The Wedding

1015 Words
Here we stand today Like we always dreamed Starting out our live together Light is in your eyes Love is in our hearts I can't believe you really mine forever Been rehearsin' for this moment all my life So don't act surprise If the feelings starts to carry me away On this day I promise forever On this day I surrender my heart Here I stand, take my hand And I will honor every word that I say On this day Hindi mapigilan ni Erin ang lumuha habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Francis. Tila ba wala na siyang nakikitang ibang tao maliban sa lalaking papakasalan niya. At ang musika na lamang bukod sa t***k nang kanyang puso ang naririnig niya. "Erin, mahal na mahal kita. I promise to give you the life you deserve and all the good things in the world. I promise to be with you for the rest of my life. I promise to be a loving husband and a responsible father. Erin, hindi ko alam anong nagawa kong mabuti sa buhay ko para ibigay ka ng Diyos sakin. Pero nangangako ako sakanya na aalagaan kita. At makakaasa ka na itong puso ko at ang mga mata ko, walang ibang hahanapin kundi ikaw lang" Sobrang saya ni Erin habang pinapakinggan ang wedding vows ng asawa. Napaka swerte niya para mahalin nito ng sobra. "You may now kiss your bride...." wika ni Father. Masaya ang naging pagsasama nila Erin at Francis. Nagulat pa siya ng malaman na nakabili na pala ito ng bahay at lupa para sakanila. Hangang hanga siya sa asawa. Matalino, masipag at napaka madiskarte nito sa buhay. Hindi ito lumaki sa mayamang pamilya ngunit maganda ang pagpapalaking ginawa ng mga magulang nito sakanya. Tinuruan siyang maging mabuting tao at maging masinop. Isang 50sqm 2 storey house ang nabili ni Francis. Simula daw ng sagutin niya ito noong nanliligaw pa ay nagsimula na itong mag ipon. Bukod sa regular na sahod sa trabaho ay nag sideline din ito para sa dagdag na kita. At nang tuluyan niya na nga mabili ang bahay ay saka na siya nag propose sa nobya. Gustong gusto ni Erin ang bago nilang tahanan. May mga kagamitan na ito kaya nang matapos ang kanilang kasal ay dito na sila dumiretso. Pinuno nila nang pagmamahalan ang buong kabahayan. Halos gabi gabi ay nasa honey moon stage sila. Tila ba hindi sila nagsasawa na gawin yon araw araw. Makalipas ang dalawang buwan ay may kakaiba sa pakiramdam ni Erin. Madalas siya nahihilo at may mga pagkain na hindi niya gusto ang amoy na dati naman ay kinakain niya. "Bessy bakit parang namumutla ka?" tanong ni Leslie. "Pagod lang siguro bessy, alam mo naman medyo malayo na yung biyahe ko ngayon. Traffic pa. Ang hirap mag commute." sagot niya sa kaibigan. Nasa Caloocan ang office nila. Kung dati ay 30mins lamang ang kanyang biyahe ngayon ay inaabot na ito ng halos dalawang oras dahil sa Pasig na nag kanilang bagong bahay. "Haay nako bessy ako yung nahihirapan sayo. Ikaw lang sa lahat ng bagong kasal ang mukang maputla. Tara na nga kumain na tayo" Nagpunta sila sa canteen ng kumpanya para mananghalian. Habang naglalakad ay naaamoy niya na ang ibat-ibang klaseng ulam sa canteen. Hindi niya maipaliwanag ngunit tila bumabaliktad ang kanyang tiyan sa amoy ng adobo na kasalukuyang niluluto ng canteen personnel. Tinakpan niya ang kanyang bibig at patakbong nagtungo sa banyo. Sinundan naman siya ng kaibigan dahil nagtataka ito sa mga ikinikilos niya. Nang makahanap siya ng bukas na cubicle ay hindi niya na nagawa pang isara ang pinto ay tuluyan na siyang nagsuka. Nilapitan naman siya ni Leslie at marahang hinagod ang kanyang likod. Tinitingnan niya ang kanyang sarili sa harapan ng salamin sa CR. Maputla siya at mukang nabawasan ng timbang. Nitong mga nakaraang araw kasi ay tila nawawalan siya ng gana kumain. Madalas din siyang nahihilo at nagsusuka sa umaga. "Bessy, ok ka lang ba? Nag inom ka ba bago pumasok? Ano yan hangover?" "Grabe naman sa nag inom bago pumasok. Hindi ko lang nagustuhan yung amoy nung adobo sa canteen" tugon niya dito. "Girl, paborito mo yun diba? OMG" nanlalaki ang mga matang tiningnan siya nito. "Bessy kailan ka huling nagkaroon? Nag try ka na ba mag PT? Natulala naman siya sa tanong ng kaibigan. Andaming nagbago sa kanyang katawan nitong mga nakaraang araw. Ngunit hindi sumagi sa isip niya na buntis siya lalo at hindi pa naman nila iyon napapag usapan ni Francis. "Girl, ano sumagot ka.." nag iintay pa rin sa sagot niya si Leslie. "Bessy, baka nga, two weeks na kong delay" Mahinang tili naman ang pinakawalan ng kaibigan. Mukang mas excited pa ito kaysa sakanya. "OMG OMG Bessy, malapit na ba ko maging titang ina? Gusto ko ng baby girl" "Ano ka ba, hindi pa naman confirmed" "Well in that case iko confirm natin yan. Pero kumain muna tayo. Baka gutom na si baby kasi ako gutom na eh" natatawang wika ng kanyang kaibigan. Matapos nilang kumain ay sinamahan siya nito sa Company Clinic. Binigyan siya ng nurse ng Pregnancy Test. Dalawang linya ang lumabas sa PT. Maging ang nurse ay na excite rin. Pinayuhan siya nito na magpa check agad sa OB para malaman kung ilang weeks na ang baby. Sinabihan naman siya nito na covered ng kanilang health card ang mga check-up, laboratory at hanggang 50% ng expenses sa panganganak. Tila naman siya nabunutan ng tinik dahil aware naman siya na magastos ang mabuntis. Based na rin sa kwento ng ilan niyang pinsan. Mabuti na lamang at considerate ang kumpanyang pinapasukan niya para icover ang mga expenses. Inilagay niya sa kanyang bag ang PT at nagpaalam na sa nurse. Pagtapos ng oras ng trabaho ay masaya siyang umuwi nang kanilang bahay para ibalita kay Francis ang kanyang pagda dalang tao. Hindi niya mapigilang haplusin ang kanyang tiyan lalot alam niyang may munti nang buhay sa loob nito. Ngayon pa lang ay sobra sobra na ang kanyang kasiyahan. Sa puso niya ay paulit ulit siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil pakiwari niya ay lahat ng mabuti ay nasakanya na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD