Kabanata 23 May kasama siyang babae at bata. Akala ko ay hindi siya pero nang lumapit ako ay nasiguro kong siya nga iyon. Tinawag siyang Papa noong bata at hinalikan pa siya sa labi ng babae. Sa tingin mo ba ay ano sila? Ilang gabi nang nagpaulit-ulit sa aking isip ang mga sinabi niya. Kailan kong alamin kung totoo nga ba ang sinabi ni Jonna. "Good night, babe. Bukas na lang, ha?" Paalam sa akin ni Gero. Tumango lang ako sa kaniya. Ni-hindi ko siya binigyan ng malawak na ngiti. "Good night. Ingat ka." Mahinang pagpapaalam ko sa kaniya. Sumilay sa kaniyang mukha ang malawak na ngiti. Isang oras kaming nagkwentuhan.....siya lang pala ang nagkwento nang nagkwento. Ako kasi ay nakikinig lang sa kanila. Hinawakan niya ang aking kamay. Inilapit niya ito sa kaniyang labi at masuyo niya iton

