3 -Hindi Agad Nakilala

1519 Words
SOPHIA Kinabukasan nga ay nagpunta sila sa bahay ng ama ni Sophia, pero matigas talaga ang ulo niya dahil hindi pa rin niya tinatanggal ang nakalagay sa balat niya. Tumapat sila sa gate ng bahay ng daddy niya. Parang ngayon lang tuloy siya sa nakapunta rito dahil sa dalawang taon na hindi nagpakita at nagpunta dito. Bumaba sila sa kotse at nag-doorbell si James. May nagbukas na matandang katulong, kilala nito si James pero nang nalipat ang tingin nito sa kanya ay napakunot ang noo nito. "James, sino siya?" Lumingon naman si James sa kanya. "Siya po si Sophia ang anak po ni Don Grego." Naglakbay ang mata nito mula ulo hanggang paa niya. "Hindi siya 'yan. Nawawala pa rin si Sophia hanggang ngayon." Napangiti si James, pero pinandilatan lang niya ito ng mata. "Hi. Manang Rosa." Pinakatitigan siya ni Manang Rosa. Ang nag-alaga sa kanya simula pa noong bata siya. Biyuda na ito at walang naging anak, kaya alagang-alaga siya nito simula ng mamatay ang mommy niya. Nagsimulang mangilid ang luha nito nang ngumiti siya. "Hindi mapagkakaila, sa ngiti mong 'yan. Ikaw nga si Sophia." Lumapit ito at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you Yaya." Hinawakan nito ang mukha niya at parang naguguluhan sa itsura niya. "Pero bakit naging ganito ang balat mo? Masyado bang tirik ang araw kaya naging ganyan ang balat mo?" "Huwag ka ng magtaka sa kanya Manang Rosa. Kahit noon pa man ay kung ano ang magustuhang gwin ay gagawin niya kahit naiins na ang taong nakapaligid sa kanya." Lumingon si Manang Rosa kay James, kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Kailangan mo ng alisin 'yan, pero halina muna kayo sa loob. Sigurado akong magiging masaya ang daddy mo." Nauna na itong lumakad papasok, pero siya ay pumantay ng lakad kay James. Tinapakan ang sapatos nito at diniinan, umangat pa siya para mapunta ang bigat niya sa paa nito. "Aray... bakit ba?" "Huwag kang pabibo ha. Hindi porket kilala ka ni Manang Rosa ay kung ano-ano na ang sinasabi mo sa kanya." "Bakit totoo naman 'yon?" 'Lalo na kay daddy!" Ngumisi ito. "Sorry, mas malakas ako sa daddy mo." "Talaga ba? Puwes palit na lang tayo ng magulang." Napailing na lang ito at seryosong naglakad at iniwan siya. Pumasok siya sa loob, pero wala do'n si daddy. "Nasaan siya Manang Rosa?" "Nasa kwarto niya." Tumango siya. "Ako na lang po muna ang papasok sa kwarto niya." "Sige. Dito na kayo magtanghalian a, para sabay-sabay kayong kumain ng daddy mo." "Sige po." Umalis na ito at maglalakad na sana siya nang napahinto siya at lumingon kay James. Nabunggo pa ang noo niya dahil masyado itong malapit. "Napaka-laki ng space ng bahay, pero bakit ang lapit mo?" "Sumunod lang naman ako ng lumakad ka." "Kahit na, pero ako na lang ang pupunta do'n huwag ka ng sumama." "Bakit?" Hindi siya makapaniwalang tumingin sa mukha nito. "Moment namin 'yon ni daddy, tapos makiki-share ka pa." "Baka hindi ka kasi niya makilala." Tinaas niya ang kamay niya. "Ako ng bahala ro'n dito ka na lang muna. Kung gusto mo makipag-usap ka dito." Tinuro niya ang display ng dady niya na batong tao na kulay puti, Bago naglakad patungo sa kwato ng daddy niya. Hindi siya kumatok, pinihit lang niya ang seradura ng pinto at sumilip sa loob. Pero nang nakita niya ang daddy niya na naka-upo sa tumba-tumba nito ay tumulo ang luha niya dahil malayo ang tingin nito habang nakatingin sa labas ng balkonahe ng kwarto nito. Malungkot ang mga mata at damang-dama niya 'yon. Pumasok siya sa kwarto ng tahimik at sinarado ang pinto ng walang ingay. Hindi siya makapaglakad dahil nanghihina ang tuhod niya, Sa pinipigilang pagbuhos ng maraming luha ay napupunta ito sa buong katawan niya kaya nanghihina ito. Lumunok siya at sinubukan na tawagin ang daddy niya. Pabulong lang ang lumabas sa bibig niya. Muli siyang sumubok. "Daddy." Mukhang narinig naman nito dahil biglang kumunot ang noo, pero hindi lumingon dahil sa hinala niya ay baka nakaringgan lang nito kaya naririnig ang boses niya. "Nandito na... ako daddy." Malakas na iyon kaya sigurado siyang narinig na nito iyon. Bumuhos ang luha niya ng unti-unti itong lumingon sa kanya. Sa walang emosyon nitong mukha ay nakatitig lang ito sa kanya. "Sino ka?' Umurong ang luha niya sa sagot nito. Akala niya ay makikilala na siya kahit ganito ang itsura niya. Lumapit na lang siya dito at niyakap ito. "I miss you daddy. Kumusta ka ng wala ako?" Kumalas siya sa pagkakayakap, pero nakatitig lang ito sa kanya. "Bagong katulong ka dito?" Napangiwi siya. Lahat ng emosyon niya na pang drama ay nawala. Walang paalam siyang iniwan ito sa kwarto at pinuntahan si James sa sala. "James!' Lumingon naman ito kaagad. "Bakit?" Hinawakan niya ang laylayan ng suot nito at hinila, pero nabitawan din niya dahil hindi ito sumabay. "Bakit ba?" "Sumama ka kasi sa akin." "Bakit muna?" Hinawakan niya ulit ang laylayan ng suot nito at hinila ng paulit-ulit. "Hindi niya ako kilala kaya ikaw ang magpakilala sa akin." "Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi kong tanggalin mo na 'yang nasa balat mo, pero ano nakipagmatigasan ka pa sa akin kanina." "Ama ko siya dapat kahit anong itsura ko ay makikilala niya ako." "Matanda na siya Sophia, ulyanin na rin. Paano ka pa niya matatandaan kung binago mo ang sarili mo?" Napakamot na lang siya sa ulo habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa laylayan ng damit ni James. "Ang dami mo namang sinabi, kung naglalakad ka na ngayon, dapat alam na niyang bumalik na ako, 'di ba!" "Tsk. Taas kasi ng pride mo." Nagpahila na ito at pumasok ulit siya kasama si James. Mukhang naghihintay din ang daddy niya dahil ang paningin nito ay nasa pinto na nang pumasok sila sa loob. Napangiti ito ng makita si James. "James." "Hi, dad." "Mabuti at dinalaw mo ako ngayon. Naalala ko na naman si Sophia, kailan kaya natin siya mahahanap?' Napatingin sa kanya si James. "Nahanap ko na siya, dad." Tila sumigla ito ng nalaman iyon, magkahawak pa ang kamay na may makikitang excitement sa mukha nito. "Nasaan na, kasama mo?" Hinawakan siya ni James sa magkabilang braso at hinarap sa daddy niya. "Ito na po si Sophia." Tinitigan siya nito at umaasa na makikilala na siya sa tulong ni James, pero bumagsak ang balikat niya at bumubulong ng hindi na naman siya makilala nito. Napapatawa na lang si James sa likod niya. "Daddy naman, ako 'to si Sophia!" "Pasensya na iha, pero hindi kita anak." Tumingin ito kay James. "Ipakita mo na sa akin si Sophia, nasasabik na akong mayakap ang anak ko." "Sige dad pagbalik ko ay kasama ko na siya." Hinila siya ni James habang ang mukha niya ay nakabusangot na. Paglabas ng kwarto ay tila nagmamalaki pa si James sa kanya. "Ano? Sino ngayon ang pahiya sa ating dalawa? Nasa harap ka na ng dady mo hindi ka pa rin niya nakilala sa trip mo sa katawan mo. Now, humanap ka ng makakapagpatanggal diyan bago tayo kumain ng tanghalian dito." "Wala akong dala dito." "Kasi naman bakit hindi mo pa ginawa kanina. Bibili ako, saan ba mabibili 'yon?' "Sa ibang bansa." "Ano?!" Malakas na saad nito. "Joke lang kung makahiyaw ka naman, sa Skin Beaty Botique. Meron naman maraming branches 'yon sa mga mall." "Magkano?" "5,000 pesos, para sa isang maliit na bote. Isang gamitan lang, kay need mong bumili ng limang bote no'n." "What?! For twenty-five thousand pesos para lang matanggal 'yan!" "Barya lang 'yon sayo, kaya lumakad ka na, ang pangalan pala no'n ay Skincolor Remover." "Huwag ka na ulit gagamiti niyan a." "Oo hindi na." "Pag inulit mo pa 'yan manghihingi na ako ng pera sayo." Kumunot ang noo niya. "Aba'y bakit? May trabaho ako para hingan mo ako ng pera?" "Gusto mo bang maging secretary ko? Puwede naman, naghahanap kasi ako ng bagong secretary ngayon." "Anong gagawin ko do'n?" "Mag-aayos ng schedule ko, ikaw rin ang sasagot ng mga phone calls mula sa ibang kumpanya." Napangiwi siya. "Ayoko, mahirap." "Anong mahirap do'n? Mas mahirap pa ang ginagawa ko kaysa sa secretary." "Akala ko mas madali ang ginagawa mo dahil naka-upo ka lang naman sa upuan mo na umiikot." Lumakad ito ng ilang hakbang. "Aalis na ako hindi tayo matatapos sa sobrang daldal mo." Saka nagpatuloy hanggang sa makalabas ito ng bahay. Napaismid siya. "Paanong hindi magiging madaldal tanong siya ng tanong?" Pumunta na lang siya sa kusina. Hindi naman siya puwedeng bumalik sa kwarto ng daddy niya dahil hindi pa niya naalis ang nasa balat niya. Magluluto siya ng paboritong ulam ng daddy niya, ang kaldereta na maanghang. Nagulat pa nga si Manang Rosa nang mag-volunteer siyang magluto ng isang putahe ng ulam na kakainin nila sa tanghalian. Doon na rin siya magpapalipas ng oras habang hinihintay si James na dumating. Sa totoo lang mahirap hanapin ang liquid na remover na 'yon kaya bahala na kung mapagod si James kakahanap para mabili lang 'yon. Tuloy ligo na rin siya dahil mabaho ang liquid na 'yon, at hindi rin kaagad natatanggal, kailangan ng kalahating oras para siguradong lahat ay matanggal hanggang sa pinaka singit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD