Nagising ako na may nakayakap sa akin at halos nakasiksik na ito sa akin, ngayon ko lang napansin na wala ako sa silid ko kundi ibang silid ang kinahihigaan ko. Gumalaw ako pero mahigpit lang akong yakap ng lalakeng nasa likod ko. "Theo gising." Tawag ko sa kanya habang pilit kong tinatangal ang braso niya na nakayakap sa akin. "Baby let me hug you for awhile i miss you." Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya at napaharap nakapikit siya at lalo lang akong niyakap. "Pero kailangan ko ng umuwi Theo baka hanapin ako dun." Mahina kong turan sa kanya kaya bigla siyang napamulat ng mga mata. "As if naman na ibalik kita dun." Turan niya na may inis sa boses, kinabahan ako sa sinabi niya kaya pinilit kong makawala sa yakap niya. Binitiwan na lang niya ako at bumangon na ako at inayo

