Lumipas ang isang linggo na abala kami sa pagtuturo at nalalapit na rin ang pagkikita namin ni Santi. Sa buong linggo rin ay lagi rin silang abala dahil sa medical mission nila. Para akong teenager na hindi mapakali dahil sa wakas makikita ko rin ang lalaking mahal ko. Walang napapansin na kakaiba sa akin ang mga kaibigan ko bagay na ipinagpapasalamat ko. Para akong bumalik sa dati namin na ginagawa ni Theo ang lihim namin na relasyon ay naitago namin ng ilang taon na walang nakakaalam kahit sino. Siguro dito talaga ako may talent sa pagtatago ng isang sikreto pero alam ko naman na hindi ito magtatagal katulad ng dati. Nalaman nila ang relasyon namin pero ngayon iba na ang sitwasyon may karapatan ako kay Santi dahil siya si Theo ang asawa ko. Pero nandito pa rin ang agam-agam sa akin

