Michelle POV
Nakatira kami sa isang cabin house na si Patrick lang ang naka-aalam kung sino ang may-ari sa lugar. May tiwala ako kay Patrick at alam ko na ayaw niya akong mapahamak. Tinawagan ko ang tita Nelly ko at sinabi ko na ‘wag mag-alala at nakaabot na kami ni Patrick sa tinutuluyan namin. Ayaw ko sanang magsinungaling sa tita ko pero kailangan ko tong gawin hanggat hindi pa naming alam kung sino ang gustong magpapatay sa akin. Si Patrick ang naghanda ng aming haponan habang ako ay nakatitig lang sa labas malapit sa may bintana at nakatanaw ako sa City lights of California. Minsan napatanong ako sa sarili ko kung ano kaya ang buhay ko ngayon kung buhay pa ang aking ina? Mararanasan ko ba ang buhay na ito o mamumuhay ako na buo ang pamilya na kasama ang tunay kong ama na nasa Pilipinas ngayon para mag manage ng aming negosyo doon. Hindi ko namalayan na lumapit na pala si Patrick sa akin at binigyan ako ng tubig at sinabing,
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” pag ako lang mag-isa ay kahit ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Minsan nga ay napapaisip ko kung may past life, bakit ganito ang buhay ko ngayon na nagsusumikap para mamuhay ng normal gaya ng ibang babae. Bata pa lang ako ay sinabi na nag aking tita kung ano ang tunay na buhay ko. Marami akong katanungan noon at nagpapasalamat ako sa tita ko na siyang nagpalaki sa akin mula noong una hanggang ngayon kaya alalang-alala ako ng malaman ko tungkol sa mga taong gustong tumapos ng buhay ko. Ayaw kong madamay ang tita ko sa isang bagay na wala akong ka alam-alam kung bakit may gustong pumatay sa akin. Dahil ba sa negosyu ng ama ko sa Pilipinas? Habang nakatingin ako sa labas ay sinagot ko si Patrick,
“Alam mo ba na minsan naisip ko na sana maging okay na ang lahat para matapos na ang pagtatago ko. Hindi ko alam kung bakit may gustong tumapos ng buhay ko. Malayo na ako sa totoong buhay ko pero bakit ganito pa ang nangyari?” sagot ko sa kanya, tapos binigyan niya ako ng mainit na yakap sabay sabi.
“Huwag kang mag-alala. Ginagawa ko ang lahat para malaman kung sino ang may utak nito. Hindi ako makapapayag na may magtangka sa buhay mo or may mga taong magpasakit sa iyo. Dadaan muna sila sa mga kamay ko bago ka nila saktan.” Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Patrick ito. Problema ko to pero nasa tabi ko siya palagi para tulungan ako. Ewan ko ba parang alam na alam niya ang buhay ko pero yeah! Alam na alam niya ang buhay ko dahil simula ng bata pa kami ay siya na ang nag-iisang kaibigan ko simula noon una pa. Nakilala ko siya noong akoy 13 taong gulang pa lang. Ang pagkaka-alam ko ay wala na siyang pamilya at isa siya sa scholar ng aking ama simula pa noong una. Nalaman ko ang lahat ng naging tapat si Patrick sa aking mula pa noong una. Pareho kaming maagang naulila sa pamilya pero sa kaso ko ay malayo lang ako sa tunay kung ama habang siya ay nag-iisa nalang sa mundong ito. Kaya tinuring na rin ng tita ko si Patrick na parang tunay niyang anak.
“Ayoko sanang mag-sinungaling kina tita pero ayaw ko silang mag-alala hanggat hindi pa natin alam kung ano ang dahilan ng mga tao na yun at gusto akong patayin. Natatakot akong madamay sina tita sa nangyari sa akin.” Batid ko sa kanya at nakikita ko sa mga mata ni Patrick na seryuso siya sa mga sinasabi niya sa akin.
“Andito lang ako para sa inyo, lalo na sa iyo, Michelle. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para protektahan ka lang” Ewan ko ba pero minsan naiisip ko na may pagtingin si Patrick sa akin. May mga panahon na may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. Ako lang ba ang umaasa na may pagtingin siya sa akin o umaasa lang ako sa wala? Paano kung meron siyang naramdaman na mahigit pa sa aming pagkakaibigan? Kaya ko ba na mahalin siya? Dahil sa naramdaman ko ngayon ay naguguluhan din ako kung mahal ko ba siya higit sa aming pagkakaibigan or dahil wala na akong makikitang iba maliban sa kanya? Sabi ng tita ko na huwag sayangin ang aking panahon sa mundong ito at huwag nalang puro trabaho at mag enjoy daw ako. You Only Live Once, yan ang sabi nila. Dapat daw mag enjoy habang nabubuhay pa dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw. Pero ang naramdaman ko para sa kanya ay bilang kaibigan lamang simula pa noong una. Naaalala ko pa noong nasa high school pa kami ni Patrick ay may sinabi siya sa akin “ikaw lang ang babaeng pinapangarap ko”, sa pagkakatanda ko ay lasing siya noon. Yun ang first time na nakikita ko siyang lasing, ang bata pa namin noon, well, technically teenage years. Minsan matigas ulo naming kaya siguro palagi kaming grounded dahil sa mga kakulitan namin. Marami akong natotonan kay Patrick, ang mamuhay in order to survive in this cruel world. Ilang minute ang nakalipas matapos kaming mag-usap ni Patrick ay naluto na ang kanyang hinandang haponan naming.
“Dinner is ready, my princess. Let dig in” hindi lang magaling sa trabaho si Patrick pero masarap siya magluto. Sa gabing ito ay lutong Pinoy nanaman ang handa niya. Kahit nasa states kami ay hindi naming nakakalimutang Kumain ng Asian food lalo na ang Pinoy food, kay sarap talaga nito. Paminsan-minsan ay kumakain kami ng pasta pero rice is life sa bahay ng mga Pilipino kaya hindi mawawala ang rice sa aming bahay. Comfort food na namin ang mga lutong pinoy kahit anong pagod namin sa trabaho o pag kami ay stress ay hanap-hanap namin ang mga pagkaing Pinoy. Ito na ang kinalakihan namin.
“Ang dami naman nito, tayo lang dalawa ang kakain pero parang pang fiesta ang handa mo, Patrick” tumingin siya sa akin sabay binigyan niya ako ng sinigang soup sabay sabing,
“Alam ko na malakas ka kumain, ang kain mo ay parang hindi pang babae.” Tawang-tawa siya ng sinabi niya sa akin na para akong lalakeng kumain. Tama naman siya na para akong lalake kung kumain. Ay naku, dapat lang dahil I need energy for work pero ewan ko ba bakit kami nagtatago sa mga taong iyon. Alam naming wala naman kaming kasalanan.
“uo na, alam ko na malakas akong kumain sir. Pasensya na po kung may kasama kang dinasour kung kumain. Idea mo to so pag tiyagaan mo ako sa pagkain. HAHAHA” pabiro kung sab isa kanya at patuloy kaming kumain ng haponan at nag-usap ng kahit ano-ano nalang para hindi ma bored. Hay nako buhay!
----------------------
Kyle POV
Pagkatapos naming magkausap ng aking nakakabatang kapatid na babae ay pumunta ako sa home office ko para mag check sa mga agenda ko for this week. Ayoko pang bumalik sa Pilipinas, Maganda ang takbo ng negosyu ko dito sa states at masaya ako habang nandito ako though there are times that I feel sad and I miss my family lalo na ang aking kapatid na babae. May mga oras na nag-aalala ako sa kanya lalo na pagmay mga lalaking naka-aligid sa kanya. I even sent my elite bodyguards para lang protektahan ang pamilya ko lalo na ang kapatid ko na babae. Habang nagbabasa ako ng email ay nakuha sa attention ko isang email galing sa aking secretary. Isa ito sa mga email na hinihintay ko, inutusan ko siya na maghanap ng isang private property sa California na malayo sa city at may magandang tanawin. Gusto ko gumawa ng isang rest house or safe house sa lugar. Investment na din ko to. Napansin ko na naging busy na ako this week. From Hawaii to New York, pagkatanggap ko sa email ng secretary ko ay agad ko sinabi sa kanya na pupuntahan ko ang lugar para personal na makita ang area at ma survey kung ano ang dapat or magandang gawin sa lugar. Agad ko tinawagan ang secretary ko para mag book ng flight papuntang California. Kahit may private jet ako ay gusto kung mag travel ng commercial flight ewan ko ba pero feel ko lang mag commercial flight sa ngayon.
“Hey! I need to check the place. I need earliest flight this Monday.” Sabi ko sa kanya then tanong niya,
“which jet you want to use this time sir?”
“No, book me a commercial flight. Business class.”
“But—”
“Just do what I say. Gusto kung mag commercial flight. Let our pilot rest. Don’t forget that I have my bodyguards with me. Send me the details. ASAP”
Walang magawa ang aking secretary kundi sundin ang gusto ko. It has been a while na mag-tatravel ng commercial flight. Simula pa noong una ay palagi kaming nag-tatravel gamit ang private jet namin o company’s plane. Pero ‘di ko inaasahan na ang pagpunta ko sa California ay magdadala ng kaibahan sa aking buhay. After 30 minutes ay nakatanggap na ako ng email galing sa aking secretary.