Dalawang araw nalang at pasukan na,kinakabahan na ko. Nakapamili na kami ng mga school supplies, mga damit, yung mga utensils na gagamitin,nakuha na rin namin yung uniform namin. Wala kaming lista ng mga bibilhin kaya kung ano yung naisip namin na pang course namin binibili ni Laura. Buti nalang magkaklase kami para may mapaghingian din ako ng tulong.
"Sissy handa ka na ba makakita ng mga gwapo?" Laura giggled.
"Handa na ko makakita ng Classroom at oven" pagtataray ko sa kanya.
"KJ naman nito"
"Laura wag mo nang asarin yan" Sabi ni kuya habang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
"Kaya hindi ka nagkaka girlfriend eh puro ka nalang kupanya"
"Bakit, may boyfriend ka na ba?" tumingin sa kanya ng masama kaya napa ayos siya ng upo.
"wala ah" pagtatanggi niya.
"ayus ayusin mo lang Laura Denise.Alis na ko" Humalik nalang si kuya sa aming dalawa ni Laura at umalis na.
Nanuod lang ako ng mga bagong dishes at Pang bake sa youtube at Netflix naman si laura sa loob ng dalawang araw.
"Handa na ba kayo?" pang uusisa ni kuya.
"Handa na po pero kinakabahan parin" sabi ko habang naghahanda ng ibabaon namin, sinama ko na yung baon ni kuya.
"I'm good kuya"
"Kuya lunch mo po, wag kang magpagod sa trabaho. Maliligo na ko." Humalik na ko sa kanya baka hindi ko maabutan eh.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin naligo, nag toothbrush at nagbihis na, casual lang sinuot ko since first day palang naman. Simpling Off shoulder at Pants tska flat shoes lang sinuot ko dahil dito ako kumportable. Si laura naman red tube,black jacket, skinny jeans at heels hindi talaga ako magtataka kung may mag offer sa kanyang maging artista o modelo.
"Let's gooooooooooooo" excited niyang sabi. Nag madali na kaming sumakay sa kotse niya at baka malate na kami. Buti nalang at hindi kami na traffic kaya nakarating kami agad.
"Welcome Collegeeeeeeeee" napapa iling nalang ako sa kakulitan ni Laura. Pinagtitinginan na tuloy kami.
"Look who's here, Laura the great at ang kanyang yaya" nagtawanan ang mga alipores ni bubuyog at yung mga nakarinig.
"Tara na den, malalate tayo. Wag nating pagtuunan ng pansin ang mga coloring book na pinagsawaan ng mga bata sa tabi tabi." nagsigawan ang mga nakikinig kaya hinatak ko nalang si Laura para hindi kami mahuli.
"May araw ka rin sa akin" Sigaw ni bubuyog. Saktong sakto na pagkaupo namin sa room ay papasok din yung guro namin.
"Good Morning Class. I'm Mrs. Rivera, your adviser" bumati na kami at umupo.
"Since today is first day of class, we will do the Introduce yourself"
"Angela Smith"
"Mark Chua"
"Kevin Teng"
"Calvin Huang"
Nag umpisa na sila mag pakilala isa isa at hinintay nalang namin ang truno namin ni Laura.
"Hi Good morning peopleeeeeee. I'm Laura Denise Buenavista 18 years of age,from the land of Buildings, Makati!Minsan lugar, mas madalas ikaw. I thank you" nag palakpakan ang mga lalaki at Napairap nalang ang mga babae. Natawa at napailing nalang ako sa kakulitan niya. Pumunta na ko sa harap at nag pakilala.
"Hi, Hello I'm Nadine Ashley Monteverde but you can call me Ash. 19 years old, Galing sa lugar na masasarap ang lomi. Batangas!" bumalik na ko sa aking upuan at hindi na sila pinansin.
"Galing mo dun sissy" may pag alog pang nagaganap.
"Mas magaling ka, wag kang papatalo" nagtawanan nalang kami.
Ganun lang ang ginawa namin sa umaga, paulit ulit na pagpapakilala.Kaya nung tanghali na Pumunta nalang kaming cafeteria at bumili ng drinks since May baon naman kami.
"Hi. I'm Erin Faith, magkaklase tayo kanina ko pa kayo gustong lapitan nahihiya lang ako" Hinatak agad siya ni Laura paupo. Isa siyang nerd, Naka braid ang buhok, makakapal na libro ang hawak at Mahabang palda.
"Hi girl, sumama ka na samin kumain." Pag aalok niya.
"Ah eh.Hindi na,kumain na ko.Nakakahiya naman" Nahihiyang sabi ni Erin.
"Bat ka mahihiya?" napa tanong tuloy ako ng wala sa oras.
"Kasi Nerd ako, pangit at parating binubully"
"Ang kagandahan ay wala sa maganda, gwapo, magandang buhok, matangkad, sexy o macho in short wala sa panlabas na anyo. Ang tunay na ganda ay nasa sarili mo, nasa puso. Kahit anong ganda mo kung masama naman ang ugali mo wala rin. Tumingin ka sa salamin gamit ang mga mata mo. Wag kang magpatalo sa mga taong mapanghusga dahil hahatakin ka lang niyan pababa. Diyos lang ang pwede mang husga sa atin. Maganda ka, yan ang tandaan mo. Outer Beauty Attracts, but Inner Beauty Captivates" pangangaral ko sa dalawa at parang tanga na naman si Laura.
"Whoaaaaah! Nadine Ashley Iboto para sa senado"
"Salamat, Tama nga ang taong nilapitan ko."
Tinapos na namin ang aming pagkain at bumalik na sa klase. Wala naman magandang nangyare ngayon araw, puro lang pakilala. Hinatid na rin namin si Erin sa sakayan ng jeep, bago kami bumalik sa parking lot at umuwi na. Scholar lang pala siya sa school, naglilinis ng library at utusan sa faculty ang ginagawa niya sa umaga at may part time job naman siya sa gabi.Labandera mama niya at stroke na ang papa niya, meron pa siyang limang kapatid na binubuhay. Swerte parin ako kahit papaano, namatay man ang mga magulang ko meron parin naman mga taong handang tumulong sa akin/sa amin.
Pagkauwi namin sa bahay, nagbasa lang ako ng mga libro kahit wala pa namang na discuss. Pag tapos ko magbasa nagluto na ko ng hapunan pritong isda, pinakuluang saluyot, Toyo na may kamatis at sibuyas. Hindi ko alam kung kumakain sila nun pero gusto kong ipadama sa kanila ang buhay probinsya.
"Kain naaaaaaaa" kinatok ko na mga pinto nila para marinig nila ko. Pagkadating sa hapagkain, makikita mo ang gulat sa mga mukha nila.
"What is that?" sabay turo isda at saluyot.
"Isda. Pritong isda at nilagang saluyot, malinis yan kaya okay na okay" tahimik lang si kuya habang nakatanaw sa mga pagkain.
"masarap? Ayoko niyan." nandidiri parin si Laura.
"Kuya Paano mo nakuha ang tagumpay mo?" na patingin siya sakin at parang nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig.
"Sumugal ako. Kahit mahirap, pinagpatuloy ko. Dalawa lang naman yan, matatalo ka o mananalo ka"
"Exactly, paano niyo malalaman kung hindi niyo susubukan" dahan dahan silang kumuha habang pinapanuod ko silang kumain. Kuha ako ng tubig sa kusina pagbalik ko halos maubos na ang pagkaing nakahanda sa hapag.
"Langya. Hindi niyo man lang ako tinirhan, may pa ayaw ayaw pa kayo."Napangiti sila ng alanganin at dahan dahang binabalik ang natitira nilang ulam sa plato.
" Joke lang, meron pa yan sige kain lang kayo. "kumain na rin ako, mahirap na baka tuluyan na kong maubusan.
*buuuuuuurp*
Sabay pa talaga silang dalawa na dumighay.
"Thank you Lord, nabusog din" may pahimas himas pa si kuya sa tiyan niya.
"Wow nahiya naman ako sa" nabusog din" nagtawanan nalang silang dalawa. Si Laura na nag linis ng Lamesa at si kuya naghugas kaya tumambay nalang ulit ako sa salamin na kitang kita ang syudad.
Follow, Comment, Share and Vote ❤️?