bc

Ang Boyfriend kong Afam

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
family
mystery
like
intro-logo
Blurb

Nadine Ashley Monteverde is a 19 years old, probinsyana girl na pumunta sa syudad para mag aral at mamasukan.Magiging maganda ba ang kapalaran sa kanya o magiging malupit?Maisasakatuparan niya kaya ang pangarap niya o mapapariwa lang siya?

chap-preview
Free preview
Simula
"Ash ano ba, 8 pm na oh ang usapan 7:30" pasermon na sabi ng aking ng bestfriend s***h amo kong si Laura. "Yes mommy, I'm coming" pang aasar ko pa sa kanya. "Pakyu ka, alam mo ba yun. Dalian mo wala na tayong mabibingwit nito sa kakuparan mo." nagmamadali na siyang lumabas. "Bingwit pala ha, sumbong kita kay James" "Tss. Hayaan mo siya" ay warla silang dalawa, bat kaya. Hmmm Dali dali na kaming sumakay sa itim niyan sedan, buti nalang hindi traffic papuntang BGC. "San ba tayo ngayon?" "Sa Marituis Club Tayo ngayon, birthday kasi ni Marc ngayon." gulat akong napalingon sa kanya. "Marc Marituis?! Yung model na may-ari ng Marituis Club?!!" "Gulat na Gulat lang sis?" Walang pakialam na sabi ni Laura habang binibigay sa valet ang susi. "Malamang, sikat na sikat kaya yun. Nasa Top 10 hottest model yun!!" sumisigaw na ko kasi maingay sa loob. "Hi Ash" bati ng mga sikat na tao. May mga bumebeso at yumayakap kaya naiiwan ako. Maraming nag offer na maging modelo o artista ako pero mas tinitingala ko si Laura at mas lamang ang utang na loob ko sa kanila bilang pag tanggap nila sa akin. Habang hinahanap ko kung asan na na si Laura, may isang foreigner na humawak sa bewang ko. "Hi Miss" napanganga ako sa kagwapuhan niya maputi, matangkad, blue eyes, pointed nose at kissable lips parang ang sarap halikan. Ang halay natin sis. Nabalik nalang ako sa hinaharap ng hatakin ako ni Laura mula sa mga bisig ng isang Afam. "ano ba naman sis, sayang yun. Hahalikan ko na sana eh" pagbibiro ko sa kanya pero nang hihinayang talaga ko. "ang harot lang teh, andun na sila Marc" Wala na kong nagawa kundi magpahatak para makapunta na sa upuan nung Marc. "Hi. I'm Ashley, Happy Birthday" nilahad ko ang aking kamay para sana makipag kamay ngunit nagulat ako ng bigla niyang halikan ang likod ng aking kamay. "I'm Marc, Nice to meet you. I heard alot of things about you." "Ay, kinabahan naman ako dun, sana magaganda naririnig mo tungkol sakin." Naka ngiti kong sabi sa kanya. "Of course, you're a great woman. Take a seat" umupo nalang ako sa tabi ni Laura. "Mukhang type ka ni Marc ha, swerte mo sis." may pag bulong naman tong si Laura. "Magtigil ka nga, kinikilig ang pwet ko" natawa nalang kami pareho. Naghain na sila ng pagkain at mga alak may Cuervo,Smirnoff, Jim beam, Red bull, Tequila, Lemon at Asin. Habang kumakain kami tingin ako ng tingin sa paligid umaasang maghahanap ko yung Afam pero hindi ko siya nahanap sa dagat ng tao. Ang daming tao halos Di mahulugan ng karayom. Naka inom na sila Marc at Laura kaya nagsasayaw na sila sa dance floor, maya maya na ko pag malakas na ang loob ko. Hindi nagtagal naubos na namin yung isang Cuervo kaya nahatak na ko nila Laura. Dahil sa dami ng tao hindi ko na namalayan na iba na pala ang kasayawan ko, siya yung Afam kanina. "There you are" inikot niya ko at niyakap patalikod habang sumasayaw. "You're so beautiful" hindi ko alam kung dahil lang ba sa alak o mainit lang talaga dito sa loob pero naramdaman kong uminit bigla ang pisngi ko. Hindi ako nagsasalita dahil nahihilo na rin ako. "Are you okay? Do you want to go home?" nag aalala niyang tanong sakin kaya napatango nalang ako. Hindi na ko nakapagpaalam kay Laura dahil hindi ko na siya mahanap.Nakatulog na ko sa sasakyan niya sa sobrang hilo. Naramdaman ko nalang na may naglapag sakin sa malambot na higaan.Mas lalo akong nahilo ng bigla akong naupo kaya napahawak ako sa ulo ko. "Hindi na kita naihatid sa inyo kasi Tulog ka at lowbat ang phone mo" "Nasusuka ako" "What?" dumuwal ako kaya nataranta siyang itayo ako pero nasuka parin ako sa damit ko. "What the... f**k" mas nataranta siya nung naghubad ako at pumunta sa sink para maghilamos at magmumog. Binuhat niya ko at nilagay sa Bathtub. "Clean yourself" tinalikuran niya ko at iniwan, sayang hindi niya makikita ang sexy kong katawan. Mahigit isang oras akong makababad sa tubig para mawala ang kalasingan ko. Pagka labas ko ng banyo may nakahanda nang soup, tubig at gamot sa maliit na Lamesa katabi ng Kama. "Kumain ka at inumin mo yang gamot para mawala na ang hilo mo." gulat akong na patingin sa kanya, nasa study table siya at busy sa kanyang laptop, ma aaninag mo ang gwapo niyang mukha mula sa ilaw ng laptop niya. "Nagtatagalog ka? Kala ko Foreigner ka" nascam ako dun ha. "Yes, My mom and dad are French so yes I am a foreigner." "Bakit marunong ka magtagalog?" pagtatanong ko habang hinihigup na yung mainit na sabaw, ansarap sa lalamunan pag mainit. "I have Filipino Friends, that's why." Nang naubos ko na ang hinain niya, humiga na ko dahil antok na antok na ako. "Goodnight My Monteverde" pabulong niyang sabi bago ako sinakop ng kadiliman. Kinabukasan nagising nalang ako sa mabango at malambot na unan, pagka dilat ko nagulat ako ng may nakayakap sa aking gwapong nilalang. "Ahhhhhhhhhhhhhhh" todo sigaw ko sabay yakap sa sarili. "Why are you shouting? Are you okay?" nag aalalang tanong niya. "Asan ako? Sino ka?" pabulong kong tanong sa kanya. "Ha?" "Hakdog, bwisit gwapo ka sana bingi ka lang." pabulong bulong pa ko. "Thank you pero hindi ako bingi" "Sino ka sabi?!" pagpupumiglas ko ng tangkain niyang hawakan ang braso ko. "Wala kang matandaan?" kinabahan ako nung ngumiti siya. "Sarap na sarap ka pa nga habang tinatawag ang pangalan ko tapos ngayon di mo ako maalala. How Rude" disappointed ang mukha niya pero ngumisi rin sa huli. Napatingin tuloy ako sa hinihigaan ko. "Wala namang dugo, wala rin akong maramdamang masakit. Ikaw! Niloloko mo lang ako noh?!" napagulong nalang siya kakatawa. "Mautot ka sana" pumasok nalang ako sa banyo para makapag palit na. Kumain kami at hinatid niya na ko sa tapat ng building ng condo namin ni Laura. "Ahm, Thank you, I'm Nadine Ashley but you can call me Ashley." "Welcome.Akihiro Davis." Pagpapakilala niya, Bago bumaba para pag buksan ako. "Nice to Meet you. See you when I see you." hinalikan niya ko sa pisngi bago sumakay sa kanyang sasakyan at iniwan akong nakatulala. Follow, Comment, Vote and Share ❤️?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
45.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.8K
bc

YAYA SEÑORITA

read
11.6K
bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
3.0K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
110.9K
bc

The Real About My Husband

read
35.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook