bc

My Perfectly Imperfect Wife (by Zorah)

book_age18+
26
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
powerful
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Mahal na mahal kita. Gagawin ko lahat para mabigyan ka ng maayos na buhay. Ang puso at mga mata ko, walang ibang hahanapin kundi ikaw"Hindi mapigilan ni Erin ang maluha nang muli na namang mapanaginipan ang mga katagang binanggit ng kanyang asawa sa araw ng kanilang kasal. Masaya ang pagsasama nila ng asawang si Francis. Dalawang taon silang magkasintahan bago sila ikasal. Napaka perpekto nang kanyang buhay. Mayroon siyang supportive na pamilya. Mababait na nga in laws at higit sa lahat maalagang asawa. Hindi man marangya ang kanilang pamumuhay ay kontento sila at nagsikap para magkaroon ng maayos na buhay. Nadagdagan pa ang kanilang kasiyahan nang malamang siya ay nagdadalang tao makalupas lamang ng dalawang buwan pagtapos ng kasal. Pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa.Ngunit gumuho ang kanyang mundo nang makatanggap ng isang tawag sa isang hospital sa Bohol. Ayon sa kausap na nurse ay kasama daw si Francis sa mga naaksidente at kasalukuyang nasa malalang sitwasyon. Hirap man siya sa kanyang kalagayan dahil kabuwanan niya na ay pinilit niyang maka biyahe mula Manila papuntang Bohol. Dumating siya sa Hospital at kasalukuyang nasa operating room ang asawa. Lumabas ang doctor at ideneklarang wala na si Francis. Pakirandam niya ay saglit na tumigil ang puso niya sa pagtibok. Dumilim ang kanyang paligid at tuluyan na siyang nawalan ng malay.Makalipas ang tatlong taon, nakita niya ang pamilyar na mga mata. Ngunit ang tingin nito ay ibang iba sa naaalala niya. Walang emosyon at bahid ng pagmamahal.Ngunit ano ang gagawin niya kung ang nagmamay ari ng mga matang yon ay yayain siyang pakasalan?

chap-preview
Free preview
Proposal
It was our second year anniversary. Francis invited me for dinner. Gave me a bouquet of my favorite flower and ask me to watch the fireworks at the bay. How I love and appreciate this man. Being with him was the happiest days of my life. He is not rich like my other suitors back then, but he gave everything that he can to make me happiest girl. It was like a dream. He kneeled down, stretch his arm, holding a ring in his hand. Asking me to marry him. I cant contain the happiness. I am literally crying while saying "yes" to his proposal. Right now, all I know is, I am ready and I want to live the rest of my life with him. I love him so much. Nakangiti pa rin Erin habang isinusulat sa kanyang diary ang mga detalye ng proposal ng nobyong si Francis. Sobrang saya niya at kahit kailan ay ayaw niya malimutan ang mga sandaling iyon. Kaya isinulat niya iyon sa kanyang diary. She want to write their love story. Excited din siyang ikwento ito sa matalik na kaibigang si Leslie at syempre sa kanyang pamilya. Sa linggo na mamamanhikan ang pamilya ni Francis sakanila. Maging ang kanyang mga magulang ay napakasaya para sa kanilang dalawa. Noon pa man ay botong boto na ang kanyang ama at ina sa binata dahil sa napakabait nito at masikap pa sa buhay. Idagdag pa ang pisikal na anyo nito na talaga namang hindi matatawaran. Matangkad. Moreno. Gwapo. Madalas nga ito napagkakamalang artista dahil sa itsura nito. Si Erin naman sa isang banda ay napaka ganda ring dalaga. Maputi ang balat. Hanggang balikat ang buhok at may magandang hubog ng katawan. Dumating na nga ang araw ng linggo. Masayang nagkausap ang dalawang pamilya para sa kasal nina Francis at Erin. Napagkasunduan din na gaganapin ang kanilang kasal sa loob lamang ng apat na buwan. "Ma, Pa ihahatid ko lang po sila sa gate" wika ni Erin sa mga magulang matapos ang pamamanhikan. Magkahawak kamay pa silang naglalakad ni Francis patungo sa gate ng kanilang bahay habang kasunod ang mga magulang nito. "Pano Hija, mauna na kami. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin" nakangiting wika ni Dolor, ang ina ni Francis. "You're welcome po Tita. Ingat po kayo sa biyahe", tugon naman niya. "Erin anak, four months from now ikakasal na kayo ni Francis. Magsanay ka ng tawagin kaming Nanay at Tatay" wika naman ng ama nito. Nahihiya man ay sumang ayon na rin siya rito. "yes po Tay", magiliw na wika niya. Kinabukasan ay masaya niyang ikinwento ang lahat sa bestfriend na si Leslie. Inimbita niya rin ito para tumayong maid of honor niya sa kasal. Simula pagkabata ay magkaibigan na sila ni Leslie. Nag iisang anak lamang siya kaya napakasaya niya dahil nagkaroon siya ng kapatid na babae sa katauhan nito. Pag graduate nila sa kolehiyo ay hindi na sila napaghiwalay. Pumasok sila sa parehas na kumpanya at ngayon nga ay tatlong taon na silang nagta trabaho dito. "Girl, sobrang excited na ko sa wedding mo. Kailangan ko na mag diet. Kasi tingnan mo oh antaba ko na baka mapagkamalan pa kong mama mo don" natatawang wika nito. Palabiro ito kaya naman gustong gusto niya itong kausap. "Haha grabe naman sa magmumukang mama ko. Hindi ka naman mataba, payat lang talaga sila" tugon niya dito at parehas na nga silang humagalpak ng tawa. Bukod sa kanyang ina ay si Leslie ang naging katuwang niya sa pag aasikaso ng kasal. Mula sa pagkuha ng mga requirements, pagbili ng gown at paghahanap ng magandang venue ay hindi siya pinabayaan ng kaibigan. Nag uumapaw sa saya ang kanyang puso dahil pakiramdam niya ay ibinigay na yata ni Lord sa kanya ang lahat ng pinaka mabubuting tao sa mundo. Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinakahihintay nilang kasal. Malalapit na mga kaibigan, pamilya, konting mga katrabaho at kamag anak lamang ang inimbita nila. Hindi ganon ka garbo ngunit maganda ang lugar na napili nila. Napili nilang gawin ang kasal sa isang private resort. Umaga ang oras ng kasal at maaari mag stay ang mga bisita sa resort para mag swimming at mag bonding. Simple ngunit ito ang pinaka masayang araw sa buhay ni Erin. Sa isang private room ng resort ay nakaupo siya sa kama. Pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin matapos ayusan ng kanyang make-up artist. Totoo ngang napaka ganda niya. Suot niya ang puting wedding gown na saktong sakto sa hubog ng kanyang katawan. Hindi pa rin siya makapaniwala na mangyayari na ngayon ang pinangarap niya simula pagkabata, ang maikasal sa lalaking mahal niya. Pagtapos ng mahihinang katok ay bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang kanyang ina na may bitbit na isang box. Naupo ito sa tabi niya habang nakangiting nakatitig sakanya. Pansin rin na nangingilid ang luha nito. "Anak, napaka ganda mo. Sobrang saya ko para sayo. Mula pagkabata mo ay wala na akong ibang hiniling kundi magkaroon ka ng maayos na buhay sa hinaharap. Kasama na doon ang makahanap ka ng tamang lalaking mamahalin ka. Masaya ako at matutupad na yon." pinipigil nito ang pagluha habang nagsasalita. Iniabot naman sakanya ng ina ang box na naglalaman ng jewelry set. "Sinuot ko yan nung kinasal kami ng papa mo. Ngayon, gusto kong ibigay yan sayo" nakangiting wika pa nito at isinuot sakanya ang kwintas at hikaw. "Mama, masisira po yung make-up ko bakit mo ko pinapaiyak" parang batang wika niya sa ina. Niyakap naman siya ng mahigpit nito. "Anak kahit may asawa ka na ikaw pa rin ang baby girl namin ng papa mo ha, wag mo kakalimutan" Naputol naman ang kanilang moment ng pumasok si Leslie sa kwarto. "Bessy, momshie, mamaya na kayo mag yakapan. Tinatawag na po tayo sa baba. Magsisimula na ang perfect moment Bessy" excited na wika ng kaibigan. Nangingiti naman sila ng kanyang ina habang nakikinig dito. At tuluyan na nga silang lumabas ng silid. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ng ina habang naglalakad pababa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook