Chapter 2
Mitch's Pov
"Buti 'yan sa'yo may masakit ba?" sabi ko sa kan'ya. Bakit wala siyang kibo ngayon? Kanina lang ang saya-saya. Nasaktan ko ba siya or masakit ang pagkurot ko sa kan'ya? Lagot! Mukhang nasaktan ko siya. Bibitawan ko na sana siya nang bigla may pumasok na dalawang babae. Loko kasing isang 'to sunod nang sunod sa akin nagulat na lang ako kasama ko na siya sa CR.
"Oh! May," sabi ni Ara.
"Nangyari sa inyo?" sabi ni Joyce nakakunot nakaharap sa'min. Napalingon kami ni Janna. Akala ko naman mga ibang students sina Ara at si Joyce lang pala sila ay ang aking mga tropa.
"Hoy mga teh! Hindi na kayo mga bata. Tigil-tigilan niyo nga 'yan!" Seryoso sabi ni ara sa'min.
"Oo! Nga teh kanina pa namin kayong hihintay sa labas. May balak ba kayong lumabas?" mataray sabi ni Joyce sa'min.
"Wala naman sa inyo kumukontra." Sabay bitaw ko kay Janna.
"Ouch nasaktan kami dun oh! Para hindi ka naman tropa makasalita wagas." Anong daw gulo rin minsan ni Ara kausap.
"Eh, ito naman kung may nabitawan akong masamang salita. Pasensya na mga teh! Wala kasi ako sa mood ngayon. Hindi naman talaga ako galit sa kan'ya. Ang gusto ko lang maunawaan niyo ang nararamdaman ko. 'Yon lang ang hinihingi ko."
"Oh! Mitch, sorry kung nasaktan kita sa mga biro ko. Ginawa ko lang kasi 'yon para maging masaya ka." Sabay yakap ni Janna sa'kin. Natawa na lang ako sinabi ni Janna. Alam ko naman sinasakyan niya ang lang trip ko ganoon kami magkakaibigan.
"Hmmms OK lang 'yon Janna At least nalaman ko na pinapasaya mo ako." Sa tatlo kung bestfriend siya lang ang lagi kong kabiruan at lagi kong kasama.
"Alam ko naman inasakyan mo lang ang biro ko?" Sabay tawa naming dalawa. Nag-apiran kami at bewang-bewang ng parang tanga.
"Gagi para kayong mga tanga." Sabay tawa ni Joyce sa'min.
"Tama na nga 'yan kadramahan niyo?" Nagtatawanan kami sa sinabi ni ara.
"Inggit lang kasi kayo." Sabay sabi ni Janna.
"Correct sumali kasi kayo." Sabay tawa namin ni Janna. Nakakunot noo lang ang dalawa habang kami ni Janna pinagtatawanan namin sila.
"Eh!" sabi nang dalawa. Hindi na lang namin sila pinansin. Hay thanks Kay Janna naalis ang pag-ashumeng ko kanina.
"So! Mga teh anong balak natin ngayon?" Biglang nag-seryoso si Janna. Napatingin ako sa kan'ya kinabahan ako. Ano kaya pinaplano naman ito.
"Hmmmmn, I think boys hunting tayo."
"Hindi na ba kayo nagsasawa riyan. Ang tagal-tagal na natin ginagawa 'to wala naman mapapala. Puro kalokohan lang naman buti kung si destiny ang mabo-boys hunting ko."
"Hey Mitch payag ka ba later?" sabi ni Joyce sa akin. Payag ba ako o hindi na lang. Kung hindi kasi ako sasama magtataka na sila sa akin kung ano ang problema ko at kung anong gusto ko? So, anong ba talaga ang decision ko? Sasama na nga ako sabi ko sa isip ko.
"Please Mitch sama ka na. Matagal-tagal na kasi tayong hindi lumalabas at magbo-boys hunting." Habang sinasabi sa akin ito ni Janna parang nagmamakaawa siya at 'yong yakap siya sa akin at parang baliw.
"Naku Janna, hindi mo ako mapapayag sa lambing-lambing mong paandar." Lalabas na sana ako na bigla akong hinawakan ni Joyce at Ara.
"Mitch! Mitch sama ka na!" Sabay sila nagsalita.
"Oh! Nakita mo naman nagmamakaawa sila sama ka na kasi?" sabi ni Janna.
"Ok fine! Sasama na ako," sabi ko sa kanila habang palabas na ako ng room.
"Yeheyyy sasama na si Mitch!" Sabay-sabay pa silang nagsalita mukhang mga bata sila maka Yehey wagas. Papunta ako sa gym ng may mga ilang naglalaro, ang iba todo practice sila. Malapit na kasi ang Tournament kung saan dito gaganapin ang ilang sa mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan tulad na lang ng nag-basketball kung saan pinagmulan ng mga kababaihan. Hindi naman kasi maipagkakaila mga guwaping ang mga player dito sa school namin, kaya nga hindi maipagkakaila kung bakit ang daming babae nakaabang na ngayon sa gym ay isa na ako roon. Naglakad na ako hindi ko pinapansin ang ingay ng mga babae sigawan roon sigawan dito. Napatigil ako sa paglalakad ko ng may narinig akong tinatawag ang pangalan ko ay hindi ko ma hulaan ang boses ay dahil sa ingay. Paglingon ko ay si Jerick lang pala. Ayan na naman siya mang-iinis na naman 'to. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko sa kan'ya? Isa siyang heartthrobs dito sa school maraming nagkakandarapa sa kan'ya. Aminin ko ay minsan na ako nagka-crush sa kan'ya, pero no'ng lagi niya akong inaasar ay para gusto ko siya laging sabunutan, ako na lang kasi lagi ang nakikita niya. Tuwang-tuwa pa siya sa tuwing nakabusangot ang mukha ko. Simula noon lagi akong inis sa kan'ya. Sa totoo lang ang guwapo siya niya. Kung titigan mo ay parang perpekto ang ganda kasi manamit parang artista lang siya na matangos ang ilong, matangkad siya sa height niya 5'4".
"Hi! so cute. Hello!" Sabay kaway niya sa akin. Sa dinami rami ng makikita ko siya pa mukhang masaya pa lokong 'to nakangiti kasi.
"Mokong," sabi ko sa kan'ya. Nagulat ako sa sinabi ko. Seryoso niyang napalapit sa'kin. Ako naman napaatras ang seryoso niya kasi. Hindi ko alam ang nasa utak nito.
"Ako! Mokong ito?" Sabay irap ko sa kan'ya habang paulit-ulit niya binabanggit ang salitang mokong.
"Ako!" sabi niya sa akin habang seryso niya ako tinitingnan. Napatingin ako sa mukha niya. Grabe ang hot niya bigla ko tinampal ang mukha ko mas hot pa riyan destiny ko sabi ko sa isip ko.
"Don't call me mokong, OK!" Bigla siya sumigaw sa akin. Ang sarap niya sapakin. Talaga nagawa pa niya lakasan ng boses niya
"Why?" sabi ko sa kan'ya sabay irap.
"Mukha ba akong mokong, itong mukha ko tatawagin mo lang akong mokong. Guwapo kaya ako."
"Feelingero ka rin noh!"
"Oo guwapo kong sobra."
"Pero sa aking mokong ka." Sabay turo ko sa kan'ya. Ngayon alam ko na puwede kong itawag sa kan'ya. Mukhang nainis siya na tinawag ko siyang mokong.
"Oh! Aray nasaktan ako!" Todo acting pa ng loko
"Para tigilan mo na ako."
"Ok, fine! Mokong na kung mokong."
"Sa wakas tanggap mo na," sabi ko sa kan'ya. Parang may mali! Parang iba sa utak ng lalaki na ito.
"I'm mokong to you. You are my tikpaklong." Sabay tawa niya.
"Tipaklong." Pag-uulit pa niya. Mukhang tipaklong ba ako.
"Anong 'yon tawag mo sa akin?" Sabay tulak ko sa kan'ya.
"Tikpaklong mong mukha mo."
"Tikpaklong na hatik na hatik at pak na pak na long ang baba mo." Napipikon na ako talaga sa kan'ya. Ang saya-saya pa niya napipikon na ako. Anong kaya gagawin ko rito. Hindi pa rin tumitigil sa kakatawa, super inis na talaga ako ay bigla ko siya sinabunutan.
"Aray Mitch tama na," sigaw niya.
"Buti iyan sa'yo. Anong sabi mo mahaba ang baba ko." Sabay bitaw ko sa kan'ya. Masama ko siya tinitigan.
"Gusto mo ulitin ko in short na lang babalu ka." Sabay tawa niya. Nakakarami na siya ang tanging sabi ko lang sa kan'ya mokong siya tapos ito dinagdagan pa niya ay lalo tuloy akong na galit sa kan'ya ang ginawa ko ay sinabunutan ko ulit siya.
"Anong babalu ako?" sigaw ko sa kan'ya. Hindi ko mapigilan sarili ko ay muli ko siyang sinabunutan
"Aray!" Bitawan mo na ako Mitch."
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ako tinitigilan. Masakit ba? Buti iyan sa'yo? Hindi mo kasi ako tinitigilan." Matagal-tagal ko na rin siya hindi na bibitawan. Napalingon ng may narinig akong bulungan ng mga babae. Alam kong ako pinaparingan nila.
"Ang landi naman nong babae makahawak kay Jerick Wagas," sabi nong naka white.
"Yup, malandi talaga iyan. Mukha pa lang malandi na," sabi rin ng isa.
"Oh! May inangkin si Jerick ko." Masama ko silang tiningnan.
"Naks naman mga teh maka Jerick Wagas. Bakit kayo ba ni Jerick. Mukha niyo pa lang mas malandi pa sa malandi." Gagi sila hindi ko sila uurungan sino ba sila? Sabay Binitawan ko kay Jerick. Masama ko si Jerick tiningnan sabay talikod ko na lang sa kan'ya. Walang mangyayari kung papatulan kong mokong na ito.
"Wait?" sabi niya. Anong na naman kaya sasabihin nito. Lumingon na lang ako para matigil na
"Anong na naman?" mataray ko sabi ko sa kan'ya.
"Goodbye Babalu." Sabay takbo niya. Napahawak ako sa baba ko. Hindi naman malapad ang baba ko. Mahina ko sabi sa isip ko.