Chapter four: Pain

1976 Words
Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya napabalikwas ako ng bangon at nakahinga ako ng maluwag ng si mama pala ang katabi ko mahimbing pa siyang natutulog kaya hinayaan ko na muna siya. Oo nga pala nakalimutan ko na anniversary nga pala nila ni uncle sa linggo kaya sinundo ako ni Tyron kahapon, sa dami ng mga iniisip at ginagawa ko ay pati ang espesyal na araw ni mama ay nakalimutan ko na. Dito gaganapin ang party at tiyak na maraming bisita ang dadalo, bumangon na ako at pumunta sa banyo pagpasok ko ay tumambad sa akin ang mukha ko sa salamin na nanlalalim na ang mga mata medyo namamaga pa ito dahil sa pag-iyak ko kagabi. Naghilamos na lang ako at inayos ang sarili ko saka ako lumabas ng banyo at pumunta sa may veranda at binuksan ang sliding door para pumasok ang pang-umagang hangin. Natanaw ko na may mga tao na ang nag-aayos ng magiging venue sa party at abala na sila sa mga kanya-kanya nilang gawain. Bumalik ako sa loob at kinuha ang cellphone ko para mag-update sabado ngayon kaya wala akong pasok pero may mga gagawin pa rin ako. Kumuha ako ng picture na nasa baba at pinost sa social media at nilagyan ng caption. Mayamaya pa ay tumunog na ito at nakita ko agad si Tyron na unang nag-heart ng post ko at si Kuya Tarick na hahabol raw mamaya, mayroong isang nag-comment ng sad emoji kaya nagtaka ako kung sino ito kaya pumunta ako sa profile nito pero walang gaanong post puro sasakyan at mga puno lang ang nasa post nito. Hindi ko na lang ito pinansin at pumunta na lang sa notes ko para ayusin ang ginagawa ko para sa thesis ko. "Anak gising ka na pala pumasok ako dito kagabi kasi gusto kitang makatabi sa pagtulog." Lambing ni mama kaya napangiti ako. "Na miss ko nga rin po na makatabi ka sa pagtulog." Sambit ko at tinulungan ko siya na ayusin ang kama ko. Mayamaya ay may kumatok na sa kwarto kaya nagkatinginam kami ni mama. "Honey. nandyaan ka ba?" Narinig namin ang boses ni Uncle Trey at napailing lang si mama at siya na ang nagbukas ng pinto. "Akala ko kung nasaan ka nandito ka lang pala." Bungad ni uncle kay mama nakita ko na niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Ano kaba nandito lang ako sa kwarto ni Maddie na miss ko ang anak ko kaya tumabi muna akong matulog dito sa kanya." Natatawang paliwanag ni mama dito. "Good morning po uncle." Binati ko na si uncle na hinalikan rin ako sa noo kaya napangiti ako. "Alam ko naman masaya ako na nandito ka laging malungkot itong mama mo kahit na nagkikita pa lang kayo noong nakaraang linggo." Sabay kaming napatawa ni uncle dahil sa sinabi niya. "Naku ang mabuti pa ay bumaba na tayo at kumain ng agahan." Inaya na ako ni mama at sabay-sabay kaming bumaba papunta sa hapag-kainan pero kinakabahan ako dahil makikita ko na naman si Kuya Theo at ang nobya niya iniyakan ko sila buong gabi at hanggang ngayon ay masakit pa rin. Malapit na kami sa dining area ng marinig ko ang mahinhin na naman na tawa ng babae hindi ko alam pero parang may mali sa tawa niyang parang pilit lang, sanay na kasi ako sa ganitong mga babae lalo na sa mga katulad niya mukhang mabait pero may sungay palang itinatago. "Daddy nandito na pala kayo." Nakita kami ni Tyron na agad lumapit sa amin. Si Kuya Theo ay tahimik lang na nakaupo at hindi man lang sinagot si mama ng batiin siya nito ng magandang umaga. Sanay na kami sa ugali niyang ito kaya binalewala na lang ito ni mama kahit nakita ko na nalungkot ang mukha niya. "Goodmorning po Tita Marion, Tito Trey and Maddie." Masigla na bati ni Anika sa amin bahagya lang akong ngumiti at umupo sa tabi ni Tyron na pinaghila ako ng upuan. "Salamat." Maikli kong sambit saka umupo pero mali ang naupuan ko kasi nasa tabi ko pala si Kuya Theo at ramdam ko ang titig niya. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na ng pagkain naglagay ako ng sinangag at hotdog pero si Tyron linagyan pa ako ng tocino at tapa kaya hinawakan ko ang braso niya para patigilin na siya. "Kukuha na lang ako Tyron ano ka ba." Saway ko sa kanya na nakangiti ang sweet talaga nito. "Kumain ka ng marami tingnan mo payat na ka na nga nong huli tayong nagkita pero ngayon lalo kang pumayat." Sabi niya na may kasamang sermon kaya napatawa si Uncle Trey na nasa kabisera kaya napatingin kami sa kanya. "Oo nga naman tama si Tyron kumain ka ng marami." Dagdag pa niya kaya napatango na lang ako at bahagyang ngumiti. "Ang cute naman niyong tignan para kayong totoong magkapatid." Napatingin ako kay Anika na nakatingin pala sa amin tumawa lang si Tyron at nagsimula nang kumain. Naging abala na sila sa pagkain mag-kausap sina mama at Anika si Uncle Trey at Tyron ay nag-uusap rin tungkol sa training nito sa football. Nagulat ako ng biglang humawak sa hita ko si Theo mula sa ilalim ng lamesa kaya napatingin ako sa kanya pero abala siya sa pagkain medyo umusog ako para matanggal ang pagkakahawak niya sa hita ko. Pero hindi niya ito inalis at gumapang pa ito sa may itaas ng suot kong short, napatigil ako at hinawakan ko na ang kamay niya para tanggalin ito pero huli na ng madiin na niyang salatin ang maselang bahagi ng katawan ko. Napatigil ako sa pagkain at napapikit pinigilan ko na hindi mapaungol sa ginagawa niya, gusto kong maiyak dahil sa ginagawa niya nasa harap namin ang girlfriend niya katabi lang namin si Tyron at sina mama at uncle pero nagagawa pa rin niya ito. "Busog ka na?" Tanong ni Tyron ng lingunin ako kaya napahinto ang kamay ni Theo na nakahawak sa akin pero hindi tinatangal ang kamay. "Oo Tyron busog na ako balik muna ako sa kwarto ko." Pinilit ko na tumayo at nag-paalam kina mama na aakyat na muna tumalikod na ako at nagmamadaling umakyat pabalik sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay saka ko lang pinakawalan ang pinigil kong hininga at saka dumausdos pababa sa nakasarang pinto ng kwarto ko. Hindi na ako bumaba pa sa kahit ng tanghalian ay nagsabi lang ako na may mga kailangan pa akong gawin dala ko kasi ang assignment ko dinalhan na lang ako ni mama ng tanghalian at hinayaan na akong mag-isa, buti na lang ay hindi na siya nagtanong pa nauunawaan naman niya na marami akong ginagawa sa school dahil graduating na ako. Saktong alas-syete ay sinasamsam ko na ang mga papel na nakakalat sa kwarto ko ng may kumatok, sa pag-aakala na si mama lang o si Tyron ay binuksan ko agad ang pinto pero nagkamali ako, dahil si Theo pala ang nasa labas at agad na pumasok kahit hindi ko naman pinapapasok. "Anong ginagawa mo dito Kuya Theo?" Tanong ko kahit kinakabahan ako lalo na nang tumingin siya sa akin. "Are you avoiding me Iris?" Malumanay pero may diin niyang tanong. "Hindi po abala lang ako sa mga gawain ko sa school." Sagot ko sa kanya at saka pinagpatuloy ko ang pagligpit ng mga kalat sa kama ko. "Why you did'nt answer my calls? and your number is off." Inis niyang tanong napatigil ako at parang gusto kong mapaupo sa takot sa kanya. "Remember this Iris you are mine!" Lumapit siya sa akin at pinaharap sa kanya at saka ako hinalikan ng madiin pero nagpumiglas ako at nanlaban sa kanya. "Hey! kiss me i miss you baby." Pinigil niya ako at niyakap pero tinikom ko lang ang bibig ko pero bigla niya akong inihiga sa kama ko at dahil sa bigla ko ay nagsagap na rin ako ng hangin pero mali dahil sinundan niya ako ng halik dahilan para makapasok ang dila sa loob ng bibig ko at isang madiin na halik ang ibinigay niya sa akin napaungol ako dahil doon. Dahil siguro sa pagkasabik ko sa kanya ay hindi ko na naman napanindigan ang pag-pigil ko sa kanya kaya nadala nanaman ako ng mainit mga halik at tuluyan na naman akong nagpadala sa mainit na apoy na ipinaparamdam niya sa akin. Kinalimutan ko na naman ang mali naming ginagawa at muling bumigay sa kanya. Pag-gising ko kinabukasan ay mag-isa na lang ako, hindi na ako nasanay sa ganitong set-up matapos niya akong angkinin ng ilang beses ng nagdaang gabi ay magigising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. Muli akong nahiga at natulala iniinda ang sakit ng katawan ko lalo na ang dibdib ko at ang ibabang parte ng katawan ko, pati ang puso ko ay nasasaktan rin kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko, alam ko naman na hanggang ganito lang talaga ako sa buhay niya kaya kahit mahirap tanggapin ay kinakaya ko na lang dahil mahal ko siya at isa pa ayokong masira ang pamilya namin lalo na si mama ayoko siyang masaktan. Dahil kung pipilitin ko ang sarili ko na magsumbong sa mga ginagawa sa akin ni Theo ay masisira ang relasyon namin sa pamilya niya. Ilang sandali pa akong nakahiga lang at tulala ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya nagmadali akong bumangon at inayos ang kama ko. "Maddie?" Narinig ko si mama sa labas ng silid ko kaya kinabahan ako. "Baka nagpapahinga pa si Iris, Tita." Lalo akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Theo pero nakahinga rin ng maluwag ng umalis na sila sa tapat ng kwarto ko kaya napaupo na lang ako at muling tahimik na umiyak. Muli akong nakatulog at pag-gising ko ay may mainit na braso na ang nakayakap sa akin at ang pamilyar na amoy ng taong nakayakap sa akin ay agad kong nakilala. "Theo..." Mahina kong bulong saka dahan-dahang humarap sa kanya. Nakatingin rin siya sa akin kaya napayuko ako lalo lang siyang yumakap ng mahigpit sa akin kaya napapikit ako. "Bukas na ang birthday party ni Tita Marion, may iaanunsyo ako." Napatingin ako sa kanya kasabay ng paghaplos niya sa pisngi ko napatango lang ako at muling pumikit nitong mga nakaraang araw ay parang lagi akong inaantok at emosyonal, lagi akong umiiyak na walang dahilan siguro dahil sa sitwasyon namin. "May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong umiling lang ako at isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya at dinama ang init ng katawan niya, kahit man lang sa sandaling ito ay maramdaman ko siya ang init na nagmumula sa katawan niya ay ang siyang nagpapakalma sa sarili ko. Nakatulog ulit ako at ng muling nagising ay nasa kama ko na si mama at nakatunghay sa akin, kinabahan ako at biglang napabangon. "Masama pa ba pakiramdam mo anak?" Nag-aalalang tanong ni mama, napahinga ako ng maluwag ng wala na dito si Theo marahil ay lumabas na siya. "Ayos na po ako mama." Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti, kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na ayokong sirain kailanman. "Nandito na ang damit mo bukas na ang party kaya pinadala na ito." Napatango ako kay mama, at saka na siya nagpaalam na siya na babalik na sa kwarto nila tumango lang ako sa kanya napatingin ako sa isusuot kong damit na naka-hanger, tumayo ako at sinipat ito. Simpleng white gown na offshoulder, napangiti ako mukhang babagay sa akin ito lalo na at maputi ako at saka hanggang tuhod lang ang slit. Muli akong napahiga sa kama at napapikit naalala ko ang sinabi ni Theo kanina ng may sabihin siya at mayroon daw siyang iaanunsyo kinabahan ako pero mas nangibabaw sa akin ang hinayaan niya akong makatulog sa mga bisig niya kanina. Akala ko ay nananaginip lang ako pero totoo iyon sana ay muling mangyari ang sandaling iyon kahit kaunting sandali lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD