Kabanata 3

2131 Words
Kabanata 3 Isang taon akong nagtrabaho sa pabrika pero inalis din dahil unti-unting nalulugi ang factory. Hindi alam ng mga magulang ko na nawalan ako ng trabaho dahil ayokong mag-aalala sila. Nag-apply ako sa ibang mga factory pero hindi ako pinalad. Kung saan-saan na akong kompanya naghanap ngunit hindi ako kinuha sa ibang kompanya dahil bakla ako. Ang iba naman ay hindi tumatanggap ng under graduate. Marami na akong pinasukan na trabaho tulad ng janitor, bagger at kung ano ano pa pero hindi naman ako nagtatagal. Nagsawa din ako sa mababang sahod at noong may nag-ooffer sa akin na magbugaw ay pinatos ko na agad. Isang libo isang araw at pag nakapag-recruit ay may dagdag na two thousand. Suwertihan kung bibigyan pa rin ng tip ng babaeng ini-recruit ko. "Ma, ito nga po pala ang sahod ko." nakangiti na sabi ko. Inilahad ko ang kamay kong may hawak na pera. Nanlalaki ang mga mata na kinuha niya sa akin ito. Pansin ko ang panandalian na pag-alis ng pagod sa kaniyang ekspresyon ng mukha. "Apat na libo? Salamat, anak. Malaking tulong ito para sa pang-aral ng ate mo." maligaya niyang sabi. Idinipa ko ang aking mga braso upang yakapin siya. Marahan kong hinagod ang kaniyang likod. "Kung may kailangan po siyang bayaran sa school ay sabihin niyo lang po sa akin, Mama. Huwag ka na pong magpakapagod sa pananahi. Magpahinga ka na lang po pagkatapos ng duty mo sa school." nag-aalala kong sabi. "Nabanggit nga sa akin ni Ferci na may babayaran nga siya sa school. Sige, susubukan kong huwag munang kumuha ng mga tatahiin." Aniya. Ngumiti ako sa kaniya nang malawak. Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. Lagi akong naglalambing sa Mama ko para naman kahit papaano ay mawala ang kaniyang pagod. "Ako na pong bahala doon. Pagtatrabahuhan ko po para may maibibigay ako." nangangakong sabi ko. Humiwalay ako sa yakap naming dalawa at pagkatapos ay ngumiti ako sa kaniya. Ganoon din ang naging tugon ni Mama sa akin. Magiliw na ngiti. "Pahinga ka po muna, Ma." malambing kong sabi sa kaniya. Tumango siya sa akin at pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi ko. "Maraming salamat talaga, anak." "Sige po. Papasok na po ako sa trabaho." Pagpapaalam ko sa kaniya. "Hindi na ba magbabago ang oras ng trabaho mo? Night shift ka pa rin ba?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Hangga't maaari ay ayokong magsinungaling sa kanila pero nagawa ko pa rin. Mabigat sa dibdib kahit wala akong dede. "Opo. Hindi na po magbabago ang shift ko." magalang na sabi ko. "Kung ganoon ay lagi kang mag-ingat, ha?" Payo niya kaya agad akong tumango sa kaniya. "Oo naman po. Mauna na po ako. Matulog na po kayo d'yan. Isarado niyo pong maigi ang pinto." bilin ko. Tulog na si Ate Ferci at Papa ay nagbabasa pa ng dyaryo sa kanilang kwarto. Imbis na umaga magbasa ay sa gabi pa. Si Mama naman ay gabi na kung matulog dahil may tinatapos pang lesson plan. "Oo. Ingat ka din." sabi niya sa akin at nakangiti akong pumihit patalikod sa kaniya. "Bakla, nandiyan ka na pala." Pagkapasok ko pa lang sa pinto ay may bumati na agad sa akin. Masayang lumapit ako sa kaniya upang magbeso beso kami. Walang halong kaplastikan. Bet na bet ko siya bilang friends. Miss ko na ang mga college friends ko pero masyado na silang busy sa studies kaya minsan na lang kami magkita. War naman kami ni Jonna, ang tomboy kong ex-friend. "Ay, wala ako dito. Anino ko lang ito. Ganda pa rin no?" malakas na sabi ko kay Kenny. Natawa siya kaya naman napanguso ako. Alam ko na kasi na hindi siya naniniwala. GGSS means Gandang ganda sa sarili. "Luka! May ibabalita ako sa'yo." Masayang sabi niya kaya na-excite din ako. Malawak ang pagkakangiti niya na halos mapunit na ang kaniyang labi na sobrang laki pero pretty. "Ano naman iyan? Nanalo ka sa lotto? Excited na excited ka ah! Parang sinisisilan ang pwet mo sa sobrang galawgaw mo." sabi ko nang mapansin kong nagtatatalon siya. Pinalo niya ang pwet niya kaya napatawa ako. Ang mga tao sa paligid ay walang pakialam dahil may kaniya kaniya silang ginagawa. Nag-ayos kasi ang mga ito para maging presentable sa mata ng mga customer. "Kasi naman eh! Good news itey!" sabi niya. Nakita ko na nagniningning ang mga mata niya. "Ano nga 'yun?" May kuryosidad na tanong ko sa kaniya. "May jowabels na aketch!" sabi niya habang ipinapakita sa akin ang kaniyang singsing na alam kong nabili lang sa bangketa. Iyong sampong piso ang presyo. Cheap pero maganda naman, kung wala ka talagang taste. "May jowa ka na? Babae o lalaki?" masayang tanong ko. Hindi ako plastic. Masaya talaga ako na may lovelife na siya. "Gaga! Syempre, lalaki. Bakla ako! Bakla like you!" sabi niya kaya napangisi ako. "Malay ko ba kung nagbago bigla ang taste mo? GG ka! Baka mamaya ay kwartahan ka lang niyan ah!" sambit ko. Marami akong naririnig sa ibang beki na pineperahan lang sila ng mga boyfriend nila. Sila pero may jowa pa lang gerlalu. "No! Mahal niya ako." sabi niya kaya napatango na lang ako. "Sige. Let's see, baklang hamit sa pogi. Tingnan natin kung iiwan ka niyan o hindi." sabi ko pero natawa lang siya. "Bahala na. Basta mahal ko siya." sagot niya sa akin kaya napanganga ako. "Ay gaga talaga! Ano? Marupok lang ang peg." natatawa kong sabi sa kaniya. Tumango siya at pagkatapos ay ngumuso siya bago nagsalita. "Pereng genen ne nge!" "Ewan ko sa'yo. Tumakbo ka na lang sa akin pag sinaktan ka na niya." sabi ko sa kaniya. Niyakap niya ako kaya naman napayakap na din ako sa kaniya. "Ay super supportive mo naman. Ikaw ba may natitipuhan na? Kailan ka mag-jo-jowa? Nbsb ka pa, ah!" Sabi niya kaya napanguso ako. Inilagay ko ang aking buhok sa may taas ng aking tainga. Ngumuso ako bago nagsalita. "Hindi ko pa keri, te. Hindi pa nga ako naglaladlad sa amin. Baka pag nag-jowa ako ay mahuli agad ako ni Papa. Isang tama lang ng baril ay dead na agad aketch." sabi ko at pagkatapos ay napanguso ulit ako. Kilala ko si Papa. Galit na galit siya sa bakla kaya naman alam kong isang bala lang ako. Pag nalaman niya ay hindi na ako sisikatan pa ng araw. Pag burol ko na naman ay walang matigas na tinapay sa mainit na kape. "Tsaka ka lang naman naglaladlad pag malayo ka lang naman sa family mo. Try mo kayang kausapin sila. Keri na 'yan. Baka tanggapin ka na." pagbibigay niya sa akin ng lakas ng loob. Malakas akong napabuntong hininga. Kung kaya ko lang sana. Kaya nga sobrang layo ng pinagtatrabahuhan kong bar para hindi makarating sa kanila ang kabaklaan ko. "Girl, wala pa akong lakas ng loob." sabi ko. "Oh sige. Sabi mo ay! Go na. Punta ka muna kay Mamita. May sasabihin yata sa'yo. Binalita na sa akin na kailangan daw nating mag-recruit ng apat na GRO." sabi niya kaya tumango agad ako at lumayo sa kaniya. "Ay need na agad ngayon? Mahirap mag-alok ngayon no." sabi ko habang natatawa. Maraming babae sa mundo pero kakaunti lang ang may kayang gumawa ng trabahong ito. "Sa isang linggo pa naman kailangan." Sabi niya kaya kumaway na ako sa kaniya. "Okay. Gora na ako sa loob. Kakausapin ko muna si Mamita." sabi ko habang pumapasok sa pinto papunta sa pinaka-main office. "Hey, pretty lady." tawag ko sa isang babae na may hawak na folder. Nakasuot siya ng corporate attire at alam kong pauwi na siya. Gabi na kasi kaya alam ko. Napatingin siya sa akin kaya lumapit agad ako sa kaniya. Tiningnan niya ako at napansin ko sa kaniyang mukha ang kalituhan. "Bakit?" tanong niya at pagkatapos ay tumigil siya sa paglalakad. "Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong ko. Nakita ko na bigla siyang nabuhayan. Tumango siya at pagkatapos ay ngumiti. Malayo ako sa bar at nakasuot ako ng isang polo at slacks. Mukha akong boy kaya gusto kong magsuka. "Oo. Sakto. Kailangan ko ng trabaho ngayon. Marami na akong napag-applyan pero wala pa ding natawag sa akin." sabi niya. Nakaramdam ako ng lungkot pero hindi ko na lang ipinahalata. Maraming tao na ang nakaranas noon. Pagod ka sa paghahanap ng work tapos wala namang kahit isang tatawag sa'yo. Sa limang trabahong inaplayan ay walang tumawag. Kahit may phone number ng nakalagay ay dedma pa rin. Ang sasabihin lang sa'yo ay tatawagan ka na lang namin. Like duh, ayaw na lang sabihin na 'okay, you're hired' o kaya 'Okay, I'm sorry but you're not qualified.' Bakit paasahin mo pa kung pwede namang sabihin na agad ng isang diretso para isang sakitan na lang? May nalalaman pang tatawagan na lang kita hanggang sa namuti na ang mata ni Applicant pero wala pa ding tawag. Mas magandang kaming applicants na lang ang tatawag sa kanila. "Naghahanap ka ba ng pagkakakitaan? Open minded ka ba? Gusto mo bang yumaman? Sama ka sa akin. Isang araw lang may apat na libo ka na. Madaliang pera ito, besh. Sure ba yayaman ka dito." sabi ko habang nakangiti. Napansin ko na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ayoko mang ipahalata pero nakaramdam ako ng pagka-insulto sa kaniyang ginawa. Nakita ko din na nawala na ang kaniyang ngiti sa mukha. "Bugaw ka? Bakla ka ah! Bakit hindi na lang sarili mo ang ibugaw mo? Alis! Ang dumi dumi na nga ng pagkatao mo tapos idadamay mo pa ako sa kadumihan mo. Imoral na bakla." matalas ang bibig na sabi niya sa akin. Natahimik ako at hindi agad nakapag-react sa kaniyang sinabi. Bago ko pa siya sagutin at bulyawan ay nakalayo na agad siya sa akin. Nasaktan ako at hindi ko itatanggi iyon. Masakit pa rin talaga pag sinasabihan kang madumi kahit hindi naman iyon ang totoo. Nabigla ako kaya hindi ako nakapagsalita. Anong karapatan niyang sabihin na madumi ako kung hindi niya naman alam ang totoo kong pagkatao? Hindi porke't bakla ako at bugaw ay madumi na akong tao. Napahawak ako sa tapat ng aking puso nang maramdaman ko na sumukip ito. Pilit na ngiti ang aking nagawa habang tumatawa nang mahina. "Masakit pa lang matawag na imoral at madumi kahit hindi naman totoo." sabi ko habang umiiling. "Paano nga naman ako irerespeto kung ganito ang pagkatao ko?" mahinang hinaing ko habang dinadama ang sakit na dulot ng mga matatalas na salita. "Oh, bakit ka nakatingin? Dukutin ko ang mata mong tomboy ka e!" Barino kong sabi sa kaniya nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Kasabay ko siya sa paglalakad papunta sa sakayan pauwi sa aming lugar. Nakasakay ko din siya sa jeep at ngayon ay kasabay ko din siya sa paglalakad. Hindi naman ako assuming pero baka sinusundan niya ako. "Baklang haliparot! Gabing gabi nang umuwi. Uwi ba iyan ng desenteng tao." may inis na sabi niya. Masama ang gabi ko ko kaya inirapan ko siya. Dahil pakialamero siya ay sa kaniya ko maibubunton ang pagkainis ko. "Looks who's talking. Gabi ka na din umuwi ah! Parehas lang tayo." mariin kong sabi. Napaiwas siya nang tingin sa akin. "Atleast, ako may importante na pinuntahan. Ikaw sa trabaho mong marumi!" Sabi niya kaya napanganga ako at napasinghap. Alam niya ang trabaho ko? Paano niya nalaman? Ang tomboy na ito talaga! Nakakainis! "Shut up! Tse! Inggit ka? Ibugaw kita d'yan eh" sabi ko at pagkatapos ay tumigil ako sa paglalakad. Hindi siya nakatingin sa akin pero tumigil din siya sa paglalakad. Apat na kanto na lang at malapit na kami sa bahay nila. Una kasing nadadaanan ang kanilang bahay at ang amin naman ay nasa kabilang kanto pa. "Kung sa'yo mo ako ibubugaw ay ayos lang." Mahinang sabi niya ngunit narinig ko naman. Naramdaman ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Agad akong napasinghap at pagkatapos ay minura ko siya. "Sabunot ka sa akin! Baka gusto mong paligawan kita sa mga tropa kong lalaki!" May inis na sabi ko. Joke lang iyon kasi wala naman akong friend na boy. "Suntok ka sa akin." pagbabanta niya sa akin kaya napaismid ako. "Teka nga ha! For your information na tomboy ka, hindi na tayo nagpapansinan ng isang taon kaya bakit ka nakikipag-usap sa akin?" mariin kong tanong. Naglakad agad siya kaya naglakad na din ako. Hinabol ko siya dahil naging mabilis ang kaniyang paglalakad. "Wala kang paki!" matapang niyang sabi kaya napairap ako. "Gago! Umuwi ka na! Baka mamaya mapahamak ka pa sa daan. Kahit naman nakasuot tomboy ka ay hindi malabong mapagdiskitahan ka ng mga adik d'yan." mariin kong utos sa kaniya. Pinasadahan ko siya nang tingin at napataas ang kilay ko nang makita ang kaniyang suot na panlalaking shorts na hanggang tuhod ang haba. Ang design nito ay pang-army. Nakasuot siya ng tshirt na Superman ang design. Nakasaklob din siya na bullcap pero nakalugay ang buhok niyang straight ngunit hanggang leeg lang. "Wala ka ng pakialam." Walang kangiti-ngiti na sabi niya. Naging suplado na ang tomboy. "Saan ka ba kasi nagpupupunta? Ilang araw na din kitang nakakasabay pag-uwi." mahina kong sabi. Naging mahinahon na ang nararamdaman ko dahil kahit papaano ay nawala na ang inis ko. "Binabantayan kasi kita, Daniela. Gusto ko ligtas ka." Mahinang sabi niya na ikinatigil ko sa paglalakad. Nanlalaki ang mga mata na napasinghap ako. Bago pa ako makapagsalita ay bigla na siyang tumakbo. Nakatulala lang ako sa kaniya habang nakahawak ako sa aking puso at dinadama ko ang mabilis nitong pagtibok. Jonna.... CussMeNot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD