Kabanata 32 "Anong ibig mong sabihin? Buhay siya, diba? Nandito siya. Ka-kasama natin siya ngayon." Naguguluhan na tanong ko sa kaniya. "Hindi mo siya totoong anak!" Malakas niyang sabi na ikinatigil ko sa paghinga. Panandalian lang ito at pagkatapos ay napasinghap ako. "H-hindi siya ang a-anak ko?" Nauutal at nalilito kong tanong sa kaniya. Gusto kong itanong kung bakit at paano? Patay ang anak namin? Nagmahal ba siya agad ng iba noong masaktan siya sa akin at nagbunga agad iyon? Pinagmasdan niya ako at pinagkatitigan ng matalim habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang pagkakawala ng lakas ng aking binti. Nawalan ako ng suporta kaya napaupo ako sa sahig habang nakatulala sa kaniya. Patay na ang totoo kong anak? Nasabi na niya sa akin iyan dati ngunit baki

