Chapter twelve: Truth

1956 Words

Kumain muna kami bago sabihin ni Kuya Z ang dala niyang maganda raw na balita, kaya masaya kaming nag-agahan. Inasikaso ni Theo ang pagkain ko at tinimplahan pa ako ng gatas na para sa buntis na hindi ko gusto ang lasa pero dahil ayokong masayang ito ay pinilit ko na lang inumin at hindi nagpahalata kay Theo na hindi ko ito gusto. "Kumain kana Theo kaya ko naman kumain ng mag-isa." Bulong ko sa kanya ng hindi pa siya naglalagay ng sinangag sa plato niya at gusto pa akong subuan. "Kuya Theo naman maawa ka naman sa amin na single oh." Reklamo ni Kuya Tarick kaya napatawa ang lahat sa sinabi niya. "As if naman na gagawin mo iyan sa mga one-time girlfriend mo." Parinig dito ni Erine na natatawa. "Kumain ka na nga lang pandak." Sagot dito ni Kuya Tarick sa sinabi ni Erine kaya natahimik it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD