11

1361 Words

May mga gabing mas malakas pa ang kalabog ng ulan kaysa sa mismong t***k ng puso ko. Nakatitig lang ako sa floor-to-ceiling glass windows ng penthouse ko sa BGC. Bawat patak ng tubig sa salamin, parang hindi nagbibigay ng kapayapaan sa akin. Imbes na makatulog ako, para silang mga bala ng alaala na unti-unting bumubutas sa matapang na facade na matagal kong binuo. Isang linggo pa lang ang nakakalipas simula nung pumunta kami sa site para sa foundation, pero heto, isang napakalakas na bagyo ang biglang humagupit sa Maynila. Ang dilim ng langit, kulay abo, at ang lakas ng hampas ng hangin sa labas. Nauupo ako sa kama ko, yakap-yakap ang mga binti ko habang napapikit tuwing may kidlat na gumuguhit sa langit. Pilit kong tinatakpan ang mga tainga ko. *Ayoko ng tunog na 'to. Sobrang ayoko.*

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD