10

1163 Words
Ang mga sumunod na araw matapos ang dinner namin sa L’Opera? Grabe, pakiramdam ko unti-unti ko nang nakukuha ang tiwala ng isang Adrian Lim. Hindi na ako nag-text sa kaniya ng mga pang-aasar o pabebe. Imbes na pilitin siyang pansinin ako, nag-focus ako sa foundation. Mas gusto kong makita niya na seryoso ako sa aming proyekto. Hapon nun habang nasa kwarto ko ako, may napansin ako sa lumang layout ng ampunan. Mabilis kong kinuha ang phone ko at nag-type ng message sa kaniya. "Architect, I checked the site again. Masyadong mainit sa bandang hapon doon sa tapat ng playroom. Baka pwedeng dagdagan natin ng ventilation?" text ko sa kaniya habang naghihintay na mag-reply siya. Gulat ako nang wala pang limang minuto, umilaw na ang screen ko. No more corporate coldness. "Fine. I’ll adjust the eaves on the west side," reply niya, at may kasunod pa. "Magkita tayo sa site mamayang 2:00 PM. We need to finalize the layout." Napatalon ako sa kama sa tuwa. "Yes! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matatanggihan, Architect." Alas-dos ng hapon, nandoon na ako sa construction site sa labas ng siyudad. Hinubad ko muna ang pagiging supermodel ko. Walang mamahaling couture gown ngayon. Naka-white t-shirt lang ako, fitted jeans, at white sneakers. Nakatali lang din ang buhok ko sa isang messy bun habang may hawak na malaking payong habang kausap ang pinuno ng foundation. Maya-maya, narinig ko ang ugong ng pamilyar na itim na SUV. Huminto 'yun malapit sa amin at bumaba si Adrian. Bagay na bagay sa kaniya ang simpleng polo shirt niya, mukha pa rin siyang boss. "Architect Lim! Sakto, kanina ka pa namin pinag-uusapan," masigla kong bati sabay kaway sa kaniya. Hindi siya sumagot pero nakita kong natigilan siya habang nakatitig sa akin. "Late ba ako?" tanong niya habang inilalabas ang blueprints sa hood ng SUV niya. "Hindi naman, advance lang ako," pambabara ko naman sa kaniya habang lumalapit ako sa tabi niya. "So, anong plano sa structural foundation?" Habang nagpapaliwanag siya, seryoso lang akong nakikinig. Pero may isang bahagi sa plano na pumukaw ng pansin ko. "Bakit kailangang ganito kalawak ang hallways, Adrian?" tanong ko habang nakaturo sa drawing niya. Binitawan niya ang hawak niyang lapis at tumingin sa akin. "Bakit? Ayaw mo ba?" Huminga ako nang malalim, biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko ang nakaraan ko. Tumingin ako sa mga batang naglalaro sa malayo. "Noong nawala ang parents ko noong college, biglang lumiit ang mundo ko, Adrian. Ang dating malawak naming bahay, napalitan ng isang maliit, madilim na kwarto. Pakiramdam ko, nakakulong ako habambuhay. Ayokong maramdaman 'yun ng mga batang ito. I want them to feel like they have space to breathe." Natahimik ang paligid. Nang lumingon ako kay Adrian, nakatitig siya sa akin. May kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maintindihan—parang awa, parang pag-unawa. Ramdam kong may nabasag sa malamig niyang pagkatao. "I understand," mahinang sabi niya. Kinuha niya ang mechanical pencil niya at dahan-dahang pinalawak ang espasyo sa drawing. "Gagawin nating mas bukas ang disenyo." Napaawang ang labi ko. "Wait... binabago mo talaga para sa akin?" "Architecture should serve the soul, Alexa. Hindi lang ito basta semento," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin, pero ramdam ko ang lambot sa boses niya. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang braso niya. "Thank you, Adrian. Really. Sobrang halaga nito sa akin." Napatitig siya sa kamay ko na nasa braso niya, pagkatapos ay dahan-dahang tumingin sa mukha ko. Dahil sa sobrang init ng araw, ramdam kong may pawis na sa noo ko. Gulat ako nang bigla siyang dumukot sa bulsa niya at maglabas ng panyo. Dahan-dahan niyang idinampi ang panyo sa noo ko para punasan ang pawis ko. Luh, teka. Bakit biglang huminto ang t***k ng mundo ko? Ang ingay ng mga nagpupukpok na construction workers sa paligid, biglang naglaho. Sobrang lapit ng mukha niya, naaamoy ko ang panlalaki niyang pabango na humahalo sa init ng araw. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. "Professional, right?" pagpapaalala ko sa sarili ko sa isip ko, pero ang totoo, nakatitig lang ako sa mga labi niya. Gusto kong gumalaw pero parang may magnet ang mga mata niya. Bigla siyang lumayo na parang napaso, mabilis niyang itinago ang panyo niya. Namumula ang tenga niya! "I-I need to check the soil quality. Excuse me," nauutal niyang sabi bago mabilis na naglakad palayo sa akin. Napakagat-labi ako at napangiti nang malawak habang pinapanood ko siyang tila natatarantang tumatakbo palayo. *Gotcha, Architect Lim. Sabi ko na nga ba, tinatablan ka rin.* Nang matapos ang trabaho sa site, hindi ko inaasahan na siya mismo ang mag-aalok na ihatid ako. Sa loob ng SUV niya, tahimik lang kami habang bumabaybay sa highway. Pero hindi na ito yung nakakailang na katahimikan na nakasanayan ko sa kaniya. Masarap sa pakiramdam. "Adrian, do you want to see the kids' drawings for the playroom?" tanong ko para basagin ang katahimikan, sabay labas ng tablet ko mula sa bag. "Sure. Patingin," sagot niya habang nakatitig sa kalsada. Inilapit ko ang tablet sa kaniya habang nakahinto kami sa traffic light. Habang ipinapakita ko sa kaniya ang mga drawing ng mga bata, daldal ako nang daldal, pinaliliwanag ko kung gaano kasaya ang mga bata para sa bagong bahay nila. Pero nang sulyapan ko siya, hindi siya sa tablet nakatingin. Sa akin siya nakatitig. At ang lambot ng tingin niya, parang may kung anong nagliliyab sa loob ng mga mata niya. "Hoy, baka matunaw ako niyan," biro ko sa kaniya, pilit na ibinabalik ang pagiging mataray ko para hindi niya mahalata na kinakabahan din ako. Mabilis siyang lumingon sa harap at hinawakan nang mahigpit ang manibela. "I'm just listening." "Sus. Defensive ka masyado, Architect," tawa ko naman habang itinatabi ang tablet ko. Nang maihinto niya ang sasakyan sa harap ng condo building ko, lumingon ako sa kaniya para magpaalam. "Salamat sa paghatid, Adrian." Bago ko pa mabuksan ang pinto, tinawag niya ako. "Alexa." "Yes?" lumingon ako ulit sa kaniya. "The design... it's going to be perfect. I promise." tinitigan niya ako nang diretso, punong-puno ng paninindigan ang boses niya. Ngumiti ako nang totoo—yung ngiting para lang sa kaniya at hindi para sa mga camera. "I know it will be. Dahil ikaw ang nagtatayo." Bumaba na ako ng sasakyan at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa lobby. Pero bago ako sumakay ng elevator, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang i********: ko. Kinuha ko ang panyo niya na hindi ko pala naisoli kanina dahil sa taranta niya. Pinicturan ko 'yun at i-post sa story ko, sabay tag sa kaniya: *'Thanks for wiping the stress away, Architect. My favorite dynamic force.'* Pumasok ako sa elevator na may malawak na ngiti sa aking mga labi. Alam ko sa sarili ko, hindi lang ang ampunan ang binubuo namin ngayon. Ang matigas at nagyeyelong puso ni Adrian Lim? Unti-unti na ring nagkakaroon ng bagong blueprint. At ako ang arkitekto ng damdamin niyang 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD