Chapter 3

1562 Words
Chapter 3 Mitch's Pov Super inis pa rin ako kay Jerick. Sana matalo siya mamaya. Si Len, Ken mabait sa kanila. Ok pa 'tong kambal na 'to. Kasya sa Jerick na 'yan kakainis. "Bakit mo naman nasabi iyon Mitch matalo si Jerick, sayang naman kaguwapuhan niya." Napatingin lang ako sa mga babae katabi ko. Pabulong na nga pagkasabi ko narinig pa nila partida maingay na 'yan ah! "Nandito na pala si Em sa gym." Sigawan nila. Si Em ay si Jerick iilan lang nakakaalam na Em ang palayaw niya. Kahit sila Ara, Joyce at Janna hindi nila alam EM ang palayaw ni Jerick, bata pa lang kilala ko na si Jerick hanggang ngayon magkasama pa rin kami sa iisang campus maliban lang sa course na pili naming dalawa. Si EM ay Business Management ang kinuha para sa kanilang company. Dalawa lang sila magkapatid, pero hindi ko pa nakikita pamilya niya. Masyado kasi mayabang lalaki na 'to palibhasa mayaman ang loko. Siya lang naman ang mamahala ng kanilang company ay isa sa mga sikat na EM food dito sa manila. Kaya ganyan 'yan kayabang. Naiinis ako sa kan'ya. Ayaw ko siyang kaklase aasarin ka lang mokongg na ito. Ako naman nagmana sa mommy ko na mahilig magluto kinuha ko Hotel Restaurant and management na kung saan gusto kong ipagpatuloy ang hilig ng mommy ko at magpatayo ng sarili kong restaurant. Napalingon na lang ako sa mga katabi ko. Nabibingi ako sa mga sigaw nila. Kahit ano-ano naririnig ko katulad ng ganito Jerick kaya mo Iyan I love you. I love you. "Grabe teh maka i love you parang kayo na." "Ipanalo mo ang ating school Jerick. Naku sikat pa naman ang mga kalaban niyo. Basta 'wag kayo mag-alala guwapo kayo sa kanila." Napailing na lang ako sa mga katabi ko. "OMG SI JUSTINE." Sigaw ni Girl sa unahan ko lang. Napatingin ako kay Justine siya ang dahilan kung bakit ako naririto. Si Justine ay isa sa crush ko. Simula noong unang beses ko pa lang siya nakita rito ng minsang lumaban siya rito sa aming school. Super guwapo kasi niya at super hot niya. Simula noon hanggang ngayon ay walang laro ang hindi ko siya sinusubaybayan. Minsan nga parang stalker na niya ako at may mga ilang picture ako sa aking kuwarto. Isa sa mga matagal ko ng pinapanggarap ay ang malapitan ko siya at mahug ko ng mahigpit. Sana nga siya iyong destiny ko. Napatigil ako sa imagination nang biglang may humila sa akin at hindi ko inaasahan napasigaw ako. "Sino ka?" sigaw ko. Sabay tawa niya. Kilala ko boses na nito. Pagharap ko sabi ko na si Janna at mga kaibigan ko. Paano nila naman nandito ako? Iniwasan ko na nga sila nakita pa rin ako. Nakakahiya lahat sila sa'kin nakatingin. Sa inis ko binatukan ko si Janna. "Aray! Ko naman makabatok ka naman parang walang bukas." "Hoy! Mitch hinanap-hanap kita. Saan ka ba nagpunta? Gagi ka, andito ka lang pala." Sabay tulak ni Joyce sa'kin. Gagi muntik pa ako matumba. Buti na lang nakahawak ako sa lalaki sa harap ko. Ganito kagulo mga kaibigan ko. Naiinis ako minsan sa kanila. "Kapag nakita ko ang idol ko. Iwan ko lang kung anong ang mangyari sa akin." Proud sabi ni Joyce sa amin. "Talaga!" sigaw ni Janna. Isa pa ito. Kung maka kilig din eh wagas. "Yup! At alam niyo mga bebe 'yong hinihintay natin dumating na? Ang idol natin 'yong tipong lagi tayo kinikilig, madadapa at parang malalaglag ang ating underwear," sigaw ni ara. "My God si Jus-------tine." Bigla nagsigawan sina Ara, Joyce si Janna. "Totoo ba ito?" Para akong nauutal. Imagine, matagal namin ito iniidolo ang varsity nina Justine then ngayon makikita na namin malapitan, hindi ako makapaniwala my God. "Mitch super excited ka rin ah!" Sabay lapit sa'kin ni Ara. Ang loka-loka piningot nila ako at si Joyce at nagtatalon pa sa kilig. Sinong ba naman hindi magiging masaya? Makikita ko na ang idol ko at biglang ang t***k ng pag-kabilis ang puso ko. Super saya ko ngayon. May pasayaw-sayaw pang nalalaman si Joyce kahit naman sino magiging masaya. "Sa wakas makikita na natin ang ating idol. Sana makapag-selfie tayo kay justine." Sabay-sabay pa sabi nila. Napatingin ako sa kanila. Iisa lang pangarap namin ang makapagselfie kay Justine. "Tama ka riyan hindi lang selfie ang gagawin ko kundi yayakapin ko siya nang mahigpit at pagpapa-autograph sa kan'ya." sabi ko sa kanila. "Yehey makikita na natin ang ating prince charming." Bigla ako nagulat sa sigaw ni Janna ay napagaya ako sa kanilang tatlong nagtatalon kami sa saya. Tiningnan na kami nang mga ilang tao sa campus parang hawak namin ang school na parang wala kaming pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang sarap kumanta at sabayan ang bawat sayaw ng mga kaibigan ko. Tumalon, kumakabog, tumitibok ang puso ko para sa'yo Ito ay napasabay na sila Janna, Joyce at Ara kumanta na rin sila sa susunod na lyrics Tumatalon talon talon Tumitibok t***k ang puso ko para sa'yo At nag-tawanan na kami. Mukhang pagod na pagod na kami sa pagsasayaw at pagkanta. Super duper happy kami ngayon "Wait mga bebe di ba ito na ang hinihintay natin ang makita ang ating idol." Bigla napatigil si Janna sa pagsasalita at nag-isip pa kung ano ang sasabihin niya. Anong naman kaya nasa isip nito ay hindi ba siya happy na nakita niya ang iniidolo niya si Justine. "Omg!" sigaw ni Janna. "What ?" sabi ni Ara kay Janna. "Kasi sila 'yong kalaban nila Jerick ko," sabi ni Janna na narinig ko crush niya kasi si Jerick. "Anong paki ko sa mokong na 'yon?" sabi ko sa isip ko. Kakainis siya pero syempre gusto ko pa rin manalo sila, basta ako mag-aaral ako mabuti ay hindi maapektuhan ang grade ko at naniniwala ako kaya ng mokong na 'to. "Atsaka anong masama kung sila Jerick makakalaro nila Justine?" sabi ni Joyce kay Janna. "Di ba idol natin sila Justine, ang point ko lang sino susuportahan natin sa kanila? Paano sila Jerick?" paliwanag niya. "Kaloka si Janna apektado sa dalawa sabagay crush niya pareho." "Nag-ashuming ka masyado Janna wala ako paki kay mokong na 'yon. Kung mababawasan ang fans nila simula pa lang sikat na sila Justine bilang magaling na player sa larangan ng basketball. Sa kanilang lahat ang layo nila kay Justine ko." "Edi suportahan natin sila?" sabi ni ara. "Alam mo na alam nating lahat na mas sikat si Justine lalo na sa school nila." "Correct ka riyan Joyce mas nangangailangan ang ating school ng suporta. Ano Mitch tumahimik ka?" Hindi ba talaga sila titigil nanahimik na nga ako rito. Naku kanina lang Justine ang bukang bibig nila tatlo, ngayon ay si Jerick na bukang bibig nila tapos ngayon panay parinig pa ang tatlo 'to. Palibhasa crush nila, hindi pa kasi aminin eh! Tapos ngayon puro Jerick na lang bukang bibig nila. "Uulitin ko, wala akong pakialam kay mokong kung matalo sila," sigaw ko ulit sa kanila. Napatakip ako sa bibig ko. Omg! Nasabi ko ba 'yon, hindi sila umimik. Si Janna kasi ang kulit. "Mokong!" sigaw ng tatlo. "Oo nga pala hindi nila alam kung sino si mokong. Ayaw ko sabihin sa kanila kasi bawat banggit ko sa pangalan na mokong na iyon umiinit ang dugo ko. "Sinong si mokong Mitch?" sabi ni Joyce sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. "Wait alam ko sino si mokong na binabanggit mo di ba si Jerick?" Hala nahulaan ni Ara si Jerick ay mokong. Ano gagawin ko? Sana may maisip akong bagay na mabago ko ang topic ay kapag hindi ako gumawa ng paraan mukhang tutuksuin nila ako kay Jerick. Este mokong hindi naman ako sana'y na tinatawag siya Jerick, EM lang tawag ko ro'n. EM tawag namin kapag sa mga nakakilala sa kan'ya. "Mitch mokong pala! 'Yan na ba ang tawagan niyo?" Tawanan pa ang tatlo. Sabi na nga ba tutuksuin nila ako sinimagutan ko si Joyce may pakiliti pa siya nalalaman. "May nangyari na ba Mitch na hindi namin alam? Ikaw ah! Sinosolo mo si Jerick." Asar na sabi ni ara. "Tumigil na nga kayo, para kayong tan'ga. Kung ano-ano naiisip niyo." Sabay irap ko sa kanila. "Mitch 'yon ba dahilan kung bakit hindi mo masabi sa amin?" Tanong ni Janna. "Ahhh?" "Hoy! si Mokong oh!" Tukso nilang tatlo sa'kin. "Hindi ba talaga kayo titigil ." "Hindi!" Sabay sabi nila. "Ok! Oo tawag ko kay Jerick mokong. Kasi kapag nakikita ko siya umiinit ang dugo ko sa kan'ya. Alam niyo naman ang dahilan kaya tumigil na kayo paliwanag ko sa kanila." "Kanina lang ang saya-saya mo Mitch ngayon galit ka na sa kan'ya." Ano pinagsasabi ni Janna. Nakita niya ba kami nag-uusap kanina. "Bee mukhang seryoso ka, joke lang kami. Hindi ka na sanay sa amin." Sabay lapit ni Ara sa akin niyakap niya ako. Ang mga loka-loka ay nagsilapitan rin sabay kaming nagyayakapan na parang baliw kami rito. "Kayo kasi inaaway niyo ako!" sabi ko sa kanila. "Pero bagay kayo ni Jerick di ba Janna at Joyce?" Sabay batok ko kay Ara. "Loka!" Sagot ko sa kan'ya. "Boyshunting na lang tayo. Tara mall na tayo?" sabi ni Janna. "Oo nga pala let's go." Yaya ni Joyce. "Anong pa hinihintay natin, tara na?" sigaw ni Ara. "Tayong tatlo lang pala walang lovelife unfair naman Mitch may Jerick ka." Pinagsasabi mga ito. "Tara na nga!" Hinila ko na si Ara, ang ingay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD