Kabanata 4

1332 Words
Maaga akong nagising dahil magluluto ako ng agahan. Nagluto lang ako ng hotdog, bacon, sunny sideup at fried rice. Pagkatapos ko magluto, nag linis nalang ako ng condo. "bat ang aga mo magising?excited sa enrollment?" bagong gising lang si kuya at gulo gulo pa ang buhok. "kuya mahangin ba sa labas? Kinakabahan nga ako sa enrollment, paano pag hindi ako matanggap?" napahawak agad siya sa magulo niyang buhok. "haha oo sobrang hangin pwede ka ng tangayin.Tsaka ano ka ba, think positive matatanggap ka din.Ikaw pa!" "Kumain ka na nga kuya binobolo mo lang ako" dumiretso na siya sa Lamesa para kumain. "gisingin mo na si Laura para sabay Sabay na tayo." kinatok ko na ang pinto ni Laura para gisingin pero sampung minuto na at hindi parin nagigising kaya lumingon ako kay kuya at nagkibit balikat. "Mahirap talaga gisingin yan" nag handa na ko para sumigaw. "LAURA GISIIIIIIING! MAY SUNOOOOOOOOOOOOG!!" Narinig ko nalang na may lumagabog at bumukas ang pinto. "Asan ang sunog?! Si kuya?! Tara na!" gulo gulo pa ang buhok. "Gising na siya kuya. Tara na kain na tayo Laura." napailing nalang si kuya habang tumatawa.Walang nagawa si Laura at sumunod nalang sa Lamesa. "Ash naman wag ganun, Nahulog tuloy ako sa Kama"nagpatay malisya ako at kumuha nalang ng pagkain. " Sabi kasi ni kuya mahirap ka daw gisingin kaya naka isip ako ng paraan. " Ngumiti nalang ako ng pagkatamis tamis para mawala yung tampo niya. " Anong oras kayo aalis Laura?" "Mga 10 kuya para nandun na lahat ng staff. Mahirap bumalik araw araw" "Ahm. Anong susuotin ko?" "Mag bra't panty ka" pagbibiro ni Laura. "Den naman butas nga ang bra't panty ko"natawa sila pareho. "Hahahahahaha. Joke lang yun." Kumain nalang kami at nauna ng umalis si kuya para pumasok sa kompanya. "Ash mag ayos ka na" simpling tshirt at Black pants lang sinuot ko, wala kasi akong mga bagong damit. Nag antay pa ko ng halos isang oras bago nakalabas si Laura sa kwarto niya na Akala mo may party na pupuntahan. "San ang party?" inirapan niya lang ako at naligpasan. "Normal look ko lang to pag lalabas, tara na" Nagdrive na siya at namamangha parin ako sa ganda ng mga gusali perpektong perpekto. Hindi nagtagal nakarating na kami sa isang naka gara at lawak na school.Para siyang tatlong soccer field ang laki.Wow! Ang sosyal nitong school na to lahat yata ng mga estudyante naka kotse o kaya mga de hatid ng mga magulang. "College lang ba to?" kulang nalang tumulo laway ko sa kamanghaan. "Hindi. Nakikita mo ba yung building na medyo maliit? Elementary Department yun" tinuro na yung medyo malayong building. "Yung itim naman na building highschool department yun at kung saan tayo naka tayo college department" Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga estudyante o sabihin na nating si Laura. Maganda,Mabait, Matangkad, may kurba ang katawan, Mahaba ang pilik mata, Matangos ang ilong at mapupulang labi para siyang dyosa kaya hindi nakakagulat na marami siyang mapapa-ibig. "Hi Laura" may mga naglalapitan at bumabati. "Sino yang kasama mo? Yaya mo?" nagtawanan yung grupo ng kababaihan na lumapit, para sila yung mga babaeng nag aantay sa kanto na may lumapit na kotse. Mga maiigsi ang damit at puno ng pang kulay sa mukha. "Kapatid ko, bakit?" Tinaasan niya ng mga kilay eto. "Den hayaan mo na sila, kahit mukha akong yaya atleast hindi ako mukhang babaeng nag aantay sa kanto ng mga kotseng pupulot sa kanila at mukhang binabad sa pintura." "What did you say?!!" nang gagalaiti niyang sabi habang pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Ay boba! Mukha kang pokpok na coloring book gusto mo ako mag kulay ng mukha mo? Magaling ako mag painting. Naiintindihan mo na ba o kailangan ko pang englishin? Yan kasi pinag aaral ng mga magulang puro mukha lang ang alam" napa ohhhhhhhh ang mga tao kaya umalis na yung mga babae habang umiiyak. "Hahaha go girl! Yan ang sissy ko, walang inuurungan." "walang kinikilingan, Walang pinoprotektahan Serbisyong totoo lamang Walang iwanan." pag kanta ko kaya natawa nalang kami. "Tara na nga, baka Mahaba na pila." hinatak niya na ko sa main building para mag exam. " Umabot kami ng apat na oras bago matapos, nakuha na namin yung resulta ng exam kaya dumiretso na kami sa pag enroll at magkaklase pa kami ni Laura. " Hay! Nakakagutom, eto ang pinaka ayaw ko sa enrollment pero atleast may kasama ako" "wala ka bang kasama pag nag eenrol?" "Si kuya ang kasama ko sa enrollment, wala kasi akong kaibigan yung masasabi mo talagang kaibigan. Kakaibiganin ka lang nila dahil sikat ka o dahil mapera ka, Ayoko ng ganun" napangiti nalang ako sa kanya. "Tara uwi na tayo, magluluto ako ng paborito mo." pagkarinig niya ng paborito hinatak niya ko papuntang sasakyan para makauwi. Pagka uwi namin nagluto na ko ng sinigang at adobo para pag umuwi si kuya makakain agad siya. "Den text mo nga si kuya kung anong oras siya uuwi" sigaw ko mula sa kusina. "Ikaw na, nanunuod ako ng Netflix." pumunta nalang ako sa sala para kunin phone niya,buti nalang marunong ako mag phone. Kahit naman taga probinsya kami maalam ako, kasi may kaya naman kami yun nga lang naubos funds namin simula nung namatay sila mama. "Ano yan?!!" halos mabato ko siya ng sandok nung Nakita ko yung pinapanuod niya! "365 Days, ganda niyan sis. Gwapo talaga ni Massimo!Ka pangalan ko pa yung babae kaya feeling ko ako yung partner niya!" tumitili niya pang sabi. Kinuha ko nalang yung phone niya at tinext si kuya. Ako: Kyaaaaaaaah pengeng piso. Kuya Jes: Wtf Baby!? Kabibigay lang ni mommy sayo ha! Ako: Hahahaha kuya si Ash to. Kuya Jes: Wala ka na bang pera? Bigyan nalang kita mamaya. Ako: Joke lang kuya, tatanungin ko lang kung anong oras ka uuwi. Kuya Jes: Mga 6pm, bakit may pa pabili ka? Tska where's your phone? Ako: Wala naman kuya, nagluto kasi ako ng paborito mo sabay Sabay sana tayo kumain. Tska wala po akong phone. Hehe Kuya Jes: Aww ang sweet ng baby namin, sige uuwi ako ng maaga. Ingat kayo jan. Ako: Ingat sa pag uwi kuya. Sinauli ko na yung phone niya at tinapos ko na yung niluluto ko. Dalawang oras nalang bago umuwi so kuya kaya inayos ko nalang yung kwarto. Nagising nalang ako dahil sa katok. "Pasok" "Andito na si Kuya,mainit na rin ang mga pagkain.Tara kain na tayo." Hinatak na ko ni Laura papuntang hapagkainan. "Good Evening kuya." "How's your day babies?" "Super haggard brother, My Ghad 4hours kami at eto pa halos mapaaway pa si Ash"pambubuking pa ni Laura. "Why?" napako ang tingin niya sa akin. "ah eh hehe kasi kuya, ano ah eh" hindi ko mahanap ang salitang sasabihin ko. "Kasi yung mga reynang bubuyog sa school tinanong ako kung sino kasama ko, yaya ko daw ba sabi ko kapatid ko tapos yun bumanat na si Ash" kwinento ni Laura ng buong pangyayare. Natawa nalang si kuya at napailing. "Tama yung ginawa mo pero mag iingat ka at bago ka pa lang, baka pag initan ka" panenermon niya. "Edi pag initan nila kuya, lutuin ko pa Sila." "Ash kunin mo yung bag sa coffee table." sinunod ko naman ang utos niya at binigay sa kanya. "ano yan kuya?" pang uusisa ni Laura. "Ash para sayo, para Hindi ka na manghihiram ng phone kay Laura." binigay niya sa akin yung bag at nagulat ako na yung bagong labas na phone yung binili niya. "kuya hindi ko to matatanggap, sobra sobra na ang naitulong niyo sa akin." na iiyak na sabi ko. "Edi bayaran mo pag nag katrabaho ka na, kung dun ka sasaya.Kunin mo na yan para incase of emergency ma cocontact ko kayong dalawa at makukumusta mo pa si mommy" "Gora na Sissy para may ka text ako" pamimilit nilang dalawa. "Maraming salamat sa inyo, malaking tulong to sa pag aaral ko. Makakapanuod na ko ng mga bagong dishes" napaiyak nalang ako kaya niyakap nila kong dalawa. Follow, Comment, Vote and Share. ❤️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD