2

862 Words
Ang liwanag ng Manila skyline mula sa penthouse ni Alexa ay madalas niyang titigan kapag hindi siya dalawin ng antok. Libo-libong ilaw—parang mga bituin na pinilit bumagsak sa lupa para lang paglingkuran siya. Pero sa likod ng marangyang buhay na ito, sa likod ng mga limited edition designer bags at ng titulong "Queen of the Runway," ay may mga sugat siyang pilit na ikinukubli ng kaniyang mamahaling concealer. Hindi naman siya laging ganito kaganid sa tagumpay. Minsan din siyang naging isang simpleng kolehiyala na ang tanging pangarap ay ang diploma at ang maipasyal ang kaniyang mga magulang gamit ang unang sahod. Pero ang lahat ng pangarap na iyon ay nagmistulang abo sa isang iglap noong second year college pa lang siya. Isang gabi ng malakas na ulan, habang seryoso siya sa pag-aaral para sa finals, isang tawag ang bumasag sa kaniyang mundo. Isang aksidente. Isang malagim na banggaan. Walang nakaligtas. "I'm sorry, Miss Sandoval. We did everything we could," ang mga salitang iyon ng doktor ang naging hudyat ng pagtatapos ng kaniyang pagkabata. Dahil wala silang ibang malapit na kamag-anak na handang tumulong—dahil sa mundong ito, ang malas ay tila nakakahawa—natagpuan ni Alexa ang sarili na walang matitirhan. Ang maliit na ipon ng kaniyang mga magulang ay nilamon ng mga utang at gastusin sa ospital. Mula sa isang masayang tahanan, napadpad siya sa isang masikip at amoy-amag na dormitoryo sa gilid ng Maynila. Ang kaisa-isa niyang kakampi? Ang sarili niya. "Alexandra, hindi ka pwedeng tumigil. Kapag huminto ka, kakainin ka ng mundong ito nang buhay," bulong niya sa kaniyang repleksyon sa isang maliit at basag na salamin sa banyo ng kaniyang dorm. Kahit nagluluksa, pinasok niya ang lahat ng trabaho. Naging waitress sa umaga, tutor sa gabi, at student-assistant sa unibersidad. Maraming gabi na kape lang ang laman ng kaniyang tiyan. Doon niya naramdaman ang lamig ng pakikitungo ng mga tao kapag wala kang pera—kapag wala kang silbi sa kanila. Nakita niya kung paano siya maliitin ng mga kaklase niyang mayayaman—ang mga babaeng may bagong bags habang siya ay butas ang suelas ng sapatos. "Look at her," bulong ng isang socialite sa campus. "Dati parang kung sino kung maka-asta, ngayon amoy araw na." Sa halip na umiyak, mas lalong tumigas ang kaniyang anyo. Tinaasan niya sila ng kilay. Hinding-hindi na ako magiging kaawa-awa, pangako niya sa sarili. Gagamitin niya ang tanging asset na iniwan sa kaniya ng tadhana: ang kaniyang pambihirang ganda at ang kaniyang matalas na talino. Isang gabi, habang naglalakad pauwi mula sa kaniyang shift sa isang café, may lumapit sa kaniyang fashion scout. "You have a face that could sell anything. Try modeling." Iyon ang naging simula ng kaniyang pag-akyat. Sa simula, madugo. Ang mga casting call ay puno ng mga babaeng mas may karanasan at mas may koneksyon. Pero dahil wala na siyang pamilyang babalikan, itinuring ni Alexa ang bawat runway bilang isang battleground. Wala siyang pambili ng high-end clothes para sa mga go-sees, kaya naging madiskarte siya. Namimili siya sa mga ukay-ukay, tinitahi at binabago ang disenyo para magmukhang couture. Nag-practice siya maglakad sa madidilim na eskinita ng kaniyang dorm, ginagawang runway ang bawat bitak ng semento. "She's too aggressive," reklamo ng isang photographer sa kaniyang unang test shoot. "I'm not aggressive," sagot ni Alexa habang nakatingin nang diretso sa lens, tila tinutusok ang kaluluwa nito. "I'm hungry for it. And I don't plan to lose." Ang gutom na iyon ang nagdala sa kaniya sa tuktok. Sa loob ng ilang taon, mula sa pagiging working student na halos mawalan na ng pag-asa, naging Alexa Sandoval siya—ang reyna na hindi tumatanggap ng "hindi." Ang bawat tagumpay ay pinaghirapan niya nang mag-isa. Bawat sentimo, bawat award, bawat endorsement—dugo at pawis niya ang puhunan doon. Kaya naman, nang makita niya si Adrian Lim sa kaniyang show, tila ba nagbalik ang lahat ng galit at pride niya mula noong kolehiyo. Ang indifference ni Adrian ay nagpaalala sa kaniya ng mga taong tumalikod sa kaniya noong wala siyang wala. Para kay Alexa, ang hindi paghanga sa kaniya ay hindi lang basta opinyon—ito ay isang paghamon sa lahat ng kaniyang pinagdaanan para maging flawless." "Hindi mo lang alam, Adrian," sabi niya habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa salamin. Ang mataray at palabang Alexa Sandoval ay muling nagbabalik. "Galing ako sa wala. Kaya kong kunin ang lahat... kabilang ka." Ang motivation na nakuha niya mula sa mga gabi ng pag-iisa ang nagpatigas sa kaniyang puso. Pero ang kinang ng kaniyang kasalukuyan ang gagamitin niyang bitag. Hindi siya papayag na ang isang arkitekto lang ang magpaparamdam sa kaniya na hindi siya sapat. Kung kailangang gibain niya ang bawat pader na itinayo ni Adrian sa paligid nito, gagawin niya. Gagamitin niya ang lahat—ang diskarte ng isang nagmula sa hirap at ang gilas ng isang reyna. Dahan-dahan siyang naupo sa kaniyang kama, ang mga mata ay puno ng determinasyon. Bukas, may bagong plano siya. Hindi siya lalapit bilang isang hamak na model lang. Lalapit siya bilang isang babaeng hindi kayang tanggihan ng kahit sinong nilalang. "Let's see kung gaano katibay ang pundasyon mo, Architect," bulong niya bago tuluyang pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD