Masaya niyang ibinahagi sa asawa ang kanyang pagbu buntis. Napag pasyahan naman nila na magpa tingin agad sa OB Gyne kinabukasan para malaman ang lagay ng baby.
Napag alaman nila na five weeks pregnant na siya. Normal naman daw ang lahat. Niresetahan din siya nang kanyang OB ng mga vitamins at gatas na mainam para sa buntis.
Pag uwi nila sa bahay ay masaya nilang tinawagan ang kanilang mga pamilya para ibahagi ang magandang balita. Lahat ay masaya at excited nang malamang buntis na siya. Lalo na ang kanyang mga magulang. Siya lamang kasi ang baby na naalagaan ng mga ito kaya naman sobra sobra ang kanilang saya dahil sa wakas ay magkaka apo na sila.
Nag file na si Erin ng maternity leave. In two weeks ay pwede na siyang manganak. Lalaki ang kanilang magiging anak ni Francis. Excited ito at gusto daw niya itong gawing junior.
Kinagabihan ay nakatanggap ng tawag si Francis mula sa kanyang trabaho. Nagka problema sa construction site ng kumpanyang kanyang pinapasukan kaya kailangan niyang magpunta sa Bohol. Ayaw man niyang iwan si Erin dahil kabuwanan na nito ngunit wala naman siyang magagawa.
"Honey bakit? May problema ba?" malambing na tanong ni Erin sa asawa.
"Nagka problema yung construction site sa Bohol. Kailangan ko magpunta doon sa makalawa, hinihintay ko nalang ticket. Im sorry honey" paliwanag nito.
"Hon, hindi ba pwedeng iba nalang? Ayoko naman manganak nang wala ka sa tabi ko. Unang baby natin to" tila gusto niya nang magtampo sa mister.
"Honey promise, sisikapin kong makabalik agad. Gusto kong nandon ako pag lumabas si junior. Gusto kong hawak ko ang kamay mo habang nanganganak ka"
At dinampian siya nito ng halik sa noo. Sa mga sinabi ng asawa ay napanatag naman siya.
Napagkasunduan nila na babalik pansamantala si Erin sa kanyang mga magulang habang wala si Francis. Mas mainam daw ito para ano mang mangyari ay may kasama siya. Kahit si Leslie ay tinawagan rin ni Francis para ibilin ang asawa.
"Honey, ang OA mo naman magbilin. Nasa Pilipinas ka pa rin hindi ka naman mag a abroad" natatawang wika niya dito.
"Gusto ko, maraming taong nakapaligid sayo lalo't wala ako"
May kirot siyang naramdaman sa mga sinabi ng asawa. Tila ba hindi na ito babalik. Ngunit sinaway niya ang kanyang isipan at pinilit na ngumiti. Ayaw niyang mag alala si Francis habang malayo ito sakanya.
Dalawang araw nang wala ang kanyang asawa ngunit hindi naman ito nakakalimot na tawagan siya. Pag gising palang sa umaga ay nagte text na ito sakanya. Kapag break time sa trabaho hanggang sa bago sila matulog. Napaka sweet ni Francis sakanya. Ayaw nitong mangulila siya.
Tanghali na ngunit wala manlang siyang nareceive na tawag o text sa asawa. Inisip niya lang na baka busy ito. Nag send na lamang siya ng message dito para ipa alala na huwag kalimutang kumain. Sandali pa siyang naghintay ng reply nito ngunit nang walang nakuhang sagot at ginawa niya na lamang abala ang kanyang sarili. Sinimulan niya na ayusin ang mga gamit na dadalhin niya sa hospital kapag siya ay manganganak na. Gusto niyang organize na ang lahat dahil ayaw niyang mahirapan pa ang kanyang ina sa paghahanda ng mga ito para sakanya.
Kinagabihan ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Francis ang tumatawag kaya masaya niyang sinagot ang tawag.
"Hello honey! kamusta?kumain ka na ba?" sunod sunod na tanong niya sa kabilang linya. Ngunit nagulat naman siya na boses ng isang babae ang sumagot.
"Hello. Kayo po ba si Mrs. Erin Sandoval? This is from BMC Hospital. Maam Im sorry to tell na kasama po si Mr. Francis Sandoval sa mga naaksidente sa nangyaring banggaan ng mga sasakyan kanina. We suggest na magpunta po kayo agad dito dahil kritikal ang mister nyo at kailangan na namin agad operahan" wika ng nurse sa kabilang linya.
Natulala naman si Erin sa balitang narinig. Hindi niya mapaniwalaan ang mga nangyayari.
"Hello maam andyan pa po ba kayo?"
"Hello, please huwag nyo po pababayaan ang asawa ko. Gawin nyo lahat para gumaling siya parang awa nyo na" basag na ang kanyang boses dahil sa pag iyak.
Nagmamadali naman nagpunta ang kanyang mga magulang sa kanyang silid nang marinig ang malakas niyang pag iyak. Ikinwento niya sa mga ito ang nangyari at nangako naman ang kanyang papa na gagawa ng paraan para makapag byahe sila agad patungo kay Francis.
Hapon na nang dumating sila sa Bohol. Dumiretso sila sa Hospital na binanggit ng nurse. Napag alaman niya na kasalukuyan nang inooperahan ang kanyang asawa. Nagulat pa ang nurse na kanyang nakausap nang makitang malaki na ang kanyang tiyan. Pilit siya nitong pinakalma at ibinahagi ang nangyari. Nawalan daw ng preno ang isang truck na may dalang mga bakal at sumalpok sa ilang sasakyan kabilang ang kotseng sinasakyan ng kanyang mister. Nagtamo ito ng maraming sugat ngunit malala ang tinamo nitong pinsala sa ulo.
Bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas ang isang doctor. Saglit na natulala pa ito nang malamang siya ang asawa. Bakas dito ang pag aalinlangan noong una ngunit sinabi na rin sakanila ang masamang balita.
"Im sorry misis. We did our best pero malala ang impact sa ulo ng pasyente. Hindi niya po kinaya. Please accept our condolences"
Tulala si Erin.Tila nabingi siya sa sinabi ng kausap. Unti unting pumatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Lumakas ang kanyang iyak habang isinisigaw ang pangalan ng asawa. Nilapitan naman siya ng kanyang mga magulang para pakalmahin. Dumilim ang kanyang paligid at tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.
Nagising na lamang siya na nakahiga siya sa kama ng hospital. Meron syang oxygen at dextrose. Ngunit ikinabigla niya dahil tila ba wala na ang umbok ng kanyang tiyan. Huli niyang naalala ay umiiyak siya dahil wala na ang kanyang asawa. Muling namuo ang luha sa kanyang mga mata. Maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto, pumasok ang kanyang ina kasunod ang nurse na may dalang baby.
Ipinaliwanag sa kanya ng kanyang ina na kinailangan niyang i emergency CS dahil dinugo siya habang umiiyak. Maayos namang nailabas ang bata.