Kabanata 2

1035 Words
Upo ka dito iha" excited na sabi ni tita hydie. Pinaghatak niya pa ko ng upuan. "Naka tita, ako na po nakaka hiya naman po" "Asus ano ka ba, wag ka ng mahiya. Feel at home" kahit nahihiya, kinapalan ko nalang ang mukha ko. "Tita pwede po bang ako nalang ang magluto mamayang gabi?" "talaga? Marunong ka magluto?" "opo, sa totoo po gusto ko po maging chef" Naka ngiti kong sabi. "Sige nga, ikaw ang magluto ngayon ng matikman natin. Tamang tama darating ang anak ko" "Meron po kayong anak?Kala ko po nasa 25 lang po kayo." "Naku, binola mo pa ko. Meron. Dalawa ang anak ko, isang 25 years old siya ang namamahala sa kompanya ngayon at isang 18 years old first year college siya ngayong pasukan" napangiti nalang ako ng mapait. "ano po ang gusto niyong lutuin ko?" pag iiba ko ng usapin. "Hmm. Adobo, paborito ng panganay ko at sinigang na baboy naman ang paborito ng bunso ko." "sige po, yun nalang ang lulutuin ko." "pag usapan nga pala natin ang pagpasok mo." napalingon agad ako dahil sa gulat. "P-po? P-pag pasok po? Naku h-hindi na po, mag iipon nalang po muna ako." nahihiya kong sabi. "Naku iha, ayoko naman na maiwan ka tsaka para may ka sabay din ang anak ko parehas pa naman kayo na gusto mag chef" "nakaka hiya po." "pag tratrabahuan mo naman yun" ay kala ko pa naman libre, paasa naman to. "ah eh oo nga po hehe" "HEHEmpesen kete, syempre joke lang yun" "kayo po talaga tita mapagbiro hahaha" tumawa nalang ako para mawala yung pagkailang ko. "oh sige na pagkatapos mo jan magpahinga ka na. Ihahatid ka ni manang lolet sa kwarto mo" "salamat po" pagkatapos kong kumain niligpit ko na ang pinag kainan ko at hinatid na ni manang. Nung una nga ayaw pa nilang pumayag na ako ang magligpit at maghugas buti nalang nauto ko sila. "Dito ang kwarto mo" sabi ni manang pagka bukas na pagka bukas niya ng pinto. "Wow! Seryoso po ba kayo? Sobra Sobra na po ito" maluha luha ako habang iniikot ang malaking kwarto. "Mabait kang bata kaya pinagpapala ka, ipagpatuloy mo lang yan." "Salamat po" "oh siya mauna na ko para makapag pahinga ka" naligo lang ako at nagpahinga. Nagising ako ng bandang ala singko kaya nag ayos na ko ng sarili at lumabas na. Buti nalang at may nakasalubong akong kasambahay kaya nakapunta ako sa kusina ng natiwasay. "ate si tita po?" kanina pa kasi ako hanap ng hanap sa kanya hindi ko siya makita. "umalis saglit, mag grocery yata" "may ingredients po kayo para sa sinigang at adobo?" Ayoko kasi mang galaw dito sa kusina, nakaka hiya kaya nagtanong nalang ako. "sinigang na baboy? Meron, kumpleto Jan" "sige po, ako na po magluluto ng hapunan" "naku iha baka magalit si ma'am" "nagpaalam na po ako kanina" hinanda ko nalang lahat ng kakailanganin toyo, suka, bawang, baboy, gulay, pampalasa at pang gisa. "sige, sarapan mo ha" napangiti ako sa sinabi ni ate. Binabad ko muna yung manok sa toyo, suka, bawang, paminta at dahon ng laurel habang nag hahanda ako ng para sa sinigang na baboy. After 30mins pinakuluan ko na ang adobo, pinagsabay ko na ang sinigang para sabay matapos. Sila ate narin ang nag saing at nag handa ng Lamesa. "Good Evening" masiglang bati sa amin ni tita. "Good Evening po, patapos na po ito" "Ambango naman niyan iha, tamang tama at darati na ang nga anak ko" "Hindi po sila dito nakatira?" hindi ko pa kasi sila nakita ngayong araw pero sa bagay Friday naman ngayon. "Hindi, may sarili silang condo. Umuuwi lang sila pag Friday ng gabi since wala naman silang pasok kinabukasan tsaka babalik na ng linggo ng hapon" "Hindi po ba nakakalungkot ang mag isa?" na alala ko na naman ang mga magulang ko. "Nakakalungkot pero andito naman sila manang at inaabala ko nalang sarili ko sa pag aayos ng mga halaman." sabagay, may point siya. Pagkarinig namin ng busina saktong luto na ang pagkain namin. "Mommy!I'm home." may babaeng sumisigaw kaya umalis muna si tita. Naghanda na kami ng Lamesa para maka kain na sila. Tumambay nalang kami sa kusina kasama ang ibang kasambahay. "Manang asan si Ashley?" tinulak ako ng mga katulong papuntang hapag kainan. "Good Evening po" Yumuko ako pagka bati ko. Kumpleto na sila. "Halika iha at ipapakilala kita sa mga anak ko, sabay Sabay narin nating husgahan ang luto mo" hindi matanggal ang tingin ng dalawang anak niya sa akin. "Naku kinabahan naman po ako agad. Sana po magustuhan niyo." Yumuko muna ko bago umupo sa tapat ng panganay niyang anak. "Jester Kyle panganay kong anak at Laura Denise bunso ko, siya nga pala si Nadine Ashley. Siya yung kwinekwento ko sa inyo" napayuko nalang ako sa kahihiyan dahil hindi parin bumibitaw ng tingin si Jester. "Hi, I'm Laura Denise Buenavista, upcoming 1st year. Culinary Arts ang course ko, how about you?" Magiliw na pagpapakilala niya sa akin. Nag umpisa na kami kumain habang nagkwekwentuhan. "Hmm. Taste Good" sabi ni Jester. "True ka jan kuya. Sino nagluto ma?" "Si Ashley, Pasado na ba sayo jester? Pasado na ba maging asawa mo?" sabay pa kaming nasamid ni jester kaya natawa si Laura. "Mom?!What are you talking about?"awkward na tanong niya kaya napayuko nalang ako. " Just Joking nak. Btw Gusto maging chef ni Ashley, sabi niya mag iipon muna siya para makapag aral. " " No need Ash, kaya ka namang pag aralin ni mommy pero sa akin ka titira. " Nagkatingan silang magkapatid. "Ahm nakaka hiya naman" "Please mommy, help me to convince her.Wala kasi akong kasama sa condo." "Sige na iha, para sabay din kayong matapos ng anak ko. Kung nahihiya ka edi, study now pay later. Mag aral ka muna, pag stable na ang buhay mo dun mo na ko bayaran." Naka ngiting sabi niya. "Maraming salamat po, maraming maraming salamat po. Tatanawin ko po itong utang na loob." napayakap nalang ako kay tita hydie at naiyak sa sobrang galak. "Naku iha wag kang umiyak lalo kang pumapangit." Umatras tuloy lahat ng luha at uhog ko, napalingon nalang ako dahil sa lakas ng tawa nung magkapatid. Follow, Comment, Vote and Share ❤️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD