Iris PALAGI kong sinasabi sa sarili ko dati na isang araw may isang taong sisira sa akin kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil alam kong sobrang sakit nito. Palagi kong nilalayo ang sarili ko sa mga taong nasa paligid ko dahil mabilis akong masaktan. Akala nila, wala akong nararamdaman kapag naririnig ko ang mga mura at masasakit na salita nila ay nadudurog agad ako. Nasasaktan ng mas higit pa sa alam nila. Kaya nang mamatay ang nag-alaga sa akin ay sinanay ko na ang sarili kong mag-isa dahil wala naman ang may gustong samahan ako, hindi na rin agad ako nagtiwala sa mga tao dahil naloko na rin ako ng taong ginawang impyerno ang buhay ko. Akala ko kapag binuo ko na ang pader na ginawa kong pangharang para 'di na nila ako masaktan ay hindi magigiba ay nagkamali ako. May isang

