Chapter 2

1691 Words
Michelle POV Hindi ko gustong magsinungaling kay aunt Nelly pero kailangan ko tong gawin para hindi siya mag-aalala sa akin. Nakapagdesisyon na akong umalis sa tinatrabahoan ko para magpalamig sa lugar kung saan walang nakakilala sa akin. Sinabihan ko na si aunt Nelly na may offer na trabaho sa California at na relocate ako sa ng hotel management dahil nangangailangan sila ng isang manager na mag manage sa hotel. “Sigurado ka na bas a desisyon mo yan, Michelle? This will be your first time living alone away from us. Hindi na ba pweding mag back out sa trabaho na iyan?” tanong niya sa akin habang ako ay nag impake ng aking damit at dadalhin ko sa lugar kung saan dalawa lang kaming naka-alam. “Don’t worry about me tita, alam mo naman na malakas akong babae diba? At kasama ko naman si Patrick. He will be with me in California.” Alam ko na mapapanatag ang loob niya pagkasama ko si Patrick. Ang nag-iisang kaibigan ko na lalaki. May kakilala akong mga lalaki pero si Patrick ang pinaka close ko para ko na siyang best friend. Nakilala ko siya noong kami ay bata pa at sabay kami lumaki sa New York. “Huwag mong sabihin na magtatanan na kayong dalawa? Michelle if you are planning to do that, mas mabuting huwag ka ng umalis at pag-uusapan natin ito ng Mabuti.” Pabirong sabi ni Aunt Nelly pero nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa desisyon ko na ito. Kilala na nila si Patrick at alam ko na magiging panatag lang ang loob nila pag kasama ko si Patrick. Nagtatrabaho si Patrick sa isang security agency sa New York. Si Patrick lang ang nakaka-alam kung bakit kailangan ko munang lumayo at dahil sa kanya naligtas ako sa kapamahakan. “Hay naku tita, wala pa sa aking isipan ang mag-aasawa at saka kaibigan ko lang si Patrick. Alam mo naman na kaibigan lang kami simula noong una.” Depensang sagot ko sa kanyang matalim na tanong sa akin. Patuloy akong nag-iimpake. Kaunti lang ang dala kong damit at mostly ay pambahay at napansin ni tita na hindi ko dala at inampake and uniform ko sa trabaho. Ang tanga ko ba’t hindi ko naisipan na matalim ang mga mata ni tita Nelly. Nagtataka siya kung bakit wala akong mga business attire na inampake or work clothes ko, tapos tanong niya sa akin, “Bakit wala kang dalang mga damit sa pangtrabaho? Tapos ang uniform mo ay nakasabit pa sa kabinet mo?” “Ahh! Hindi ko na iyan kailangan. We have a different uniform for that hotel. Don’t worry tita, maraming clothing shop sa California. Bibili nalang ako doon at saka gusto ko ng bago. New life new clothes, right?” feel ko ay isa akong lawyer sa past life ko, ang galing ko sa depensa lalo na sa mga tanong ng aking aunt Nelly. Makalipas ang ilang minuto at mga tanong niya sa akin. Tumawag si Patrick sa akin pero hindi ako ang nakasagot ng tawag niya dahil agad kinuha ni tita ang cellphone ko para sagutin ang tawag ni Patrick. Alam ko na may mga tanong siya na gusto niyang makuha ang mga sagot mismo kay Patrick. Walang ka alam-alam si tita na planado na naming ito ni Patrick. Ayaw ko na madamay si tita sa problema ko. Maraming tanong si tita kay Patrick, mga tanong na alam ko na masasagot talaga ni Patrick kahit baliktarin mo pa ang mga tanong. Nagtapos si Patrick sa kolehiyo sa kursong Psychology. Naghihintay lang siya na matanggap sa isang government agency sa New York at nag apply siya bilang isang profiler sa isang ahensya. Alam ko na madaling masasagot ni Patrick ang lahat ng mga tanong ng tita ko. “Hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sagot ninyu. Baka sa susunod ay malalaman ko nalang na engage na kayu ni Patrick. Huwag maging easy girl Michelle. Kahit na killala na namin si Patrick ay dapat pa din naming siyang kausapin sa mga bagay na iyan.” Sabi ng tita Nelly ko na natatakot na malalayo ako sa kanya. Malapit na akong matapos sa pag iimpake ng aking mga gamit. “Don’t worry tita, malalaman mo nalang na kasal na kami ni Patrick. HAHAHA” pabiro kong sinabi sa kanya dahil ayaw ko na mag-alala siya sa akin. Ginawa ko to dahil ayaw ko siyang madamay sa kaguluhan na napasukan ko at hindi ko alam kung bakit may gustong tumapos ng aking buhay. Isa lang naman akong ordinaryong babae na nagtatrabaho sa isang hotel sa New York. Dahil ba ito sa Negosyo na naman ng aking tunay na ama na sa kasalukuyan ay nasa Pilipinas? Malayo na ako sa buhay niya, bakit meron pang gusto manakit sa akin? Ilang oras ay dumating na si Patrick sa aming bahay at sinundo na ako. Nagpaalam na ako sa aking tita Nelly. “Tatawag ako palagi tita, make sure your mobile is always open, Okay? Mag ingat kayo habang na sa malayo ako.” Sabi ko sa kanya habang inilagay ni Patrick ang mga bagahe ko sa kanyang sasakyan. “dapat ako ang mag sabi sa iyo niyan, mag ingat ka palagi Michelle. This will be the first time na malalayo ka sa amin ng matagal,” tiningnan ni tita Nelly si Patrick sabay sabi, “ Patrick pag nalaman ko na sinasaktan mo ang pamangkin ko, humanda ka talaga sa akin. Alagaan mo ang nag iisa kong pamangkin kung di mo gusto putulin ko ang relasyon natin. Nagkaintindihan ba tayo, Patrick?” natatawa ako sa sinabi ni Tita habang si Patrick ay madaling nakasagot sa kanya. Kahit papaano alam ako na maging ligtas sila na nasa malayo ako. Ayaw ko na madamay pa sila sa problema ko. It was a long flight from New York to California. Habang nasa eroplano kami Patrick ay abala siya sa kanyang trabaho at nag imbestiga siya kung sino ang mga lalaki na gustong pumatay sa akin. Habang ako ay napatanong sa aking sarili kung ano ba ang nagawa ko at may mga taong may galit sa akin. Si Patrick ang kasama ko simula pa noong una. Hindi ko makalimutan ng una ko siyang nakilala. Pareho kami wala ng ina pero sa kaso niya ay maaga nawala ang kanyang mga magulang. Sa pagkakaalam ko ay tinulungan siya na aking tunay na ama na makapunta sa amerika para makapag-aral at dahil sa malapit ang aming pamilya mula noon pa ay naging panatag ang loob ng aking ama na kasama ko palagi si Patrick. Over protective si Patrick sa akin. Ewan ko ba kung ano siya sa buhay ko, para siyang kapatid o best friend ko sa mundong ito pero isa lang ang sigurado ako. Mapagkatiwalaan si Patrick sa lahat ng bagay. Dahil sa wala akong masyadong kaibigan sa states at si Patrick lang ang palaging nasasabihan ko sa aking mga problema simula pa noon hanggang ngayon. Ano ba ang kasalanan ko sa mundong ito bakit may gustong tumapos ng aking buhay? ------------------ Kyle POV Ilang oras ang nakalipas matapos kami mag surfing ng kaibigan ko ay bumalik ako sa tinitirhan ko. Tumawag ako sa kapatid ko na nasa Pilipinas ngayon. Siya lang ang sagot sa mga problema ko ngayon, ayoko pa sanang umuwi sa Pilipinas dahil alam ko na gusto ng mga magulang ko na mag settle down na at bumukod ng pamilya. Damn! Ayoko ko pang magbuo ng pamilya. Gusto ko muna i-enjoy ang buhay ko dito sa mundong ito at bukod pa doon ay may Negosyo akong kailangan I manage. “Hi there! Gising ka pa?” tanong ko sa kapatid ko na babae na nasa Pilipinas ngayon. “Obvious ba kung tulog ako?” kahit anong gawin ko ay may pagkasuplada itong kapatid ko pero kahit ganito siya ay mahal ko ito. Sa lahat ng tao na kinakakatakutan ko, ang aking ina at kapatid na babae lamang ang makakapigil sa akin. Sa aming pamilya, ang mga babae ang palaging nasusunod at ang commander in chief ng aming bahay. Kahit ang aking ama kay takot sa aking ina. Ewan ko ba, pag dating sa kanila ay natatakot ako pero sa ibang babae ay hindi naman. My family is my weakness. “Ba’t napatawag ka, kuya Andrew?” sabi ng kapatid ko. Kuya? Matagal na rin na hindi ko narinig ang salitang iyan galing sa bibig ng kapatid ko. “Wala lang na miss lang kita, bakit bawal ba tumawag sa kapatid ko?” sagot ko naman sa kanya pero alam ko na alam na niya kung ano ang pakay ko sa pagtawag. Kahit ganito lang ang kapatid ko ay matalas ang pag-iisip nito at kahit mga empleyado naming sa kompanya ay natatakot sa kanya. “I know you wanted something from me. Dalawa lang ang rason kung tatawagan moa ko. Kung di tungkol sa love life ko or tungkol na naman ito sa ating family business pero malakas ang kutob ko na tungkol ito sa negosyo, diba?” “At ‘wag mong sabihin na may boyfriend kana dahil kaya ko ipadala ang security team ko para makita lang lalaking iyan, and don’t let him hurt you if he wanted to have arms and feet? But anyways, I need your help. It’s about our business. Kailangan ko ang tulong mo ngayon.” Sa lahat ng bagay na ayaw ko ay saktan ang pamilya ko lalo na ang nag-iisa kong kapatid na babae. Gagawin ko ang lahat kung malalaman ko na may nanakit sa nag-iisang kapatid ko. Wala akong sinasanto pag sinasaktan ang mga babae lalo na ang mga babae sa aming pamilya. Ang pinaka ayaw ko sa isang lalake o sa tao ay ang mga walang respeto sa babae at ang mga walang galang. Masakit tingnan para sa akin na makikita ko na may nasasaktan na babae. “I know it! I know that you are calling me about our business. I heard about it. Gusto ni dad na umuwi ka sa Pilipinas para ikaw ang mag manage ng negosyo natin. So what’s your decision?” Kahit ako hindi ko alam kung ano ang dapat kung gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD