Para sa akin, ang bawat disenyo ay nagsisimula sa isang masusing obserbasyon. Pinag-aaralan ko ang lupa, ang sikat ng araw, ang daloy ng hangin, at ang bawat anggulo bago ko ilapat ang lapis ko sa papel. Pero nitong mga huling linggo? Ewan ko ba. Ang utak ko, nakatutok kay Alexa Sandoval. Hindi na lang basta proyekto ang tingin ko sa kaniya ngayon. Sa tuwing magkasama kami rito sa studio ko para ayusin ang mga blueprint ng orphanage, nahuhuli ko ang sarili ko na hindi sa plano nakatingin. Nakatitig lang ako sa kaniya. Pinagmamasdan ko siya na parang isang obra maestra—isang kumplikadong estruktura na may napakalalim na sekretong itinatago sa bawat layer ng pagkatao niya. "Adrian? Hoy, nakikinig ka ba?" untag sa akin ni Alexa, sabay kaway ng kamay niya sa harap ng mukha ko. "Sabi ko, kail

