"YOU'RE crying again. Shhh. Hush now, My Queen." Hindi ko na napagilan ang sarili at pinagsusuntok ko siya sa braso at dibdib niya. Iyak lang ako ng iyak habang ginagawa ko iyon. "Gago ka! I hate you! I hate you!" Hinuli naman ni Kingsley ang mga kamay ko at muli akong niyakap. "I'm sorry for making you feel that way. I need to do all of that for this day, for you. Pinaghandaan ko 'tong lahat para umabot ito sa anniversary natin and I'm glad that I made it in the right time. Alam mo naman na gustong-gusto kong sinusurpresa kita eh." Paliwanag niya. Hindi na ako nakapagsalita at umiyak na lamang sa dibdib niya. Tumigil na rin ako sa pagpupumiglas at niyakap na lamang siya. Hindi ko lubos maisip na susurpresahin niya ako ng ganito. Buong akala ko ay nakalimutan niya na ang mahalagang a

