Nagising ako na may humahalik sa pisngi ko kaya napangiti ako. May maliit na boses ang nagsasalita at tumatawa ng mahina. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko at nakita ko ang anak ko na nakahiga sa tabi ko at nakatingin sa akin, nasa likod niya ang lalaking mahal ko na nakayakap sa anak ko. "Mama are you awake na?" Tanong ng anak ko kaya napatango ako at agad ko siyang kinabig payakap sa akin. "Ang bigat mo na baby ko." Sabi ko sa kanya at hinalik-halikan ko siya sa pisngi. "Good morning baby." Bati ni Theo sa akin at agad akong hinalikan sa labi. Napangiti ako at tumugon sa halik niya. Ito na yata ang pinakamasayang umaga sa akin mula nang mawala si Theo. At ngayon na nandito na siya ulit ay sobra-sobrang kaligayahan na ang nararamdaman ko. Bumangon na ako at hinayaan ko na a

