Kabanata 31 Tatlong linggo ang lumipas at lagi pa rin akong pumupunta sa bahay ni Jonna tuwing gabi. Pagkauwi ko galing sa opisina ko ay sa kanila kaagad ako umuuwi. Lagi ko silang binibigyan ng pasalubong kahit na ayaw tanggapin ni Jonna ang mga ibinibigay ko sa kaniya. Umuuwi lang ako tuwing alas nuwebe ng gabi pag matutulog na silang mag-ina. Every weekends ay maghapon ako sa kanilang bahay. Minsan ay naalis si Jonna at may pinupuntahan kaya ako ang nagbabantay kay Danny. "Pangarap ko pong maging astronaut." Tukoy niya sa pangarap niya. Nakaramdam ako ng pagkatuwa dahil sa kakaiba niyang pangarap. Kung ako ay doctor ang pangarap ko noong bata pa ako, mas maganda ang kaniya. Astronaut. Sa kalawakan niya gusto. Paniguradong malulungkot ako pag napalayo na naman siya sa akin. "Ang g

