Chapter three: Wild Dreams

1824 Words
Nagising ako na mayroong mainit na bagay ang humahalik sa leeg ko, kasabay nito ay ang nakakakiliting pakiramdam sa pagitan ng mga hita ko. Napaungol ako ng isagad ito sa loob ko dahilan para mapadilat ako nabungaran ko ang lalaking umaangkin sa akin na parang sarap na sarap sa pag-angkin sa katawan ko. Napaungol akong muli at napahawak ako sa balikat niya at lalo pang sinagad ang ari nito sa loob ko, pabiling-biling rin ang ulo ko dahil sa napakasarap na pakiramdam, isang halik na napakasarap ang isinalubong niya sa akin dahilan para lalo akong masarapan sa ginagawa nito ganito pala talaga kasarap sa pakiramdam ang maangkin ng lalaking mahal mo. "Baby, I love you so much!" Nagulat ako sa ibinulong niya at napapikit namalayan ko na lang na tumulo na ang mga luha sa mga mata ko. "Hey, bakit ka umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong bahagya siyang natigil sa paggalaw dahilan para iangat ko ang balakang ko para hindi siya makawala sa lagusan ko. "Wag kang titigil Theo." Pakiusap ko sa kanya imbis na sagutin ang tanong niya. Ang mga sumunod na sandali ay sadyang napakasarap sa pakiramdam, kung hindi pa ako umungot na tumigil na siya ay hindi talaga siya titigil. Kaya ang resulta ay hindi ko na naman maigalaw ang katawan ko dahil pakiramdan ko ay kaunting galaw ko lang ay mapupunit ang bawat himaymay ng katawan ko. Napabalikwas ako ng magising ako mula sa panaginip kaya muli akong nahiga sabay tingin sa orasan five thirty pa lang ng umaga, napapikit ako pero naramdaman ko ang ibabang bahagi ng katawan ng salatin ko ito sa ibabaw ng panty ko ay doon ko napagtanto na basang-basa pala ako, another wet dreams. At si Theo lagi ang laman ng panaginip ko. Mababaliw na yata ako at nandidiri rin ako dahil sa sunod-sunod kong panaginip na puro kalaswaan na lang. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng makita ko si Theo sa mall, at simula non ay may mga kumalat nang mga larawan nila sa social media na rumored girlfriend daw nito. Ang babae ay isang modelo at wala rin sinasabi sa publiko, pero sinabi nito na malapit sa kanya si Theo pero ito hindi naman nagpapaunlak ng mga interview dahil pribado siyang tao at ngayon ko lang napagtanto na sikat nga pala si Theo sa buong bansa lalo na sa pangalan ng negosyo dahil tulad ni Uncle Trey ay magaling rin siya sa negosyo at bukod doon ay isang bilyonaryo pa ito. Timothy Pierre Rosenthal is a epitome of perpection of a man, gwapo, mayaman, matalino, magaling sa negosyo, sikat at habulin ng mga babae. Bukod pa dito ay isa rin siyang abogado by profession kaya sino ang hindi magkakagusto sa kanya. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko dahil hindi birong tao si Theo. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam pero lagi naman iyon ang nangyayari, sa tuwing kailangan lang naman niya ng parausan saka niya ako naaalala kaya napakabigat ng dibdib ko ngayon. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin isang babaeng walang kabuhay-buhay ang mga mata, nanlalalim ito dahil sa puyat, at kakaiyak ko gabi-gabi sa tuwing nasa tabloid at social media ang mga larawan nila ng babaeng iyon pero kailangan kong magpakatatag dahil konting panahon na lang ang titiisin ko at makakalayo na ako dito, sa lugar na ito malayo sa buhay ng lalakeng iyon. Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko na nakakalat sa kama ko, gumagawa ako ng thesis kaya nagkalat ang mga papel pati ang damit ko ay nakalagay lang sa sofa dahil hindi ako nakakapagligpit dahil sunod-sunod ang mga gawain ko sa school. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa gate ng university. "Wow! Ang lalim naman niyan." Napatingin ako sa lalakeng sumabay sa paglalakad ko hindi ko siya pinansin saka ako nagpatuloy sa paglalakad. "Hey! Sandali!" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya tinignan ko ang relo ko may limang minuto pa ako bago magsimula ang unang klase ko. "May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya nakita ko ang bahagya niyang pagtigil at napakamot sa ulo niya. "Ako nga pala si Markus, magkaklase tayo sa lahat ng subject." Napatango ako at napatingin sa paligid hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ito kasi ang unang pagkakataon na may lumapit sa aking lalake na walang bahid ng kabastusan ang pagpapakilala. "Madeline." Mahina kong turan sa kanya saka ako nagpatuloy sa paglalalad pero nakasunod lang siya. "Hey! Gusto ko lang makipagkaibigan." Marahas akong napatingin sa kanya sabay hinto ko sa paglalakad. "Sinasayang mo lang iyang gusto mo, sorry pero wala akong balak makipagkaibigan sa kahit na kanino." Nakita ko ang pagkatulala niya saka bumuntong hininga iniwan ko na siya agad at nagmamadaling pumunta sa room namin. Hindi ako pwedeng makipaglapit sa kahit na kanino dahil hindi ako sanay na may pumapansin sa akin dito sa eskwelahan, gusto ko ng tahimik na buhay kaya kahit alam ko na mabuti ang motibo ng lalakeng iyon ay hindi ko magawang makipagkaibigan sa kanya. "Markus is talking to you before?" Napatingin ako kay Kayla isa sa mga kaklase ko at ang madalas na makipagusap sa akin, siya lang kasi sa buong klase ang alam kong pwede kong makausap ng matino yong iba kong kaklase na babae ay may kanya-kanyang mundo. Inilapag niya sa harap ko ang trey na may lamang pagkain napatingin ako sa kanya at marahang tumango saka ako nagpatuloy na kumain ng tanghalian ko. Dito sa canteen na ako kumain dahil hindi ako nakapagbaon kanina dahil sa pagmamadali ko. "Mag-ingat ka ha ex-boyfriend siya ni Bea at kilala mo naman siya diba?" Napatango ako sa sinabi niya iyon ang dahilan kung bakit ko iniiwasan si Markus Serano. "Isa pa kapag nakarating sa kanya na interesado sa'yo ang ex niya ay baka maging biktima ka ng pambubully niya." Dagdag pa niya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niya at nagpatuloy lang sa pagkain. Kaya nga iniwasan ko na ang lalakeng iyon dahil sigurado ako na magugulo ang tahimik kong buhay. Pagkalabas ko ng building namin ay medyo madilim ang langit kaya inilabas ko mula sa bag ko ang folding payong at hinanda para kung sakaling uulan ay hindi agad ako mabasa saka lumakad papuntang gate ng university. Pagkalabas ko ay may bumusina sa akin kaya gulat akong napalingon bigla akong kinabahan kaya hindi agad ako nakakilos. "Maddie!" Pero nawala iyong kaba ko dahil ibang tao ang inaasahan ko napangiti agad ako ng makalapit siya sa akin. "Tyron. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng yakapin niya ako kaya sinuklian ko rin ang yakap niya. "Kahapon lang ako dumating mula Davao at dito agad ako dumiretso kasi na-miss kita." Napatawa ako sa sinabi niya saka niya ako giniya papasok sa kotse niya. Hindi ko inaasahan na uuwi agad si Tyron may trabaho siya sa Davao at tatlong buwan na rin mula ng makita ko siya, at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Theo ang sumundo sa akin. Mabagal lang siyang nag-drive habang patingin-tingin sa akin saka ngumingiti, na-miss ko rin naman siya pati ang mga ngiti niya na nakakadala. "Saan nga pala tayo pupunta?" Mayamaya kong tanong napatingin siya sa akin saka ibinalik ang tingin sa unahan. "Uuwi tayo sinundo kita, utos ni Tita Marion." Napaayos ako ng upo at tiningnan siya ng seryoso oo nga pala mag-dadalawang linggo na rin mula ng magkita kami ni mama. "Hey! Alam kong hindi ka papayag kaya surprise!" Tinampal ko siya sa braso niya dahil naiinis ako, hindi man lang niya sinabi na uuwi kami. "Hindi ako nakapagdala ng mga gamit ko." Mahina kong turan. "Are you serious? Bahay mo ang uuwian natin kaya natural may mga gamit ka doon." Medyo sumeryoso ang boses niya kaya napalunok ako at tumango na lang. Oo nga pala iyon ang naging bahay ko sa loob ng anim na taon at ang lugar na iyon ang nagbigay sa akin ng masasaya at mapapait na alaala. Kinakabahan ako dahil baka may mapansin sila sa akin lalo na si uncle, observer pa naman iyon kaya hindi ako madalas umuwi doon. Ang huli ko pa na uwi ay yong may kinuha ako sa bahay at hindi naman ako nagtagal. Inayos ko ang sarili ko sa pagkakasandal sa upuan at medyo binaba ito saka ako pumikit, matutulog na muna ako bago ako dalawin ng antok ay narinig ko pa na nagsalita si Tyron pero hindi ko na naintindihan kung ano ang sinabi niya. Nagising ako ng gisingin ako ni Tyron kaya napaayos ako ng sarili ko. "Alam mo kanina pa kita napapansin na parang may nagbago sa iyo." Bigla niyang sabi kaya kinabahan ako. "Pagod ako lagi dahil sa thesis ko sa school." Sabi ko sa kanya at isinukbit ang bag ko at bumaba na ng kotse niya. Napatingala ako sa harap ng bahay namin bihira na lang akong nakakauwi dito kapag nandito sina mama at uncle pero minsan hindi na rin ako umuuwi kahit pa nandito sila dahil sa restaurant na lang kami kumakain. Pagkapasok namin ay nakasalubong na agad si mama na naka-apron pa. "Buti dumating na kayong dalawa." Humalik ako kay mama at yumakap may narinig ako na parang nagkakasiyahan sa kusina kaya nagkatinginan kami ni Tyron. "May bisita tayo halika at ipapakilala kita." Inakay na ako ni mama papasok sa kusina kasunod namin si Tyron. "Hi guiz nandito na si Madeline." Masiglang turan ni mama pagkabungad namin sa kusina nakita ko agad si Uncle Trey at si Theo sa pagkabigla ko at isang babae na pamilyar sa akin. "Wow! siya na ba ang anak mo tita?" Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa amin. "Hello, i am Anika nice to meet you." Pakilala sa akin ng babae hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil binundol ng kaba ang dibdib ko. Gusto kong tumakbo palabas ng bahay at bumalik sa condo pero ayokong magtaka sina mama kaya nanatili akong tahimik, kahit kita ko na mabait ang babae na nagpakilala sa akin ay hindi ko magawang maging masaya dahil nagpakilala siyang nobya ni Theo kanina. Parang gumuho ang mundo ko dahil totoo talaga ang mga balita na nobya niya ang babaeng nasa harap ko ngayon. Masaya silang nag-uusap usap pero ako parang unti-unting nauupos sa kinauupuan ko. "Okay ka lang Maddie?" Tanong ni Tyron na nasa tabi ko napatingin ako sa kanya at napatango. "Hindi po maganda ang pakiramdam ko pwede na po ba akong magpahinga?" Tanong ko kay mama kaya napatigil sila sa pagkukwentuhan. "Sige na anak magpahinga ka na." Pagkasabi nulon ni mama ay agad na akong tumayo at nagpaalam sa kanila napatingin ako kay Theo na kanina rin na tahimik nakatingin rin pala siya pero agad kong binawi ang tingin ko at lumabas na ng kusina. Tumakbo ako paakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto ko at agad kong ini-lock ang pinto ko at takbo sa kama ko at hinayaan ko na umiyak ng umiyak ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD