Kabanata 17 "Bakla, may pogi." nakuha ni Kenny ang atensyon ko. Ang aking noo na gusot ay unting-unti nawala dahil sa kaniyang sinabi. Awtomatikong nabuhayan ang aking inaantok na gabi. Kalagitnaan na nang madaling araw. Patay na ang kasiglahan ko, at ramdam na ramdam ko na ang antok. Sa sinabi ni Kenny ay nabuhay ulit ako. "Saan?" may kuryosidad na tanong ko. Pag may pogi akong naririnig ay sumasaya ako. Like duh, sino bang hindi? Likas na sa isang bakla at babae ang mahilig kiligin pag may naririnig na salitang pogi. Lalong lalo na pag single. "Kakapasok lang niya." sabi niya at naramdaman ko ang pagsiko niya sa aking tagiliran. Nagmamadali ang mga mata ko upang puntahan ang parte ng pinto. Kusa nang tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa nakitang lalaki. Gwapo nga. Walang tapon sa i

