Isang mainit na labi ang nakadampi sa mga labi ko pagkagising ko kaya ng akma itong hihiwalay sa akin ay kaagad ko itong hinabol kaya nakarinig ako ng mahinang tawa. Napamulat ako bigla ng mata para lang mabungaran ko ang lalakeng halos mag-kadikit na ang mga ilong namin sa lapit. "Kapag mabuti na ang pakiramdam mo hindi lang halik ang ibibigay ko sa'yo baby." Napakalambing ng boses niya kaya bahagya akong napapikit. Nahilo kasi ako at nakatulog at hindi ako makapaniwala na kinabukasan na ako magigising. Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas akong atakihin ng paglilihi ko. Antukin at lagi akong nahihilo at nagsusuka. "Theo..." Mahina kong tawag sa kanya agad naman siyang lumapit agad sa akin matapos niyang bumaba sa kama na kinahihigaan ko. "May kailangan ka ba? Nagugutom ka nau

