Kabanata 27 Napatayo agad kami ng sekretarya ko nang may kumatok sa pinto. Kasunod noon ay nakita ko ang pagbukas ng pinto at pumasok ang isang magandang babae sa meeting room na kinaroroonan namin. Ngumiti siya sa amin kaya ngumiti din ako sa kaniya bilang ganti. "Ma'am, hindi daw po makaka-attend si Sir Ferocious sa meeting niyo. May ipapadala na lang po siyang representative sa conference room." Wika niya sa mababang tinig. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Inaasahan ko pa naman na siya ang makakausap namin ngayon. "Busy ba ang Boss niyo?" May kuryosidad sa boses na tanong ko. Tumango siya bago nagsalita. "Sorry po. Hindi po talaga na-attend ang CEO namin sa meeting katulad nito. Tanging executive meeting lang po ang pinupuntahan niya. Medyo lowkey pa po kasi ang produkto niyo. He

