Chapter nine: Confession

1903 Words
Sa loob ng mahigit isang linggo ko dito ay hindi ko man lang nakita sina mama at uncle na laging umaalis parang laging abala sa kung anong bagay marahil ay may kinalaman sa negosyo nila. Nakausap ko na rin noong nakaraang araw ang professor ko na kinausap pala ni uncle dahil kaibigan niya ang dean ng university at online class na lang ang klase ko dahil nasa malayo ako at nagawan nila ng paraan. Mula rin ng may cellphone akong nakita sa silid ko ay ginagamit ko na ito para kumustahin sina Tyron at Kuya Tarick, hindi ko magawang tanungin si Kuya Theo sa kanila dahil nahihiya pa ako. Si Rico ay naging kaibigan ko na rin at ang kapatid niya si Rian na labing-dalawang taong gulang palang pero napakadaldal at masiyahin. Ipinasyal nila ako sa plantation ng buko at cacao tree dito na malapit lang dito sa bahay. Nabawasan na rin ang lungkot ko dahil may mga taong nagpapasaya sa akin ngayon at kahit paano ay nakalimutan ko ang pinagdadaanan kong sakit. Tulad ngayong araw na maaliwalas ang kalangitan sa labas at nandito ako sa veranda ng kwarto ko at nagre-review nang bigla na lang pumasok si Rian at malawak ang ngiti sa akin. "Ate Maddie may naghahanap sa'yo sa baba ang gwapo." Napatingin ako sa kanya na nagtataka sino naman kaya, madalas naman niya sabihan ang kuya niya na pangit kaya imposible na si Rico iyon, lalo na at nasa Cebu ito ngayon dahil may dinaluhan na meeting doon. "Sino daw Rian?" Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan pero ayokong mag-assume. Kaya inayos ko ang sarili ko at niligpit ang mga libro at papel na nagkalat sa lamesa ko at ipinasok sa loob at ipinatong ko sa kama ko. "Lalabas na muna ako at gusto ko ulit siyang masilayan." Paalam ni Rian sa akin kaya napailing na lang ako sa sinabi niya. Inayos ko lang ang buhok ko na nawala na ang ilang hibla sa pagkakapusod ko at naglagay ng bra dahil naghuhubad ako ng bra kapag nandito lang ako sa kwarto ko na nakasanayan ko na. Medyo napapikit ako dahil sa masakit ang dibdib ko na parang namimintog na dahil sa pagkakahawak ko, nagtataka ako kung bakit ganito masyadong naging sensitibo ang hinaharap ko. Hindi ko na lang ito pinansin at inayos ang damit ko at lumabas ng silid ko. Pababa na ako ay nakita ko ang isang lalakile na nakatalikod sa sala at nakatanaw siya sa labas kung saan kitang-kita ang karagatan. "Tyron!" Tawag ko sa kanya sabay takbo sa kanya at yumakap sa kanya, namiss ko siya kahit na magkausap lang kami kahapon sa telepono. Agad naman niya akong niyakap at natatawang ginulo ang buhok ko. "Na miss kita Maddie, look at you." Tinignan niya ako na natatawa. Nagkumustahan pa kami at maraming kwento lalo na sa naiwan ko sa Manila, may mga naghahanap sa akin sa school kaya napatango lang ako kay Tyron. "Pati iyong Marco ba iyon? tinanong ka rin sa akin." Naptingin ako sa kanya at tumango hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya nakinig lang ako sa kanya. Hindi naman na siya nagtagal dahil may aasikasuhin pa daw siya kaya napatango na lang ako sa kanya. "Bukas sunduin kita may pupuntahan tayo." Napatingin ako sa kanya nang ihatid ko siya dito sa gate, napatango ako sa kanya at nagpaalam na siya kaya tinanaw ko na lang kotse na sinakyan niya. Bumalik na ako sa loob na nakaabang sa akin si Rian na hindi matanggal ang ngiti sa labi niya kaya napailing na lang ako dahil mukhang tinamaan siya kay Tyron. Kinabukasan ay maaga akong nagising ngayon ako susunduin ni Tyron kaya naligo ako agad, nakapagpaalam na ako kagabi kay manang na tumango lang at masaya daw siya na nagkita na ulit kami ni Tyron wala siya kahapon dahil umuwi siya sa kanila dahil may inasikaso ito kaya hindi niya nakita si Tyron. Papalabas na ako ng gate ay natanaw ko si Tyron na nakasandal sa kotse niya at parang may malalim na iniisip nakatingin sa kawalan. Mahangin at linilipad ang buhok ko na malapit ng matuyo ng mapadako sakin ang tingin ni Tyron ay agad siyang napatuwid ng tayo at binuksan ang pinto ng sasakyan para makapasok ako tahimik lang akong pumasok at sinundan siya ng tingin. Hangang sa makapasok siya wala pa rin kaming imikan habang marahan siyang nag-dadrive kaya napatingin na lang ako sa daan. Medyo nahihilo ako kanina pero uminom ako ng mainit na gatas kaya medyo nawala ang hilo ko nagpatimpla lang ako kanina kay Rian ng gatas habang nasa banyo ako, naalala ko na nitong mga nakaraang araw ay madalas akong nahihilo at nagsusuka hindi ko maintindihan ang sarili ko pero may ideya na ako kung ano itong nararamdaman ko pero ayokong tanggapin ang ideyang iyon. "Matulog ka muna kung inaantok ka, mga dalawang oras pa byahe natin." Napatingin ako kay Tyron na diretso lang ang tingin sa daan, napansin siguro niya ang maya't maya kong paghikab kaya ibinaba ko na lang ng konti ang upuan ko para komportable ako sa pagtulog hindi ko talaga maiwasan ang pagiging antukin ko lalo na kung bumabyahe. At isa pa hindi ako sanay na tahimik si Tyron, kahapon lang ay masaya siya ngayon naman ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya madalas kasi kapag magkasama kami ay maingay siya at nagpapatugtog ng musika at kung minsan ay nangungulit sa kung ano-anong paraan pero ngayon nalulungkot ako na tahimik siya. Napamulat ako ng maramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Tyron kaya napatingin ako sa paligid nakahinto na pala ang sasakyan, nasa tabing-dagat din ang lugar na hinintuan namin at sa kaliwang bahagi ay may malaking resthouse. "Baba na." Maikling turan ni Tyron binuksan na niya ang pinto sa tabi ko kaya dahan-dahan akong bumaba para lang mamangha sa ganda ng lugar kung nasaan kami, sa likod namin ay kagubatan sa harap ay ang karagatan kung saan ay mabining hangin ang tumatangay sa mahaba kong buhok, ng mapatingin ako sa malaking bahay di kalayuan kung saan nakapark ang sasakyan ay natanaw ko ang di kataasaang fench na nakapalibot sa buong bahay at sa gitna ay may pintong kawayan napalakad ako ng wala sa oras papunta sa malaking bahay lalo akong namangha ng makita ko ang paligid puro naggagandahang bulaklak ang nasa loob mayroon sa mga paso na nakaayos sa harap ng pinto ng bahay at sa paligid ay iba't ibang halaman mayroong maliit na gazebo ang natanaw ko sa isang parte ng bakuran may mga angels at sa gitna ay si Mama Mary, may ilaw ito sa may ulunan at isang maliit na fountain itinulak ko ang pintong kawayan at manghang pinagmasdan ang paligid napaharap ako kay Tyron na tumikhim sa likod ko. "Pasok na tayo sa loob." Maikli pa rin niyang turan sumunod na ako sa kanya ang path-way na papunta sa bahay ay isang batong marmol na nakahilera at nalalatagan ng bermuda grass ang buong paligid. Napasunod na ako kay Tyron at sa pagpasok ko ay lalo akong namangha napakalinis ng kabahayan ang mga upuan ay pawang gawa sa ratan, ang hagdan ay kahoy na makintab mayroong grand piano sa isang bahagi may malaking vase na nasa kanang bahagi ng hagdan halos kasing laki ko yata iyon. At ang nakakuha ng pansin ko ay ang mga painting na nakasabit sa bawat bahagi ng pader at lahat ng iyon ay mga pininta ko kinabahan ako dahil paanong nangyari na ang mga painting na ibinenta ko online ay nakasabit sa bahay na ito. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko maintindihan lalo na at may taong lumabas mula sa kusina marahil ng bahay, nakita ko na medyo nagulat siya pero sumeryoso rin ng mapatingin kay Tyron na nasa tabi ko. "Kuya dinala ko si Maddie kagaya ng hiniling mo." Malumanay na turan ni Tyron napatingin ako kay Tyron at saka kay Theo na tinanguan lang ang kapatid. Nalilito akong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila. Ni hindi ko nga namalayan na nakalapit na sa akin si Theo at kung hindi ko naramdaman ang paghapit niya sa akin ay hindi ako matatauhan, sinalubong niya ng halik ang labi ko mariin iyon na ikinagulat ko sabay yakap sa akin. "Wellcome sweety." Bulong niya saka ako iginiya papunta sa hapag kung saan ay may mga nakahain na pagkain. Wala ako sa wisyo at hindi ko alam kung paano ako magtatanong parang napakanormal lang ng kilos niya maging si Tyron ay ganoon rin, muli akong nagulat ng pumasok si Kuya Tarick nagkatinginan kami pero umiwas siya ng tingin at saka umupo sa katabi ni Tyron at nagsimulang magsandok ng pagkain. Tahimik akong nakaupo dito sa labas ng bahay malambot ang kawayang kinauupuan ko dahil may kutson na hindi gaanong manipis sinadyang gawin ito sa upuan hindi ako makapaniwala kanina tahimik lang sila tanging si Theo lang ang nagsasalita kung may itatanong kung ano pa ang gusto kong kainin iniwan ko sila doon na nagliligpit kung hindi lang ako gutom ay marahil hindi ako makakakain ng maayos. Napapikit ako at nilanghap ang mabining hangin saka dumilat ulit at tumanaw sa nagkikislapang tubig dagat na nasisinagan ng araw. Napakagandang tanawin habang mahinang humahampas sa dalampasigan ang tubig, napakapayapang pakingan nito naramdaman ko na may umupo sa tabi ko hindi ko man tingnan ay alam ko na kung sino siya. "How are you Iris?" Simula niya hindi ko siya sinagot ayokong sabihin na okay lang ako kahit parang sasabog ang dibdib ko sa nararamdaman kong sakit. "Bakit ako nandito?" Mahina kong tanong kinuha niya ang kamay ko pero iwinaksi ko lang ito, napabuntong hininga siya at tumayo akala kong aalis siya pero pumunta siya sa harap ko at lumuhod pareho niyang hinawakan ang kamay ko na nanginginig pilit kong inaalis pero magkabilaan niyang hinakan ito. "I'm sorry baby." Kusang tumulo ang luha ko dahil sa boses niya na humihingi ng tawad at malambing. Napapunas ako ng luha dahil sunod-sunod itong tumulo. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit lalo tuloy sumikip ang dibdib ko kaya pinilit kong makaalis sa yakap niya pero malakas siya kaya hindi na ako kumilos pa. "Ikakasal kana dapat tapusin na natin ito Theo nasasaktan na ako." Pinilit kong magsalita kahit masakit ang lalamunan ko kaya napatingin siya sa akin at pinahid ang mga luha ko. "I am not marrying baby that was a mistake, Anika is just assuming for something." Natigilan ako at tumingin sa mga mata niya kita ko ang malambing niyang tingin. "A-anong ibig mong sabihin?" Naitanong ko na lang sa kanya. "That was a mistake, you are the one i want to marry baby i want to introduce you to the world." Napailing ako at pinunasang muli ang luha ko, hindi ako makapaniwala na sinasabi niya ito ngayon. "Theo." Naiusal ko na lang. "Gusto kong sabihin sa kanila sa mama mo at sa mga tao na ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan Iris, i love you and i want you to marry me wala akong pakialam kahit half-sister kita akin ka lang kaya magpapakasal ka sa akin kahit tumutol pa sila!" Dahil sa lakas ng t***k ng puso ko ay parang umikot ang paningin ko lalo na ng makita ko kung gaano siya kaseryoso, sunod-sunod akong napalunok dahil sa pagkabigla at hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Para akong hihimatayin hangang sa pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga tuluyan ng umikot ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD