Para akong tuta na nakasunod lang kina mama at uncle hanggang sa pagsakay namin ng sasakyan papunta sa airport ay wala silang sinabi o wala man lang nagsalita sa kanilang dalawa.
Masama ang loob ko dahil sa mga nangyayari pero mas pinili ko na manahimik na lang, napatingin ako sa labas ng bintana at isinandig ko ang ulo ko dito.
Gusto kong magtanong sa kanila kung bakit biglaan ay gusto nila akong sumama sa kanila sa Davao, pero may ideya na ako dahil nakita ko ang pamumugto ng mga mata ni mama at ang hindi nito pagpansin kay uncle kahit na kinakausap siya nito.
Nakarating kami sa airport na akay ni mama mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na gusto kong magreklamo na nasasaktan ako pero pinilit ko na lang na hindi magsalita.
Isang pribadong eroplano ang sinakyan namin isa marahil sa mga pagmamayari ng pamilya ni uncle, nakita ko ang isang lalaki na naghihintay sa amin sa hagdan paakyat ng eroplano.
"Good morning Sir, Madam." Bati nito at napatingin sa akin ang lalake na marahil ay kasingtanda lang rin ni Kuya Theo.
"Maayos na ba ang lahat?" Tanong dito ni uncle napatango naman ito habang inutusan ang isang lalaki rin na ibaba na sa kotse ang mga gamit namin.
"Honey mauna na kayong dalawa susunod na lang ako." Turan ni uncle kay mama hindi nagsalita si mama at inakay ako paakyat ng hagdan dito ay saka lang ako binitiwan ni mama.
Muli akong napatingin sa labas bago ako pumasok gusto kong maiyak dahil sa maiiwan ko. Ni hindi ko man lang kasi nakita ulit sina Tyron at Kuya Tarick maging sila ay walang nagawa sa pag-alis namin kanina.
"Iris pumasok kana dito." Napatingin ako kay mama na may halong galit ang boses kaya agad akong pumasok at umupo sa may bandang bintana inayos ko ang bag na dala ko kung saan nakalagay ang cellphone ko at akma ko itong bubuksan pero biglang kinuha ni mama ito sa kamay ko.
"Hindi mo na ulit ito magagamit mula ngayon Iris." Napatingin na lang ako sa kanya at sinundan siya ng tingin.
Gusto kong maiyak dahil sa sama ng loob pero pinikit ko na lang ang mga mata ko at nakatulog.
Nagising ako ng tapikin ako ni mama kaya napatingin ako sa paligid nasa eroplano pa pala kami at nakalapag na rin, hindi ko na namalayan na naka-byahe na pala kami at nakarating na rin dito sa Davao.
"Ayusin mo na ang sarili mo nandito na tayo." Seryosong turan ni mama sa akin kaya napatango lang ako.
Inalalayan kami ni uncle pababa ng eroplano at halata ang panlalalim ng mga mata niya, kanina pa sila hindi nag-uusap iyon ang napansin ko.
Parang nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko pero wala akong magawa.
Nakasakay na kami ng sasakyan na sumundo sa amin at isang malaking bahay ang bumungad sa akin, marahil ito ang bahay nila dito sa Davao nasa harap nito ang malawak na karagatan at malakas ang hangin.
"Magandang araw po Madam, Sir." Isang may katandaan ng babae ang sumalubong sa amin at bumati.
"Selya pakisamahan na si Iris sa silid niya." Utos dito ni mama kaya napasunod na lang ako kay Manang Selya ng akayin na niya ako paakyat sa taas.
"Ikaw pala ang anak ni Madam Rio." Napatango ako sa kanya at ngumiti.
"Ako nga pala ang katiwala dito sa bahay at ang asawa ko na hardinero dito." Pagkausap niya sa akin kaya napatango na lang ako.
"Madeline Iris po pangalan ko, at kahit Maddie na lang po itawag niyo sa akin." Mahina kong turan sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nakangiting tumango.
Parang ang bait niya at masarap kausap base sa buska ng mukha niya kaya napanatag ako.
"Ito ang magiging silid mo maayos na ang lahat, kung nagugutom ka ay bumaba ka na lang sa kusina at ipaghahain kita." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya napatango ako.
Iniwan na niya ako ng makapasok ako sa kwarto kaya napatingin na lang ako sa likod niya.
Tumingin ako sa paligid isang simpleng silid lang ang nandito, isang vanity mirror at dalawang malalaking aparador na kahoy tipikal sa probinsya at isang queen size bed ang nandito, ang isang pinto pa ay marahil ay ang banyo.
Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng kama at napaupo at nag-isip kung ano ang mangyayari gayong alam na nila ang tungkol sa amin ni Kuya Theo.
Napaiyak ako dahil sa bagay na iyon at hindi ako makapaniwala na ganito lang matatapos ang lahat, ito kasing puso na ito ang hirap utusan wag na lang siya.
Napahiga ako sa kama at tahimik na muling umiyak, bakit ganito lang agad matatapos ang lahat ni hindi man lang ako kinausap ni mama kung gusto kong sumama sa kanila bagkus ay sila na ang nagdesisyon na isama nila ako dito.
Para saan? para takasan ang isang katotohanan na hindi na nila napigilan pa napahawak ako sa kwintas ko at lalong tahimik na umiyak.
Theo...
Nagising ako na may kumakatok sa pinto ng silid nakatulog pala ako kanina dahil sa kakaiyak ko.
Inayos ko ang sarili ko at pumunta sa pinto para buksan kung sino man ang kumakatok.
"Hija oras na ng hapunan bumaba kana." Bungad sa akin ni Manang Selya kaya napatango ako nakita ko na simple niya akong pinasadahan ng tingin at malungkot akong nginitian.
"Sabay ka na sa akin bumaba para may kasalo ka sa pagkain." Inakay na niya ako matapos kong maisara ang pinto ng kwarto ko.
"Sina mama po at uncle?" Namamalat ko na tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin nang makababa kami at papunta sa hapag-kainan.
"Kanina pa sila umalis dahil may meeting daw kaya ibinilin ka sa akin ng mama mo." Sagot niya saka ako linapagan ng mainit na tasa ng tsaa sa harap ko.
"Salabat iyan inumin mo muna para mawala ang pamamalat ng boses mo." Turan niya kaya nginitian ko siya at dahan-dahang higupin ang mainit na salabat.
Mabango ang sabaw na inihain niya sa harap ko at pritong isda at may gulay rin mukhang masarap kaya nagutom ako bigla.
"Sinigang sa kamyas na ulo ng salmon, at ito pinakbet at pritong maya-maya." Napatango ako kay manang at nagsandok ng kanin at una kong kinuha ang nasa bowl na sabaw, parang ngayon lang ako nakaramdam ng gutom dahil mula pa kahapon ay walang laman ang tiyan ko.
Pagkahigop ko pa lang ng maasim na sabaylw ay nakaramdam ako ng kapanatagan dahil sa sarap ng kaya ibinuhos ko ito sa kanin ko at nagsimula na akong kumain, kasabay ng pagkuha ko ng isang piraso ng pritong isda na may sawsawan na toyo at kalamansi.
Hindi ko na napansin si manang na nasisiyahan akong tinignan dahil magana akong kumain, ang sarap talaga.
"Nanay nakita mo iyong..." Napatingin ako sa lalakeng pumasok at hubad-barong nagulat sa pagkakita sa akin.
"Rico ikaw pala ikaw na bata ka bigla kana lang pumapasok na ganyan ang itsura mo." Pinagalitan siya ni manang saka ito nagmamadaling isuot ang t-shirt na nakasampay sa balikat nito.
"May bisita pala tayo nay?" Tanong nito kay manang nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi pinansin ang lalaki.
"Maddie ito pala ang apo ko si Rico." Pakilala ni manang sa kanya napatingin ako dito at kimi lang siyang nginitian at nagpatuloy ako sa pagkain.
Hindi ko nakita ang pasimpleng pagtinginan ng mag-lola dahil mas gusto ko lang kumain nitong masarap na pagkain na nakahain sa harap ko.
Napahawak ako sa tiyan ko na pakiramdam ko ay lumaki dahil sa kabusugan ko, saka ko lang sila tiningnan na pareho palang nakatingin sa akin sabay dighay kaya namula ako at napahawak sa bibig ko.
"Pasensya na po masarap po kase ang pagkain." Nahihiya kong sabi kay manang na nakangiti lang.
"Buti naman at nagustuhan mo ang pagkain hija." Masaya niyang turan, napatingin ako sa lalake na katabi niya at tumawa ito ng malakas kaya namula ako dahil sa hiya.
"Rico ano kaba tumigil ka nga." Saway dito ni manang at nahihiyang tinignan ko siya ngayon ko lang napansin na gwapo rin siya kahit sunog ang balat marahil siguro sa init ng probinsya pero may itsura siya, napailing ako sa naiisip ko dahil ngayon lang ako na-gwapuhan sa isang lalaki.
Kasing-tanda lang siya ni Kuya Tarick base sa itsura niya o ni Kuya Theo natigilan ako ng maalala ko sila.
"Madeline pangalan mo tama?" Napatingin ako sa lalake at tumango sa tanong niya.
Umupo siya sa harap ko at nagsandok ng kanin kaya pinanuod ko lang siya at ng mapatingin siya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin.
"Ikaw pala ang anak ni Ma'm Rio, at step-sister ni Tarick." Napatingin ako sa kanya ng mabanggit niya ang pangalan ni Kuya Tarick.
"Kilala mo si Kuya Tarick?" Tanong ko sa kanya kaya napatangin siya sa akin at tumango.
"Oo kaibigan ko iyon kasosyo ko sa negosyo ng taniman ng cacao dito." Napatango na lang ako at tumayo na. Napansin ko na wala dito sa kusina si manang kaya sa kanya na lang ako magpapaalam sa lalaking magana ding kumain.
"Lalabas na muna ako Rico, ikinagagalak kitang makilala." Paalam ko sa kanya dahil gusto kong maglakad-lakad dahil nabusog talaga ako, napatingin naman siya sa akin at tumango.
"Sige na pwede kang lumabas at maglakad-lakad sa dalampasigan maliwanag naman diyan." Sabi niya kaya tumango ako at lumabas na ng kusina.
Dumiretso ako sa labas ng kabahayan at bumaba ng batong hagdan at sinamyo ko ang hangin na humahampas sa mukha ko.
Ang ganda sa lugar na ito at mukhang dito rin sa lugar na ito naglalagi si Kuya Tarick kapag nandito siya.
Naglakad-lakad lang ako dito sa tabing-dagat maliwanag ang paligid kahig na madilim na dahil sa mga poste ng ilaw na nakahilera sa paligid hanggang sa dulo.
Iniisip ko pa rin kung paano pala ang pag-aaral ko gayong kahapon ay absent ako, malapit na pala ang exam namin at malapit na rin akong maka-graduate ito na iyong matagal ko ng pinakahihintay dahil pwede na akong magsarili ng hindi naka-depende kay mama.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon halos hindi ako magawang kausapin ni mama, parang gusto ko na naman na umiyak pero pinigilan ko dahil ayoko ko nang umiyak ulit.
Pabalik na ako sa bahay ng marinig ko ang boses ni mama dahil dito ako pumasok sa likod ay dinig na dinig ko ang boses ni mama.
"Anong gusto mong gawin ko maging normal lang ang lahat matapos kong malaman kung anong ginawa ng anak mo anak ko!?" Napatigil ako sa sigaw ni mama habang nakatayo lang si uncle sa harap niya na malungkot na nakatingin kay mama.
"Honey pag-usapan natin ito ng mahinahon okay, pero wag ka namang maging malamig sa akin o kay Maddie." Pakiusap ni uncle sa kanya parang tinusok ng karayom ang puso ko at naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko.
"Hindi ako pwese huminahon Trey! Ang anak mo! he tainted my daugther, my child!" Nahihirapan na turan ni mama saka ito umiyak kaya niyakap siya ni uncle.
"Mama i'm sorry po." Lumapit ako sa kanila at napaupo ako sa harap niya at yumuko habang umiiyak.
"No! Madeline don't sorry to us please hija." Sambit ni uncle nakatingin lang sa akin si mama habang umiiyak at paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin.
Napaupo ako dito sa kama ko at napahawak sa ulo ko na sumakit dahil nangyari kanina lang, nawalan ng malay si mama dahil sa paghisterikal niya. Alam na talaga nila ang tungkol sa amin ni Kuya Theo kaya lalo akong nasasaktan sa mga nangyayari.
May tumunog na cellphone sa may lamesa na katabi ng kama ko kaya nagtaka ako, ang alam ko ay kinuha ni mama ang cellphone ko kanina nung nasa eroplano ako kaya hindi ako makapaniwala na may cellphone dito.
Agad ko itong kinuha hindi sa akin ito pero may mensahe.
Napaiyak ako dahil sa mensahe gusto ko siyang makita ang lalakeng mahal ko.