Kabanata 28 “Jonna, After so many years, I still love you.” I said to her while wearing a pink stilletos and my lips were color pink. Pansin ko ang pagkunot lalo ng kaniyang noo. Salubong din ang kaniyang mga kilay. Takang taka siya habang nakatingin sa akin. Ang mapupula niyang labi ay bahagyang napaawang. Ang bawat ekspresyon niya ay pinapanood ko lang. Marahan na pag-iling ang kaniyang ginawa. Nakaramdam ako ng pagkabahala noong tumawa siya ng pilit. "Mahal mo ako? Paano mo ako mamahalin kung ngayon lang tayo nagkita?" hindi naniniwala na tanong niya. Napahakbang ako palapit sa kaniya pero napatigil din ako nang umatras siya. Umiling ulit siya at pagkatapos ay tumalikod na. Mabilis ko siyang inabot. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso. Lumakad ako papunta sa unahan niya. Hinaranga

