"Anak maiiwan ka na ng bus." sumisigaw na sabi ni tita maribel mula sa kusina.
"Eto na po" nagmamadali na kong bumaba, baka nga naman ako maiwanan ng bus eh dalawang beses lang sa isang araw kung umalis ang bus dito sa amin.
"Eto baunin mo sa byahe, wag mong kalimutan ang mga bilin ko sayo ha" paulit ulit na pa alala ni tita.
"Kumain ng mabuti, Wag magpapa gabi at magpapatuyo ng pawis. Tatawag parati. Mag aral ng mabuti at wag na wag mag boboyfriend" natawa nalang siya sa akin dahil saulado ko na lahat ng sinabi niya.
"oh siya pag iingat ka dun ha.Tumawag ka pag dumating ka na" ang O. A naman ni tita eh dalawang oras lang naman ang byahe, pa may nila.Sumakay na ko ng tricycle papuntang terminal ng bus, buti nalang naka abot ako kasi paalis na sila.
Ako nga pala si Nadine Ashley Monteverde, 19 years of age. Wala na kong mga magulang namatay sila sa isang aksidente, si tita maribel nalang ang naiwan sakin. Wala siyang asawa at anak. Pinapapunta ako ng kaibigan ni Mama sa maynila para mamasukan at para mag aral. Tatlong taon na kong ulila sa magulang pero hanggang ngayon sariwa parin sa isip ko ang lahat ng nangyari .
"Nak pupunta tayong Beach ngayon, maghanda ka na isang araw tayo dun"
"Talaga po? Kasama po si tita? "
"Oo kasama siya" tuwang tuwa akong nag ayos ng bag ko, magkakaroon na ulit kami ng family bonding. Parati kasing busy sila mama. Guro si mama sa isang pampublikong paaralan at sundalo naman si papa. Naiintindihan ko naman kung bakit parati silang wala, para rin naman sa amin yun.
"Anak tapos ka na ba? Nasa sasakyan na ang papa at tita mo" dali dali akong bumaba dala dala ang aking maliit na bag.
"oh anak yan na ba lahat ang dadalhin mo, wala ka bang nakalimutan?"
"wala na po pa, tara na po! Excited na ko" natawa nalang sila dahil sa kaka madali ko.
Habang nasa byahe kami, kanta lang kami ng kanta para lang kaming nag roroadtrip.
"may boyfriend ka na ba nak?" pagtatanong ni papa.
"wala po pa, nangako po ako sa inyo na magtatapos po muna ako bago mag nobyo" nakangiting tumingin sila papa sa akin.
"tandaan mo nak na mahal na mahal ka namin ng papa mo, ginagawa namin lahat para sa ikabubuti mo. Kahit anong mangyari wag na wag kang iiyak ha" paglalambing ni mama.
"mahal na mahal ko din po kayo. I love you ma at pa" yinakap ko sila mula sa likod kahit hirap na hirap ako dahil sa sandalan ng kotse.
Nakarating kami sa Beach at naging maganda naman ang bonding namin. Nag swimming, Kumain ng bbq, nagvideoke at nag Bonfire. Mas naging mas malambing sila mama at papa sakin pero hindi ko pinansin kasi malambing naman talaga sila sa akin. Nung pa uwi na kami dun na nangyari ang isang bangungot, bumangga ang sinasakyan namin sa isang truck hindi ko na alam ang nangyari basta nakita ko nalang sila mama na naliligo sa sarili nilang dugo.
Hindi ko alam kung ilang araw na kong natutulog pero nagising nalang ako sa isang puting kwarto kala ko nasa langit na ko. May babaeng naka higa sa sofa.
"Tita" pag tatawag ko ng pansin sa kanya.
"Anak gising ka na pala, may masakit ba sayo? Nagugutom o nauuhaw ka ba? Tatawag ako ng nurse." Pinigilan ko siya bago siya pumindot sa pulang bilog.
"Sila Mama?" napaiwas si tita ng tingin sa akin.
"magpahinga ka muna, tatawag ako ng Doctor para ma tignan ka" hindi na talaga siya nagpa awat. Hindi nagtagal dumating na ang mga Doctor at nurse pero hindi dumating sila mama. Check up dito check up doon.
"Miss Villareal okay na siya pero observe parin natin siya within 24 hours. Pwede na rin siyang kumain"
"thank you po doc." hinawakan ko na agad yung kamay ni doc bago pa siya makalayo.
"doc, sila mama?" na patingin muna siya kay tita bago huminga ng malalim.
"Miss Monteverde, dead on arrival po ang mga magulang mo. Maraming dugo ang nawala sa kanila at malala ang tama nilang dalawa. Pasensya na po." Nagbow sila sa amin bago lumabas ng kwarto. Natulala nalang ako habang umiiyak ng tahimik.
"Anak,diba sabi ng mama mo wag na wag kang iiyak"
"Tita ang unfair naman kasi bat nila tayo iniwan?!!"
"Hindi matutuwa ang mama at papa mo pag umiyak ka. Mahal na mahal ka nila, alam mo yun" yumakap nalang ako kay tita.
Nagising nalang ako nang may sumigaw.
"Malapit na tayo sa Buendia" inayos ko na lahat ng gamit ko at nung huminto ang bus ay bumaba na ko.
"Miss Monteverde?" napalingon ako sa lalaking may katandaan na.
"opo, sino po sila?"
"Uhm, Pinapasundo po kayo ni Ma'am Buenavista" ahh yung kaibigan ni mama, kinuha ni manong lahat ng gamit ko at pinasok sa kotse.
"Ako po pala si Nadine Ashley po, pwede niyo po akong tawaging Ash." Pagpapakilala ko.
"Martin nga pala, pwede mo akong tawaging Tay Martin. " tahimik lang siyang nagmaneho habang ako manghang mangha sa ganda ng mga gusali.
"Ganito po ba talaga dito sa maynila?Matatayog ang mga gusali, maraming tao at sasakyan parang nakakalula"
"Oo iha kaya dapat parati kang mag iingat at kilalanin mo ang mga taong nakapaligid sayo."
"Opo Tay."
"Asan na pala ang mga magulang mo at nag iisa kang lumuwas"
"Wala na po sila" napaiwas nalang ako ng tingin.
"Pasensya na" hindi na kami nag usap ni Tay Martin at hinintay nalang na makarating sa kung saan kami papunta.
"Nandito na tayo" hindi ko namalayan ang byahe, ang gaganda kasi ng mga gusali. Nakaka engganyo panuorin ang mga taong nagmamadali.
"Andito ka na iha" isang magandang babae ang sumalubong sa akin.
"Good afternoon po ma'am" nahihiya kong bati.
"Nako iha wag nang Ma'am, tita nalang. Tita Hydie"
"Tita Hydie"
"Yan, mas maganda pakinggan kaysa sa ma'am. Tara pasok nag bake ako ng cookies, alam ko pagod ka sa byahe." Hinatak na nila ko kaya wala na akong nagawa.
Follow, Comment, Vote and Share ❤️?