Kabanata 29 Napahawak ako sa aking batok nang maramdaman ko ang pagtapik ni Amara dito. Ipinilig ko ang aking noo para tingnan siya. May awa sa mga mata niya kaya inirapan ko siya. Awang awa sa akin ang bruha. Akala mo naman ay namatayan ako. "Ayaw pa rin sa'yo?" May lungkot sa boses na sabi niya. Marahan akong umiling at pagkatapos ay ipinatong ko ang aking siko sa lamesa at humalumbaba ako. Walang gana na tumingin ako sa kawalan. Ilang beses ko nang pinuntahan si Jonna sa bahay niya at hanggang ngayon ay ipinagtatabuyan niya pa rin ako. Para akong asong askal na sunod nang sunod sa kaniya habang siya naman ay nandidiri sa akin at pinagtatabuyan ako. "Ligawan mo siya." Pag-uudyok niya sa akin. Malalim na buntong hininga ang aking ginawa. Yumuko ako sa lamesa at nanlulumo na napatan

