Kabanata 30 "Ako ito, Danny. Ang Papa mo." Nakangiti kong pagpapakilala sa kaniya. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya habang pinagmamasdan ang katawan ko. Napakamot siya ng ulo at pagkatapos ay napatingin siya sa Mama niya. Muli kong naalala ang suot kong pantalon at asul na t-shirt. Imbis na sandals ay rubber shoes ang suot ko. Panlalaki na panlalaki para hindi niya ako iwasan. "Bakit nakadamit ka ng panlalaki? Akala ko ba ay bakla ka?" Inosente niyang tanong sa akin. "Ayaw mo sa bakla diba? Gumawa si Papa ng paraan para magustuhan mo ako." Malawak ang ngiti na sabi ko. "Nag-aaksaya ka lang ng oras." singit ni Jonna sa usapan naming mag-ama. Tumingin ako sa kaniya at pagkatapos ay umiling ako. "Ang pagkuha sa loob niyo ay hindi pag-aaksaya ng oras. Mas mahalaga kayo kaysa sa lahat

