Napilit ko pa rin si Theo na ihatid ako sa bahay para hindi magtaka sina mama at uncle kung nasaan ako nasabi kasi ni Tyron na baka umuwi ngayong araw sina mama. Nagmamaneho si Kuya Tarick na halata ang saya dahil nahanap na daw niya ang hinahanap niya at hindi siya makapaniwala nandito lang pala ito sa Davao. Kaya kapag naihatid na niya ako ay pupuntahan agad niya ang lugar kung na saan ang hinahanap niya, naalala ko na nag-usap na kami kagabi at magaan na ang loob ko kahit paano. Tanggap na nina Kuya Tarick at Tyron ang relasyon namin ni Theo at handa naman daw silang harapin ang galit ni Uncle Trey at mama kung sakali man. Hindi ako makapaniwala sa tatag ng relasyon nilang magkakapatid hindi pagkunsinti iyon pero gusto lang nilang maging masaya kami pareho ni Theo. Gustong sumama k

