Samara Simula ng dumating kami ni Akiro, buong durasyon nasa loob lang ako ng kwarto ko. Parang hindi ko kaya humarap kay James dahil pakiramdam ko ang kapal-kapal ng mukha ko. Hindi ko siya makuhang tingnan kanina dahil sa pagkahiya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya kanina ng makita ako. Pero iniisip ko rin, bakit ako mahihiya kung ako mismo ang nakatira dito sa bahay nina Lola! Siya nga dapat ang mahiya sa akin dahil kahit nasa akin ang susi, nagawa niya pa rin na pumasok. Hindi niya ba alam ang trespassing? At staka, talagang siya dapat ang mahiya dahil sa ginawa niya dito sa aking kwarto! Kung ano-ano na ang pinaggagawa ko dito sa loob ng aking kwarto. Nilinis ko lahat ng kalat na nakita ko dito at kahit malinis na ang buong kwarto ko, hindi pa rin ma-ampat ang inis

