Santi/Theo Rosenthal Pagkapasok ko ng tent dito sa camp ay nakita ko agad si Sunshine na nakaabang sa akin. Masama siyang nakatingin at nakahalukipkip. "Saan ka galing Santi?" Seryoso niyang tanong pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kama ko para ayusin ang mga gamit ko. Pero sinundan niya ako at yumakap sa likod ko kaya natigilan ako. Bakit parang balewala na sa akin ang yakap niya parang normal na lang. Dahil ba kay Iris ko kaya wala na akong nararamdaman na kahit ano kay Sunshine. "Bitaw na Shine let go." Seryoso kong turan sa kanya at pinagpatuloy ang pag-aayos ko ng mga gamit ko. "Why are you packing your things Santi?" Naguguluhan niyang tanong pero hindi ko siya pinansin kaya iyong mga gamit ko na inilalagay ko sa bag ko ay kinuha niya kaya napatingin ako ng masam

