Kabanata 2
"Hoy! Tomboy na maganda!" inis kong bungad sa kaniya.
Papasok na sana siya sa gate ng bahay nila pero sinabunutan ko ang maikli niyang buhok. Naiinis na tiningnan ko siya.
Tumingin siya sa akin at nakita ko ang naguguluhan niyang tingin. Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa pag ngiwi. Ang tomboy na ito! Nakakainis!
"Ano na naman?" kunot ang noo na tanong niya sa akin.
Inayos ko ang bag ko na nakasabit sa balikat ko dahil dumulas ito pababa sa braso ko.
Inilagay ko ang kamay ko sa magkabila kong bewang. Itinaas ko ang kilay ko para magtaray sa kaniya.
Tiningnan ko siya sa ulo hanggang sa paa. Nakasuot ng dress ang tomboy na ito at doll shoes. Bagong bago sa paningin ko ang itsura niya.
"Sino yun?" mataray kong tanong sa kaniya.
Napalingon siya sa paligid na tila ba may hinahanap. Kitang kita ko sa mukha niya ang kalituhan. Hinawakan ko ang mukha niya at pagkatapos ay inilapit ko ang mukha niya sa aking mukha. Titig na titig ako sa kaniyang mata.
"D-daniel, a-anong gi-nagawa mo?" nauutal niyang sabi habang nakatitig siya sa akin.
Seryoso ko siyang tiningnan sa mukha at pagkatapos ay ngumisi ako. Mas lalo kong inilapit ang mukha ko kaya napapikit siya. Napansin ko na napalunok siya ng laway. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tainga.
"Tinatanong ko kung sino siya?" mahina kong sabi.
Naramdaman ko na inilagay niya sa aking dibdib ang kaniyang kamay at pagkatapos ay itinulak niya ako palayo.
Nakita ko sa mukha niya ang pagkainis. Hinawakan ng tomboy ang kaniyang labi at nakita ko na mabilis niyang ibinaba ang kamay niya.
"Ano ba kasi ang sinasabi mong bakla ka?" may pagkainis sa tono ng boses niya.
Namilog ang mga mata ko at nilapitan ko siya. Tinakluban ko ang kaniyang bibig. Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Nang makitang wala namang nakatingin sa amin ay napahinga ako nang sobrang lalim.
Ibinalik ko ang tingin kay Jonna na ngayon ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. Inalis niya ang aking kamay sa bibig niya.
"Ano ba bakla!" Inis niyang sabi.
Kumunot ang noo ko dahil sa ipinapakita niyang ugali sa akin. Did I do something bad? Bakit parang galit siya sa akin? Grabe! Ganito ba pag tomboy? Bigla bigla na lang nagagalit? Kalerki!
"Huwag kang maingay, Beshie! Baka marinig nila." Mahinang sabi ko.
Inis niya lang akong tiningnan at humalukipkip siya. Nakita ko ang nakasimangot niyang mukha kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Mukha kang galit. May nagawa ba akong mali, Beshie?" may lambing na sabi ko
She's my beshie. Kahit bakla ako at tomboy siya ay gusto ko pa rin siyang maalagaan. Kababata ko siya, so she's important to me. We are like brother and sister. Syempre, she's the Brother, at ako yung sisteret niya.
"Iyan ang ayoko sa'yo." mahinang sabi niya kaya ako naguluhan.
"What? Nag-aalala lang ako kasi ilang araw mo na akong hindi pinapansin, and I saw you at the mall. May kasama kang lalaki. Sino yun?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya habang nakahalukipkip.
Pinanlisikan niya ako ng mata kaya mas lalo akong nagtaka sa ikinikilos niya. "Wala ka na doon."
Napasinghap ako ng sobrang lakas to the point na halos lumaki ng konti ang aking bunganga.
"I'm your bestfriend! I'm Daniela, your childhood friend." gulat na sabi ko habang itinuturo ang sarili.
Hindi nakalampas sa aking paningin ang lungkot. Napanguso ako. Bakit ganito siyang umakto?
Ayaw niya na kaya akong maging bestfriend?
"Daniel." tawag niya sa akin.
"It's Daniela." Pagtatama ko habang tumitingin sa paligid.
Wala namang nakikinig kaya tumingin agad ako sa kaniya.
"Huwag mo muna akong lapitan." May diin sa tono ng boses na sabi niya.
Napasinghap ulit ako dahil sa sobrang gulat. Hindi makapaniwala na nilapitan ko siya.
"Bakit? Nagbihis babae ka lang tapos ganyan ka na? Anong kasalanan ko sa'yo, ha? Balik loob ka na sa pagiging babae, Iyon ba ang dahilan? Ah, baka may jowa ka ng lalaki kaya pinagtatabuyan mo na ako? Bakit Jonna? Kaya mo ba ako iniiwasan dahil nag-aalala ka na baka sulutin ko ang boyfriend mo? Iyon ba ang tingin mo sa akin? Kaibigan mo ako at hindi ako ganoon." madiin kong sabi para maintindihan niya.
Umiling ako habang may lungkot na nararamdaman. Natahimik siya kaya pumihit na ako patalikod at umalis na.
Nakakapagtampo siya. Umiiwas siya sa akin at wala siyang tiwala sa akin. Tinawagan niya ako pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Ayoko siyang pansinin dahil sinaktan niya ang heart ko.
Napatingin ako sa professor namin nang bigla siyang nagsalita. "Okay, Class! Pumunta na kayo sa mga designated groups niyo."
Itinuro niya sa amin ang mga kaniya kaniyang pwesto ng mga grupo. Nasa may likod ang pwesto namin. Tiningnan ko ang mga pumupunta sa pwesto ng group one at napabuntong-hininga ako nang sobrang lalim nang makita ko ang mga kinaiinisan kong mukha.
It's so malas naman with a capital M.
Hindi ko kaklase sina Jeno at Cony kaya wala akong kakampi pag nagkarambulan na. Si Tomboy ay hindi ko din kaklase. Kahit na ayaw ko ay pumunta pa rin ako papunta sa group.
"Group one ba ito?" Friendly na tanong ko sa kanila.
Tumango ang babaeng may salamin sa mata. Nakita ko na tumingin siya sa akin kaya napangiti ako. Hindi naman niya pinansin ang pagngiti ko kaya inalis ko na lang ang pagkakangiti.
"Ah, yes." sagot niya sa akin at ibinalik niya sa laptop ang atensyon.
Napatigil ang mga ka-grupo ko sa pag-uusap at napatingin sila sa akin. Nakabilog ang mga upuan para maging mas easy ang pakikipag-usap sa mga ka-grupo. Umupo ako sa upuan pero napansin kong inilayo ng mga katabi ko ang upuan nila.
Napabuntong hininga ako. Ramdam ko ang lungkot na biglang bumalot sa puso ko. Bakla lang ako, pero bakit sila nandidiri sa akin?
"Bakit kayo lumalayo sa akin?" prankang tanong ko sa kanila.
Umiwas nang tingin ang babaeng katabi ko kanina. Ipinaypay niya ang kaniyang notebook sa sarili.
"Wala. Mainit kasi." palusot niya pero alam kong hindi naman iyon totoo.
"Hello? Nakatutok dito yung electric fan, oh? Binabanas pa kayo?" Napapailing na sabi ko sa dalawang katabi ko.
"Ano naman kung nilalayuan ka? Bakla ka kasi." Biglang singit ni Edgar kaya napabuntong hininga ako nang sobrang lalim.
Nakakaramdam ako ng lungkot at inis dahil sa inaakto nila. Bakit naman sila ganito? Lagi na lang ba? Araw-araw na lang ba silang mang-aasar, mandidiri, at magmamaliit sa akin.....sa mga tulad namin? Ang unfair nila.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi nilang ipinamumukha sa amin na hindi kami welcome dito. May ibang tao na walang pakialam pero may mga tao din na nilalamon na ng kagustuhan na mag-discriminate ng ibang tao.
"Wala naman akong virus o nakakahawang sakit. Bakit niyo pa ako nilalayuan?" tanong ko at pagkatapos ay kumunot ang noo ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Edgar. Tumawa siya ng mapakla na para bang wala siyang pakielam sa sinabi ko.
"Really? Nagmamalinis ka? You're a gay. I'm sure kung sino sinong lalaki ang pinapatulan mo." sambit niya.
"Baka may aids pa 'yan." sabi ng girlfriend ni Edgar.
Umiling ako dahil sa mga sinasabi nila. Mga mapanghusgang nilalang. Porket ba bakla ay inaakala na nilang may aids na? Anong tingin nila sa amin sabik sa lalaki? Mga impokritong lalaki!
"Grabe naman kayong makapanghusga sa amin. FYI! Malinis kami. Baka nga kayo pa ang mga madudumi!" mariin kong sabi.
Nakaramdam ako ng inis at pagkalumo.
"Galit na siya, oh? Pikon. Siguro totoo." sambit niya kaya napairap ako.
Gusto ko silang sigawan para mailabas ang galit ko pero pinapakalma ko ang sarili ko dahil iginagalang ko ang professor ko.
"Yan kayo eh! Pag nag-talk back kami para depensahan ang sarili namin, kami pa 'yung masama. Pero pag nanahimik lang kami, sasabihin niyong tama ang paratang niyo. Saan kami lulugar?" may inis na sabi ko.
Anong gusto nila? Manahimik lang kami at pabayaan na magsabi sila ng mga kasinungalingan.
Iba't iba ang mga tao kaya iba't iba ang gusto nila. Maaaring ang ibang bakla ay kung sino sinong lalaki ang ginagamit pero ang iba naman ay hindi.
Naghahanap lang sila ng kalinga at pagmamahal na pinapangarap nila.
"Yes. We are different but why can't you just mind your own business than judged us? Respeto lang." may gigil na sabi ko.
"Whatever!" sabi ng isang lalaki. Ginagaya niya ang boses ko para asarin ako.
"What's the commotion there? Mr. Batumbakal, nagsisimula ka na naman ba ng gulo?" Biglang sumulpot ang aming professor sa pwesto namin.
Tumingin ako kay Mrs. Bernabe at pagkatapos ay umiling ako. Bakit ako na naman? Hindi naman ako ang nag-umpisa.
"No, Ma'am. It's just a little misunderstanding." sambit ko sa kaniya.
"It's a group work. Simulan niyo na para matapos na agad kayo." mataray niyang sabi kaya napatango ako.
Napansin ko na nginisian ako ni Edgar. Nanatili akong nakaupo sa upuan habang tinitingnan sila. Pansin ko na mas lumayo sila ng konti sa akin kaya napabuntong hininga ako.
Nakakalungkot dahil nilalayuan nila ako. It's not the first time that I experienced this. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong naranasan ito. Sobrang nakakalungkot na umiiwas sila sa akin na para akong may nakakatakot at nakakahawang sakit.
Gusto ko lang naman ng kaibigan bukod sa ibang kauri ko.
Nagsimula sila sa pagbibigay ng opinion sa seatwork. Walang imik na nakatingin lang ako sa kanila. May mga naiisip akong mga gustong ibahagi pero hindi ako makakuha ng tiyempo upang sabihin iyon.
Nagbibigayan sila ng opinion sa gagawin. Itinaas ko ang aking kamay nang hindi na ako makatiis pa.
"Gusto ko sanang magbigay ng opinion sa group project." mahina kong sabi.
Tumingin sa akin ang babaeng group leader namin. Sumilay ang pilit na ngiti sa kaniyang labi at mas lalo akong nanlumo nang umiling siya sa akin.
"No. It's okay kahit huwag na. Kaya naman namin." pagtanggi niya sa akin.
"Pero gusto kong tumulong." wika ko habang tinitingnan sila isa-isa. Mga nakatingin lang sila sa akin. May nakita akong babae na umiling habang nakatingin sa leader naming si Jenny.
Bumuntong hininga si Jenny kaya alam ko na ang sasabihin niya.
"Hindi na kailangan. May naisip na kasi kami. Sapat na ang napagplanuhan." pagtanggi niya ulit kaya napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa inis na nararamdaman.
Lagi na lang. I want to share my opinion pero lagi na lang hindi pinapakinggan. Girls and boys, why are you being so unfair? It's so Nakakainis na with a Capital N.
Nanahimik na lang ako at bumuntong hininga.
Bakit ba hirap silang kumuha ng opinyon na galing sa amin? Deserve din naman namin na mapakinggan lalong lalo na sa mga opinyon at plano.
Hindi lang naman kasi kami basta bakla. May isip din kami at talino tulad nila.
Ang suwerte ng ibang bakla dahil may kaibigan silang straight na tumatanggap sa kanila, at pinapakinggan ang mga opinyon nila.
"Anak, may gusto sana kaming sabihin sa'yo." bungad na sabi sa akin ni Mama kaya napalapit ako sa kaniya.
Ibinaba ko ang aking bag pack sa may sofa. Tumungo ako upang halikan siya sa pisngi.
"Ano po iyon, Ma?" magalang kong tanong sa kaniya.
Noong igala ko ang paningin ko sa buong paligid ay hindi ko nakita si Papa. Siguro ay nasa kuwarto pa.
Umiwas siya nang tingin sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Alam ko nang may ibabalita siya sa akin na masamang balita.
"Napagkasunduan kasi namin ng Papa mo na kung pwede ay tumigil ka muna sa pag-aaral sa kolehiyo?" sabi niya kaya napanganga ako.
Ayokong mag-stop sa study ko. Gusto ko pang mag-aral. Kumunot ang noo ko. Bakit naman ganoon?
"Po? Bakit po, Ma?" May tampo sa tono ng boses na sabi ko.
Nakita ko ang paglamlam ng reaksyon ng kaniyang mukha. Lumapit siya sa akin at inabot niya ang aking kamay.
"Tatlo kasi kayong pinag-aaral ko sa kolehiyo at hindi ko na kaya na tustusan ang mga pangangailangan niyo." sambit niya kaya ako napabuntong hininga.
Tatlo kaming magkapatid at isang taon lang ang pagitan ng mga edad namin. Bunso akong lalaki at nag-iisa lang na unico iho. Ang mga ate ko ay sa sikat na university nag-aaral. Tanging ako lang ang public school.
Napansin kong lumabas si Papa aa kwarto. Naglakad siya gamit ang saklay at nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi ni Mama.
"Nasa unang taon ka pa naman. Tsaka ka na muna tumuloy sa kolehiyo pag nakatapos na ang Ate Dalia mo." sambit niya sa akin. Gusto kong umiling at tumangi sa kaniya.
Ayoko. I don't want to stop.
"Kaya ko pong mag-working student." Saad ko.
Kaya kong magtrabaho habang nag-aaral. Basta ba huwag lang akong mag-stop.
Nagkatinginan ang mag-asawa at napansin ko sa kanilang mukha ang pagtutol. Kanina pa tahimik si Papa at nakikinig lang siya sa usapan namin.
"Kailangan ko kasi ng tulong sa pagtatrabaho, Anak. Napagkasunduan namin ng Papa mo na pagtrabahuhin ka muna para may katulong ako sa pang-tustos ng mga kailangan natin sa araw-araw." nagmamakaawa na sabi niya kaya napabuntong hininga na naman ako.
Napilay si Papa dahil sa isang misyon niya. Hindi na siya makapagtrabaho pagkatapos noon. Kulang ang sahod ni Mama sa pagiging guro. Dalawa kaming pinapaaral ni Mama habang nagta-take ng therapy si Papa.
"Mama." may tampo sa boses na sabi ko.
Ayokong isuko ang pag-aaral ko. Sayang ang taon at maiiwan din ako ng mga kaibigan ko sa pag-aaral.
"Pasensya na anak sa desisyon namin." humihingi ng tawad na sabi ni Mama.
Tumitig ako kay Mama at doon ko lang napansin ang kaniyang mukha. Kitang-kita ko na ang pagkulubot ng mga wrinkles sa mukha niya. Ang kaniyang ilalim ng mata ay nangingitim na sa sobrang puyat dahil sa pag-gawa ng mga lesson plans at pagtatahi para makakuha ng extra income. Pansin ko din ang pangangayayat niya.
Bumunot ako nang malalim na buntong hininga. Bakit hindi ko napansin na nahihirapan na si Mama na magtrabaho? Puros luho at pasaya ang iniisip ko at hindi ko man lang naisip na hirap na siyang magtrabaho. Ngayon ko lang napagtanto na wala akong kwentang anak.
Sinubukan kong ngumiti upang pagaanin ang loob nila.
"Ayos lang po. Tutulungan ko po kayo. Pwede naman pong ipagpaliban ang pag-aaral. Wala naman pong pinipiling edad ang pagpasok sa eskwelahan." mahina kong sabi habang binibigyan sila ng ngiti.
Kahit na nanghihinayang ay nag sinunod ko ang pakiusap nila. Ayokong mahirapan si Mama. Kailangan kong kumita para makatulong sa pamilya ko.
"Pag naman nagkatrabaho si Dalia ay tutulungan ka niya sa pag-aaral sa kolehiyo." sambit ni Papa.
Itinaas baba ko ang aking ulo upang sumang-ayon. Sana ay tulungan ako ni Ate Dalia pag naka-graduate na siya. Siya na lang ang pag-asa ko.
"Sige po. Mag-do-drop out na lang po ako." pagpayag ko habang hinahawakan ko ang kamay ni Mama.
Nakita ko ang kaligayahan na sumilay sa kaniyang mukha. Pati si Papa ay napangiti na rin dahil sa naging desisyon ko.
"Salamat, anak. Huwag kang mag-aalala. Makakapag-aral ka pa naman. Tiis tiis muna tayo sa ngayon." Sabi ni Mama kaya marahan kong tinapik ang kamay niyang nangungulubot na.
"Sana lang po ay pagbutihan ni Ate Dalia ang pag-aaral." wika ko habang nakatingin kay Papa na ngayon ay nakatingin kay Mama.
Gagawin ko ang lahat para hindi sila mahirapan. Tutulungan ko si Mama sa pagtatrabaho.
"Bakit? Wala ka bang tiwala sa ate mo?" tanong ni Mama kaya napailing ako sa kaniya.
"Meron naman po pero sana naman po ay hindi agad siya mag-asawa." Sambit ko.
Isang taon na lang at tapos na siya sa kolehiyo. Sana naman ay pag-igihan niya. Siya na lang kasi ang pag-asa namin. Ang isa ko kasing ate ay nasa second year na. Si Ate Dalia ay matalino kaya nag-accelerate siya.
"Alam naman ng ate mo ang tama at mali. Responsible naman siya." Nakangiti na sabi ni Mama.
Wala akong nagawa kundi tumango at pagkatapos ay ngumiti. "Sana nga po."
Sa paglipas ng isang taon ay bumagsak ang pangarap ko. Naputol ang pangako sa akin ng mga magulang ko. Hindi nakapagtapos si Ate Dalia dahil nabuntis siya ng boyfriend niya. Disappointed kami sa nangyari at lalo akong nanlumo.
CussMeNot