Naalimpungatan ako ng marinig ko si Theo na umuungol at pawis na pawis kaya napabangon ako bigla at ginising siya. "Theo? Gising babe." Mukhang nananaginip siya at halata ang takot sa mukha niya habang nakapikit at pabiling-biling. Ilang ulit ko siyang ginigising pero hindi siya magising gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang oras para dito. Hinalikan ko na lang siya at umibabaw sa kanya ilang ulit ko siyang hinalikan hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Napaungol siya at tinugon ang halik ko kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko na gising na siya. "Baby i had a bad dream. I feel like i'm suffocating." Mahina niyang turan kaya lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit. "Okay na Theo wag ka nang mag-alala." Sabi ko sa kanya. "I'm thirsty." Bulong niya kaya tu

