Dalawang linggo nang wala si Theo dito kaya lalo lang akong nalulungkot, kahit naman araw-araw kaming magkausap sa telepono ay hindi iyon sapat dahil malayo pa rin siya sa akin. Ang unang linggo na wala siya ay torture, lagi ko siyang hinahanap at bigla na lang akong umiiyak ng hindi ko namamalayan. Nasanay na kasi ako sa prisensya niya kaya halos hindi ko makayanan ang lungkot na nararamdaman ko. Buti na lang at nandito si mama na lagi akong sinasamahan, o kaya si Tyron at sina Illiya na madalas rin akong bisitahin. "Ate Maddie ito na ang gatas mo at cookies." Napatingin ako kay Rian mula sa pagbabasa ko ng mga guidelines para sa buntis, napangiti ako at inilapag ko ang libro na hawak ko sa lamesa. Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto namin ni Theo hindi naman mainit masyado kaya

