Sa mundo ng high-end fashion at real estate, ang kapangyarihan ay hindi lang nakikita—naaamoy din ito. Mayroong partikular na samyo ang tagumpay: ang amoy ng bagong limbag na milyun-milyong kontrata, ang mamahaling leather ng isang European luxury car, at ang masangsang ngunit kaakit-akit na timpla ng Oud at Amber na tanging ang mga nasa tuktok lamang ang kayang dalhin nang walang kahirap-hirap. At ngayong gabi? Ang ballroom ng Peninsula ay punong-puno ng ganiyong amoy. Sobrang nakakahilo sa karangyaan. Idinadaos ang Annual Builders and Icons Gala, kung saan ang bawat panauhin na pumasok ay may dalang sariling agenda. Pero para sa akin, ang gabing ito ay higit pa sa isang social event para mag-kunwari sa harap ng camera. Ito na ang pagkakataon ko na opisyal na ipakilala ang partnership ko

