod.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Nakahawak ako sa kanilang braso kaya hindi ako madadapa kahit saan pa ako tumingin.
Ano ba naman si Beshie! Saan ba nagsusuot ang tomboy na iyon at hindi ko mahanap. Kaklase ko siya pero wala siya. Wala akong load kaya hindi ko siya mai-text na walang klase.
Business administration ang course namin. Parehas kami ng kurso dahil ayaw niyang humiwalay sa akin. Clingy ang tomboy.
"True! Pansin ko doon sa lalaking nang-away sa atin ay inggitera." sambit ni Jeno.
"Girl, pansin ko na paminta siya." biglang sabi ni Cony kaya nakuha niya ng atensyon ko.
"Ay, achoo siya?" hindi makapaniwala na tanong ko.
Tumango siya at ipinilantik niya ang kaniyang daliri. Napatigil kami sa paglalakad. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naamoy mo agad ang hininga niya. Napangiwi ako at pagkatapos ay inilayo ko ang face niya.
"Yes! Inggit lang kasi hindi makapag-ladlad." matinis na sabi ni Cony.
"Let's go na. Huwag na lang nating pansinin ang mga mapanghusga na nilalang." Sabi ni Jeno.
Sabay sabay kaming tumango sa isa't isa. Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng baba ko at pagkatapos ay ngumiti ako ng sobrang lawak.
"Take a deep breathe and smile." may saya sa boses na sabi ko.
"Oh right! We are good to go."
Matinis na sabi ni Jeno.
"Let's go, Girls." sabi ni Cony.
"Sa Cafeteria na tayo." yakag ko sa kanila. Maglalakad na sana kami pero napatigil ako nang marinig namin ang sinabi ng isang babae na nasa may hallway.
"Ay, mga bakla?" sabi niya at nagtawanan sila. Napatingin kami sa kanila. Apat silang mga babae at lahat sila ay nakatingin sa amin.
"Mas makakapal pa ang make up sa atin." Sabi niya kaya napataas ang kilay ko.
"Hayaan mo na. Mga mukha naman silang chaka. Mas magaganda tayo." sabi nila habang nagtatawanan.
Pinigilan ko si Jeno nang bigla siyang lumapit dito. Hindi niya naman na higit ang buhok ng isang babae dahil nailayo agad namin siya ni Cony.
Kailangan naming umiwas sa gulo dahil baka mapatawag ang isa sa magulang ko. Ayokong malaman nila na bakla ako. Naglaladlad ako sa school pero sa bahay ay hindi. Malayo ang university namin kaya walang nakakarating na balita sa pamilya ko. Iba din ang university na pinapasukan nila Ate dahil ayaw nilang pumasok sa school na hindi kilala.
Hinigpitan namin ang hawak kay Jeno.
"Huwag na, beshie. Hindi tayo napatol sa mga babaeng mapanghusga." mahina kong sabi habang iniirapan ang mga babae.
"We have a manners, right?" sabi naman ni Cony kaya napatango ako.
"Come on, Beshies! Mga inggit lang sila." sabi ko at pagkatapos ay pamatay ko silang inirapan.
Hinigit namin si Jeno at umalis na din kami para pumunta sa cafeteria.
"Jeno, may baby wipes ka ba?" matinis ang boses na tanong ko.
Kinalkal ko ang bag ko ngunit napabuntong hininga ako ng wala akong makita na baby wipes.
"Wala, girl." sagot niya sa akin kaya napanguso ako.
"Nako, paano ako nito? Kahit tissue wala ka din?" tanong ko sa kaniya.
Wala na si Cony dahil nauna na siyang umuwi sa kanila. Kaming dalawa na lang ni Jeno ang naiwan.
"Out of stock sa bag." sabi niya kaya nakaramdam ako ng pagkataranta.
"Kalerki! Mapapatay ako ng Papa ko pag umuwi ako na may make up." sabi ko.
Ayokong maghilamos sa banyo ng school kasi puros germs. Ang pangit kaya ng banyo dito tapos ang palot pa. Yucks talaga!
"Samahan kita sa Mall. Doon ka maghilamos." sabi niya sa akin pero hindi ako pumayag.
Maarte ako.
"Hindi. Bibili na lang ako sa drug store ng wipes." sagot ko habang ibinabalik ang gamit ko sa loob ng bag.
Tiningnan ko nang maigi ang bench kung may naiwan ba ako pero noong wala akong nakita ay inilagay ko na sa balikat ko ang bag pack ko.
Gusto ko sana ng shoulder bag katulad ng bag ng ate ko kaso lang ay baka mahalata ako nina Mama at Papa.
"Gora na. Samahan kita." sambit niya kaya napangiti ako.
Awwww! Ang sweet naman ng bestfriend ko. Powerpuff girls kami kaya walang iwanan. May emergency ng isa kaya umalis na.
Pumunta kami sa Drug store na malapit lang sa Mall. Nakabili na ako ng baby wipes at tissue. Bumili na rin ako ng pang-alis ng make up. Buy one take one ang cleanser kaya I grab it na.
"Uy, ang pogi oh!" Kinikilig na sabi ni Jeno kaya napatingin ako sa kaniya.
"Where na itey?" tanong ko. Excited na akong makakita ng pogi.
"There!" maarteng sabi ni Jeno kaya napatingin ako sa itinuro niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaki. Perfect! Ang pogi nga!
"Oh my gosh, daks din oh! Himatay ka pag na pak ganern ka niyan!" sabi niya kaya napatawa ako.
Tinitigan ko ang lalaki. Imbis na umalis kami ni Jeno sa may tapat ng drug store ay napatigil pa kami doon habang kinikilig.
Pinagmamasdan namin ang lalaki na naghihintay sa tabi ng isang mamahalin na kotse.
"Ssshh, may jowa." sabi ni Jeno nang makita namin na may babaeng lumapit sa lalaki. May dala itong bata kaya bigla kaming nanghina.
"Ay sayang. Mukhang asawa na. May bunga na!" puna ko habang umiiling.
Sayang! Pogi pa naman with a capital P.
"Bunga talaga? Ano 'yan puno?" Tanong ni Jone kaya napatawa ako.
"E'di baby. Arte nito! Gusto pa baby ang sabihin." mataray kong sabi ngunit tumatawa din.
"Ikaw ba, Jone?" Bigla kong tanong habang nakatingin sa masayang mag-asawa.
"What is it, bakla?" tanong niya sa akin. Naramdaman ko na humawak siya sa aking braso.
"Gusto mo bang mag-asawa?" tanong ko sa kaniya habang napapangiti.
Naiingit ako. China all may papa na nag-aalaga.
"Oo naman, pangarap ko na magkaroon ng pamilyang masasabi kong akin. Pero let's wake up na lang into our reality. Alam mo naman ang buhay natin masaklap. Suwertihan lang kung makakatagpo ka ng true love." sambit niya kaya napatango ako.
True. Sa amin kasi ay sobrang difficult na makahanap.
"Sabagay, tama ka. Kakaiba nga pala tayo. Maraming mga matang mapanghusga. Hindi tayo normal sa paningin at paniniwala ng ibang tao." mahina kong sabi. Nakaramdam ako ng lungkot.
Paano ako sa future? May makakasama ba ako sa pagtanda? Mag-aasawa si Ate. Sina Mama at Papa naman ay matanda na at kahit ayoko mang mangyari pero alam kong iiwan din nila ako.
"Masakit pero kailangan tanggapin na baka tumanda tayo ng mag-isa at mamatay ng tayo lang." mahinang sabi ni Jeno kaya napabuntong hininga ako.
"They thought that our life is easy. Little did they know that it's hard to be a gay. Some people are disgusted with our kind. Pero ano pa nga bang magagawa natin kundi ang magtiis, diba?" may lungkot akong nararamdaman habang sinasabi ang malungkot na realidad na iyon.
Pwedeng may magmahal sa amin pero panandalian lang. Marami pa ring tututol, and I'm sure na Ina ng future boyfriend ko ang kauna-unahang tututol sa amin. If ever lang naman na magka-jowa ako sa future.
Kung walang forever sa larangang ng pag-ibig sa akin ay magtitiis na lang ako na mag-isa.
"Tama. Ang mahalaga naman ay hindi tayo tumulad sa ibang tao na mapanghusga. Let us live our own life and let's not meddle with others imperfect life. Huwag tayong tumulad sa ibang tao na konting kibot ng tao, may sasabihin agad." sabi ni Jeno kaya napataas baba ang ulo ko.
He's..I mean She's definitely right.
"Trueee!" Maarte ang boses na sabi ko habang gumagawa ng check sa hangin with matching kendeng pa.
Napatingin akong muli sa mag-asawa. Nandoon pa rin sila at sweet na sweet tingnan. Lungkot ang humaplos sa puso ko. Humawak ako sa braso ni Jeno.
"Pero gusto kong maranasan na may magmamahal sa akin ng totoo. Iyong taong aalagaan ako at mamahalin ako ng walang hinihinging kapalit. Yung lalaki na kayang ipagsigawan sa lahat na mahal niya ako. Gusto kong mamatay ng may ngiti sa labi." sambit ko habang nakangiti ng pilit.
"Deserve naman ng lahat ng tao na sumaya kaso suwertihan na lang talaga." sabi niya.
Naghiwa-hiwalay din kami ng landas. Pumunta ako sa mall para bumili ng stationary notebook ni Ate. Inutusan niya kasi akong bumili sa bookstore.
Habang naglalakad ay napapatingin din ako sa paligid. Baka kasi may mga kapitbahay kaming nagagawi dito. Wala na naman akong make up pero syempre kailangan ay hindi ako kumilos ng may lambot. Dapat tigasin!
Napatigil ako nang may nakita akong pamilyar na tomboy. Lumiit ang aking mata para makita ito nang maayos. Singhap ang lumabas sa aking bibig nang masiguro kong si Jonna ito at na may kasama siyang lalaki na pogi.
"Aba, ang tomboy na pretty may katagpuan na lalaki?" parang chismosa kong sabi habang lumalapit sa kanilang tayo na parang ninja.
Lalapitan ko sila pero hindi ako magpapakita. Ano kaya ang nangyari sa bruhong iyon? Balik loob na ba sa pagiging eva?