Chapter two: Broken

1871 Words
Nagising ako na nasa kama na ako at nasa tabi ko si Kuya Theo. Habang nakayakap ng mahigpit sa akin nilibot ko ang paningin ko sa buong silid nandito pala kami sa bago niya na condo dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar hindi na niya ako naihatid sa condo ko na lagi naman niyang ginagawa. Pero ang alam ko ay pareho lang kami ng building magkaiba lang ng unit kaya napailing na lang ako. Hindi ko na namalayan ang mga nangyari ng nagdaang gabi dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ako ng nasa kotse palang niya ako. Bahagya akong gumalaw para makawala sa yakap ni Theo pero mahigpit siyang nakayakap sa akin at bahagya pa siyang umungol pero hindi naman nagising. Nilingon ko siya at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha kung tutuusin ay dapat kinamumuhian ko ang lalakeng ito pero kahit ako sa sarili ko ay wala akong makapang galit sa kanya, noong una ay mayroon dahil nasasaktan ako kung bakit kailangan kong maging mahina sa mga bisig niya sa mga halik niya pero sa paglipas ng araw ay unti-unti ko ng natatangap ang kapalaran ko, pero ayoko ng ganito ang manatiling bihag niya sa mga halik niya at ang makamundong pagnanasa na binuhay niya sa buo kong pagkatao. Sinubukan ko ulit na kumawala sa kanya at sa apat na beses ay sa wakas nakawala rin ako kaya bumangon ako pero agad ko rin na naihiga ang katawan ko ng sumigid ang kirot sa p********e ko halos impit akong napahiyaw dahil masakit talaga hindi lang sa baba ko kundi pati ang dibdib ko at buong katawan ko. Parang binugbog ako sa nangyari sa akin ngayon ko lang naramdaman ang sakit napaiyak ako dahil sa inis sa sarili ko bakit hindi na ako nasanay, ang mahina kong pag-hikbi ay nauwi sa may tunog na iyak. "Hey! Baby anong problema?" Namalayan ko na lang na yakap na ako ni Theo, kaya lalo akong napaiyak ng malakas at napasubsob sa hubad niyang dibdib hinaplos niya lang ang likod ko at panay ang halik sa ulo ko hinayaan niya lang ako na umiyak hanggang sa muli akong makatulog. Nang muli akong magising ay mag-isa na lang ako sa kama, maayos ng nakatupi ang uniform ko sa gilid ng kama at labado na ito. Gaya ng lagi niyang ginagawa ay malinis na at na plantsa na ang damit ko. Tumayo ako at naglakad na paika-ika dahil medyo mahapdi pa rin ang p********e ko, pinainom niya ako kagabi ng gamot iyon ang natatandaan ko ng magising ako. Pumasok ako sa banyo at hinubad ko ang oversize t-shirt ni Theo na isinuot niya marahil sa akin kagabi. Napapikit ako sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower, iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi muli na naman akong natupok sa apoy at nagpadala ulit sa bugso ng damdamin ko. Ilang minuto rin akong nagbabad sa bathtub dahil masarap ito sa pakiramdam. Matapos kong maligo at magbihis ay agad kong sinamsam ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto, naabutan ko si Theo na nasa harap ng kalan at nagluluto tanging boxer short lang ang suot niya at apron. "Hi! Gising ka na pala." Nakangiti siyang humarap sa akin. "Halika na kumain ka muna." Napatingin ako sa lamesa may mga pagkain sa hapag pero wala akong maramdamang gutom kaya nakatayo lang ako. "Wala akong gana saka uuwi ako sa mansyon may kukunin kase ako doon." Sabi ko kaya napatigil siya sa pagsalin ng juice sa baso at dahan-dahan itong binitiwan at napabuntong hininga. "Ganon ba si-sige iha-" Pinutol ko agad ang sinabi niya. "Kukuha na lang ako ng taxi sa baba hindi mo na ako kailangang ihatid." Malamig kong turan saka nagmamadaling umalis sa harap niya lumabas agad ako kahit hindi ko pa masyadong naisuot ang sandals ko. Nagmadali agad akong sumakay ng elevator at ng makapasok ako dito ay saka ko pinakawalan ang hininga ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ako itong nanakit ng kalooban pero ako ang mas nakakaramdam ng sakit. Tahimik na lang akong lumabas ng hotel at pumara ng taxi pauwi sa bahay namin. Umiiyak pa rin ako habang nakasakay sa taxi kaya nagtanong ang driver kung may problema ba ako ay manalangin lang daw ako. Mabait si manong at kinausap niya ako marahil ay gusto lang niyang pagaanin ang pakiramdam ko. Nakarating ako sa bahay namin at dinagdagan ang bayad ko sa driver na paulit-ulit na nagpasalamat. "Grabe talaga yong balita kagabi, half sister niya pala iyon pero matagal na palang rini-rape." Nabitawan ko ang hawak kong brush pen dahil sa narinig ko mula sa mga kaklase ko nandito kami ngayon sa art class. "Madeline okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng isa sa mga kaklase ko. "O-okay lang ako." Pigil kong hindi manginig ng boses ko dahil sa narinig ko na pinag-uusapan nila. Napalunok ako at nanginginig ang kamay ko na pinulot ang brush pen na nalaglag ko. Hindi na ako maka-concentrate pa pati ang teacher ko ay nagtataka na sa mga ikinikilos ko. "Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ulit sa akin ni Alison na katabi ko lang. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Totoo naman na masama ang pakiramdam ko pero hindi ako magkakasakit iba ang kase ang pakiramdam ko. Napatango na lang ito at tinapos na ang ginagawa namin. Napahilot ako ng ulo ko nang matapos ko na ang huling pahina ng sinusulat kong report, napatingin muli ako dito at inisa-isa ang limang pahinang naisulat ko. Sa wakas natapos ko na rin bukas maipapasa ko na ito ng walang labis, walang kulang. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha nakita ko ang text ni mama kaya tumayo ako sa pagkakaupo sa upuan ng study table ko at humiga sa kama. Binasa ko ang message ni mama kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nag-reply ako sa kanya kinukumusta niya ako kaya sinagot ko siya, at ng mag-reply siya ay tatawag na lang daw siya kaya hinintay ko ang tawag niya. 'Hello baby ko! Kumusta ka namiss kita.' Masiglang bungad niya sa kabilang linya marinig ko lang ang boses niya ay kumalma na ako. 'Okay lang po mama ko, namiss rin po kita.' May lungkot sa boses kong sagot sa kanya kaya nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kanya. 'Pwede tayong magkita bukas tutal linggo naman' Bigla akong na-excite dahil magkikita kami na bihirang mangyari. Hindi tulad noon kasi na lagi kaming nagkikita, lagi kaming magkasama ngayon ay limitado na dahil busy ako sa school at busy rin siya at lagi silang nasa ibang bansa ni Uncle Trey. 'Sige po Mama, see you tomorrow po' Ramdam ko ang saya sa boses ni mama ng magpaalam siya at ganoon rin ang nararamdaman ko. Isang linggo na naman pala ang lumipas kaya napatingin ako sa cellphone ko. Isang linggo ang lumipas mula nang magkita kami ni Theo at mula noon ay wala na akong balita sa kanya, nakapatay naman kase lagi ang cellphone ko. Kinabukasan ay maaga akong bumangon at hinanda ang isusuot ko, naghanap ako ng pinakasimpleng damit. Pumunta na ako ng banyo at naligo maganda ang gising ko dahil makakasama ko si mama na bihira ng mangyari dahil may asawa na siya. Naiintindihan ko naman kung bakit dahil iba na ang sitwasyon namin ngayon pero dahil nga ngayong araw ay makakasama ko siya ay gusto kong sulitin ang araw na ito. Isang puting t-shirt na may logo ng avengers at skinny jeans na itim at sandals lang ang ipinares ko dito gusto ko kase kapag nagkita kami ni mama ay isang simpleng Madeline ang makikita niya sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok at nilagyan lang ng hairpin at light make-up lang sa mukha ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ako hindi na masyadong halata ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa puyat at pag-iyak. Nandito na ako ngayon sa tapat ng mall at hinihintay na dumating si mama, sabi niya ay malapit na siya kaya hinanap ko siya sa paligid. "Iris!" Napatingin ako sa may entrada ng mall at nakita ko siya na kumakaway sa akin napangiti ako ng lumapit siya sa akin at agad akong yumakap sa kanya. "Namiss kita mama." Mahina kong turan habang siya ay niyakap rin ako ng mahigpit wala kaming pakialam kung may mga tao alam ko na nakatingin sila sa amin pero wala na akong pakialam sa kanila. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni mama matapos ang yakap scene namin tinignan ko siya habang nayakap sa beywang ko, magkasingtangkad kami at magkamukha hindi mo aakalain na mag-ina kami dahil para lang kaming magkapatid si mama ay bata pang tingnan sa edad niya. "Kahit saan po basta kasama kita." Hinigpitan niya ang yakap sa akin saka tumingin sa cellphone niya at may tinawagan narinig ko na kausap niya ang personal niyang beauty salon. "Okay just wait us maybe thirty munites, kakain lang kami." Tumingin siya sa akin at giniya ako sa paborito naming kainan. Napangiti ako nang malapad dahil taon na rin nang huling makakain ako sa fastfood na ito. "Kakain muna tayo ng agahan tapos magpapasalon tayo, and after that were going to eat on your Tita Adne's resto and were going to shopping." Napatango na lang ako sa kanya at magkahawak kamay kaming pumasok sa kakainan namin. Natangal ang lahat nang alalahanin ko sa pagbobonding namin ni mama, maghapon kaming nagpakasaya marami siyang biniling bagong damit para sa akin at alam ko na sumaya ako sa araw na ito kahit papaano, pero bukas ano na naman kaya ang mangyayari?. Napatingin ako sa madilim na gabi saka tumingala sa langit wala akong makitang bituin o kahit man lang ang buwan imposibleng makita sila dito sa siyudad dahil maingay na mga sasakyan lang ang maririnig sa buong paligid. Naghihintay lang ako kay mama dahil kinuha niya yong kotse niya sa parking at ako ay may binili pa sa isang botika kaya hinihintay ko siya dito sa tapat ng mall. Napatingin ako sa kotse na pumarada di kalayuan sa kinatatayuan ko nagulat ako sa taong bumaba mula dito kaya napatalikod ako, pero bigla rin akong humarap ng may babaeng lumabas sa passenger seat at masaya silang naglakad papasok sa isang sikat na coffee shop sa harap lang ng kinatatayuan ko. Sinundan ko pa sila ng tingin at halata na masaya sila pareho nakaalalay pa siya sa babae, hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si mama. "Anak halika na." Pinilit kong ngumiti kay mama at sumakay sa kotse, pinilit kong hindi maiyak kahit ang hirap pigilan dahil parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit. "May problema ka ba Iris?" Seryosong tanong ni Mama habang nagda-drive siya napansin siguro niya na kanina pa ako tahimik. "Wala po mama, iniisip ko lang yong gagawin naming report bukas matutuyo na naman utak ko." Siniglahan ko ang boses ko kaya napatawa siya. "Magagawa mo iyon ikaw pa ang talino mo kaya." Napatango ako sa kanya at sabay kaming tumawa. Pinilit kong alisin sa isipan ko ang nakita ko kanina kahit ang hirap i-divert, sino yong babaeng kasama ni Kuya Theo, ganoon lang ba kadali sa kanya ang magkaroon ng iba. Kung sa bagay walang kami kaya hindi ako dapat nag-iisip ng ganito kahit nasasaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD