4 - Handa Na Ba Para Sa Isang Sanggol?

1556 Words
SOPHIA Nakabalik si James nang malapit ng magtanghalian. Mukhang hinalughog nito ang lahat ng mall na malapit sa lugar kung saan nakatayo ang bahay ng ama ni Sophia. Pagpasok nito sa loob ng bahay ay hinanap kaagad nito si Sophia. Natagpuan ni James na nakasandal sa hamba ng pinto habang nakatingin sa mga katulong na naghahanda na ng kakainin nila. May biglang tunog ng plastic ang narinig niya mula sa gilid ng pisngi niya. Halos ipagduldulan pa. Humarap siya at dumating na pala si James dala-dala ang pinabili niya. "Mabuti at nahanap mo 'to." "Hinanap ko sa lahat ng mall na malapit. Mabuti na lang at may isang mall na meron pa niyan." Ngumiti siya. "Wow ang galing naman, pa kiss nga." Ngumuso siya, pero hinarang lang nito ang malapad na kamay. "Maligo ka na at malapit ng magtanghalian." May inabot pa itong isang paper bag. "Ano 'to?" "Dress 'yan. Suotin mo pagkatapos mong maligo." Tila may kulang sa binili nito. "Panty at bra. Bakit hindi ka bumuli?" Pinanlakihan siya nito ng mata. "Ano? Bakit hindi ka rin bumili? Maliligo ako tapos uulitin ko yung suot kong bra at..." Tinakpan nito ang bibig niya at nilayo sa kusina. Nang inalis na nito ang kamay ay nanermon naman. "Wala ka ba talagang hiya? Nakikita mo naman na may katulong doon tapos magsasalita ka ng ganun." "Ano naman? Alam naman nilang mag-asawa tayo." "Kahit na." "Pero bakit hindi ka nga bumili ng... " "Nandiyan sa loob. Nakatago sa dress mismo." Binuklat naman niya ito at kinuha. Niladlad pa niya ang panty habang nakaharap kay James. "Ano ba!" Patay malisya namang binaba niya. "Tinitingnan ko lang kung size ko ang nabili mo, pero ang galing pati size ng bra ko alam mo." "Maligo ka na nga do'n. Nag-uumpisa na naman ang bibig mo." Tinulak pa siya nito hanggang sa banyo. Ito pa ang nagbukas ng pinto, at nang nakapasok siya ay sabay pabagsak na sinarado ang pinto. "Grabe naman. Galit ba siya sa pinutan? Laging binabagsak e." Pinatong niya ang gamot malapit sa sink maging ang paper bag. May towel naman dito kaya okay lang. Binasa niya muna ang katawan bago naglagay ng remover sa buong katawan. Habang hinihintay niya ang 30 minutes ay humarap siya sa salamin na kita ang kalahati niyang katawan na walang saplot, at nagsasayaw doon. Nang lumipas na ang 30 minutes ay binanlawan na niya ito. Kulay chocolate ang umaagos ngayon sa tiles ng banyo, unti-unti na ring nagpapakita ang tunay niyang kulay. Maputi ang lahi nila, parehas na maputi ang dady at mommy niya. Pagkatapos ay humarap siya muli sa salamin, at nanibago pa sa itsura. Pag naglalagay siya ng cream ay hindi na siya humaharap sa salamin kaya hindi na rin niya kabisado ang itsura niya sa totoo niyang kulay. Ngayon habang pinagmamasdan niya ang mukha sa salamin ay parang hindi tuloy siya. Nagpatuloy siya sa paliligo, at pagkatapos ay kinuha niya ang paper bag. Kulay light brown ang dress, walang manggas, at bahagyang nakalobo ang parang palda nito. Ano ba 'tong si James, parang pambata pa ang biniling dress? Sinuot na rin niya at humarap sa salamin, ayos naman parang bumata pa siya ng suot niya ito. Habang pinapatuyo ang buhok na sobrang haba ay lumabas na siya ng banyo. Walang suklay sa loob, dahil sa banyo lang sa mga kwarto meron no'n. Umupo siya sa pasilyo malapit sa banyo at tinuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Ginamit na lang niya ang kamay para magsuklay at okay naman. Binalik niya ulit ang towel sa banyo at naglakad na patungo sa sala kung nasaan si James. Walang manners siyang naupo habang ang mga kamay ay nakadipa sa likod ng sofa. Lumingon sa kanya si James at napakunot ang noo. "Bakit?" Tumitig lang ito sa kanya ng matagal, bago umiwas ng tingin. "Parang ibang tao ka tuloy." "Ako rin hindi ko nakilala ang sarili ko e." "Siguro ay pinagpatuloy mong ilagay ang cream na 'yon sa loob ng dalawang taon." "Oo, kaya hindi ko na alam ang kulay ng balat ko at ang itsura ko sa tunay kong balat." Tumayo ito. "Halika na sa kwarto ng dady mo para makita ka na niya... again." Tumayo na din siya at inayos sandali ang dress na hanggang kalahati lang ng hita niya. "Hindi mo ba alam na large na ang dress ko? Pang teenager lang 'to e." Tumingin ito sa dress na suot niya. "'Yan na lang kasi ang magandang dress do'n, kaya kahit maliit ay binili ko na." Naningkit ang mata niya. "May taste ka pala sa mga damit ng babae." "Nagtanong lang ako sa saleslady doon." "Sus kunwari ka pa." "Huwag mo kong umpisahan, Sohia. Maglakad ka na papunta ng kwarto ni dad. Gutom na ako." Umirap siya at lumakad na papunta sa kwarto ni daddy. Nandoon pa rin ito sa tumba-tumba at mukhang hindi man lang gumalaw doon. "Dady!" Mabilis na lumingon ito at nang nakita siya ay sinusubukan nitong tumayo sa tumba-tumba nito. Lumapit naman siya at inalalayan ito. "Anak... na miss kita. Saan ka ba kasi nagpunta?" Niyakap siya nito ng mahigpit at alam niyang umiiyak ito. "Nagbakasyon dad." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Nang dalawang taon?" "Yes dad, para sulit. Ginawa ko na ring bahay yung tinuluyan ko." "Ikaw talagang bata ka. Aatakin ako sayo sa puso dahil bigla ka na lang nawala." "I'm sorry dad. Hindi na ako aalis kahit araw-araw mo pa akong makita at pag-ayaw mo na ay hindi puwede dahil magpapakita pa rin ako kahit sa panaginip mo." Tumawa ito at umangkla sa braso niya. "Malulungkot ulit si dady pag umalis ka." Maliit siyang napangiti at hinalikan ito sa noo. "No, dad. Hindi na ako aalis kailanman." Habang si James ay nakatanaw lang sa dalawa. "Tara na dad. Kain na tayo." Habang nakangiti ay sumagot ito. "Tara. Masarap ang kain ko nito dahil nandito ka na." Parehas silang naglalakad ngayon paalis ng kwarto. Mabagal na ang paglalakad ng dad niya dahil may edad na nga, maputi na rin ang buhok, pero hindi pa rin ito gumagamit ng tungkod. Inupo niya ang daddy niya sa dulo ng lamesa at siya naman ay sa gilid maging si James ay sa tabi niya naupo. Tiningnan isa-isa ni dad ang nasa lamesa. Napahinto ito sa isang ulam, ang kaldereta. "Gusto ko ito. Ito ang paborito kong ulam." Nakangiti siyang nagsandok ng kaldereta pati na rin ang kanin sa plato ng daddy niya. Bago siya kumain ay pinagmasdan muna niya ang ito kung paano kumain. Magana pa rin naman kahit bago pa siya umalis noon. "Masarap?" Tumango ito. "Ako ang nagluto niyan." Tila nagulat pa ito. "Talaga? Hindi ka naman marunong magluto 'di ba?" Napangiti siya at nagsimula na ring kumuha ng kanin. "Natutunan ko dad nang nawala ako." "Hindi ko alam kung masama o mabuti nang nawala ka, may natutunan ka kasi kahit paano." "Meron naman talaga akong alam dad. Hindi ko lang ginagamit." "Pero mas may natutunan ka ng nawala ka." Nagkibit-balikat siya at nagsimula na ring kumain. Lahat ng ulam na nadoon ay kinuha niya at nilagay sa plato, kaya punong-puno kasama ang kanin. "Sophia, kaya mo bang ubusin 'yan? Dapat ay mamaya ka na lang kumuha ng ibang ulam." Biglang saad ni James. "Kaya ko 'tong ubusin kahit 'yang nasa plato mo." "Hindi ka ba takot tumaba?" Habang ngumunguya ay umiling siya. "Kung ganun ay puwede ka na ring magbuntis." Ani ng dady, kaya ang balak niyang pagkagat ng chicken ay hindi na niya tinuloy muna. Binaba niya ito sa plato at tumingin sa dady niya "Dad, wala pa kami do'n." "Pero ang tagal niyo na ring kasal, mag-three years na rin. Bigyan niyo naman ako ng apo habang nandito pa ako." Ito na naman sila mukhang mag-da-drama na naman ito. Kaya siya pumayag na magpakasal noon ay dahil sa patibong ng dady niya. Nagdrama ito noon na mabubuhay na lang ng ilang buwan, pero nakatakas na siya nang dalawang taon ay buhay pa rin ito. Nagpapasalamat siya doon, pero hindi siya natutuwa sa tuwing binibiro nito ang buhay. "Dad, huwag kang magsasalita ng tungkol sa buhay ha. Okay na ako na ginawa mo noon, pero huwag mo ng ulitin." "Hindi naman ako mag-da-drama. Sinasabi ko lang ang totoo." "Dad." Warning niya dito. Nagsalita si James. "Sa ngayon po dad hindi pa po namin naiisip na magkaroon ng anak. Hayaan mo dad pag meron na sasabihin ko kaagad." Kumunot ang noo niya at balak na sanang ratratin ito ng salita, pero nakaramdam siya ng sakit sa paa. Sumilip siya sa ibaba at nakita niyang nakatapak ang sapatos nito sa daliri niya mismo. Pambahay pa naman na tsinelas ang suot niya. "Basta ngayong ding taon na 'to ay subukan niyo ha." "Yes dad." Nagpatuloy kumain ang daddy niya, pero silang dalawa ni James ay nagtatagisan ng tingin. Kinurot niya ito sa leeg. "Akala mo hindi ako gaganti ha." Bulong niya. "Kumain ka na nga lang." Bumalik siya sa pagkain at inubos niya ang lahat ng nasa plato niya. Busog na busog tuloy siya, para tuloy tatlong buwan siyang buntis sa suot niya ngayon. Napansin iyon ni James kaya mambubwisit na naman. "Kita mo nga naman ang laki na ng tiyan mo hindi pa naman." Masama niya itong tiningnan at pilit na inaabot ang damit nito, pero lumalayo naman ito. Nahihirapan siya sa pagkilos sa sobrang kabusugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD